Archive for April, 2011


“What’s goin’ on chicharon?”

katulad nga ng ipinangako ko kahapon tungkol sa pag kukwento kung panu nga ba ako nagsimula ng pakikipagsapalaran sa maynila ngunit pero datapwat ikukwento k muna ang mga nangyari sakin sa araw na ito…pramis! maikli lang ito.

pagkagising ko sa umaga, parang ang saya ng pakiramdam ko bukod sa darating na ang mga mag iina ko galing bulacan eh naka bekeyshon lib pako..ang sarap magising sa umaaga ng hindi nagmamadali at hindi mag iisip na maliligo at maghanap ng susuotin sa trabaho kasi wala nga pong pasok..

mag aalas dose ng dumating ang mga inaasahan kong tao..ang mga anak ko at ang asawa ko na si daisy…siyempre nag yakapan kami ng anak kong si marley na animo’y isang taon nagkawalay at ganun din ang bunso ko na si bob, pagkatapos nun ay buong maghapon na kaming naglaro at tinupad ang tungkulin bilang ama..pagpapakain kay marley, pag nkakapagod pero masaya.totoothbrush ng sabay kami at pag hihilamos para maihanda ang sarili sa pagtulog..nakakapagod maging ama pero sobrang saya.

(tingnan yung isang kwento sa kabilang thread.)


“ALOHA!-SARSI COLA”

bago ko pa man ikwento ang pakikipagsapalaran ko sa maynila hayaan nyo muna akong ikwento ang mga nangyari sa akin sa araw na ito. maikli lang ito. pramis! o my goodness!

natulog nga pala ako ng mag aalas singko na ng umaga kasi tinapos ko yung pinapanood kong replay ng UFC: 126 silva versus belfort.

napaka ganda ng laban nila pati rin syempre yung mga naunang laban o ang tinatawag nilang undercard..doon ko din nakita ang mga laban nila franklin at griffin at si jon “the bone” jones – ang pinaka batang lightweight champion ngayon sa UFC..napakagaling nga naman nitong batang ito.

“tugudugudug tugudug tugudug…hay buhay, hay buhay hay buhay nga naman…” tunog ng aking alarm ng alas diyes ng umaga para maagang magising at makapaghanda na para pumasok..

katulad ng dati..pag baba ko sa salas nakita kong nanonood ng mukha sa mukha (face to face by amy perez) ang kasambahay namen at nakinood nadin ako ng konting minutoo..ganoon parin ang istorya. inayawan ni mister si misis at nagkaroon ng kabit at kung anu ano pang istorya nila..

pagkatapos nun ay agad naman akong kumain ng almusal at tanghalian ng sabay “brunch” kung tawagan nila ito.. isang malaking tilapia na prito at macaroni soup ang inihanada ni ate becka (kasambahay).. pagkatapos ay naligo, nag toooot* …..(dumumi) –> (at sasabihin sa nanay- “mami..i’m piniiiish“…) at nagbihis pero bago pa man akong magbihis ay naghanap muna ako ng maisusuot na matingkad na kulay na damit kasi meron kaming pictorial sa opisina para ilaban ito sa iba’t ibang koponan(team) ng programa namen.. nakita ko ang isang kong damit na polo at naisipan planstsahin ito pero bago ko pa man magawa ang pag papalantsa ay agad din naman nawala ang sipag ko kaya hinayaan ko nalang syang gusot ang damit ko..

nakarating ako sa opisina ng dadalawang daan nalang ang nasa bulsa, wala kasi ang aking mahal na asawa kaya wala rin akong pera kaya tiyaga tiyaga lang ako sa aking salapi..bumili ako ng maiinum at sobrang init kanina mga 35.5 degrees centigrade yata ang temperatura kanina pero sa naitala kahapon yung pinakamaiinit so far sa metro manila na umabot ng 36.1 degrees centigrade ay noong martes abril 26 taong dos mil onse.

pagpasok ko sa opisina..nakipag kwentuhan saglit kay tj at nakipagkulitan na sa aking mga ka miyembro ng aming koponan na kung tawang nila ay ” cuervo” laging number one!

si lea, si kate, si vann, si gelo, si ryan, si allen, si missy, si loren, si may..wala si kuya edwin doon at si “christopher from sales”  <–(pababa ang tono pag binasa ito)

nag handa kaming lahat para sa pictorial namen kinagabihan noong araw na iyon para ipanglaban sa iba’t ibang koponan ng programa. andiyan ang mga makukulay nameng damit na pang summer..kulay asul ang napili ko at nagulat ako ng marami rin naka kulay asul sa amin..si gelo, si ryan, si allen at si TL crissy(Team Leader ng grupo). nakakatuwa ang mga iba’t ibang kulay na suot ng grupo. si kate-dalandan, si vann ay kulay pula, si may julio ay kulay dilaw at yung iba ay hindi naman masyadong sumunod sa patakaran..si missy ay stripe na red at si loren ay rosas ang kulay ng damit na may mga rosas din..hahaha. pagkatapos kong mapuna ang mga iba’t ibang kulay ng aming mga damit ay agad ko naman sinumulan ang aking trabaho – ang gumawa ng kung anu ano maisipan ko.  nag palobo ng mga lobo na gagamitin sa pictorial kinagabihan, nag update ng stats board namen at kung anu anu pa.

dumating ang alas nuwebe ng gabi at nakakalungkot man ikwento ay hindi na natuloy ang aming proyekto.. nasayang ang mga naisip kong posisyon sa gagawin sana naming proyekto. hay naku..ayoko ng ikwento-badtrip nako.

katulad ng dati na ulit ang sistema sa opisina..ganoon talaga kapa gabi na kasi umaga na sa amerika at gising na ang mga amerikano para mang buwisit sa amin..unti unti rin naman napuno ang opisina namen para sa mga naka iskedyul sa oras na iyon…sana laging hapon nalang para masaya ang aking mga tropa. bukod sa walang gaanong trabaho ay malaya kang gawin ang kung anu man ang gustuhin mo kaya nga nakabawi ako ng tulog kanina dahil sa pagpupuyat ko kagabi.

pagkatapos kong kumain ng hapunan ay biglang nanghina ang aking katawan at biglang papikit na ang aking mga mata, ayan na, ayan na,,inaantok na VTO at agad naman pumayag ito..ewan ko ba sa tuwing pagkatapos kong kumain ay inaantok nako, senyales na ba ito na magiging baboy nako?

para sa hndi nakakaalam ang VTO ay voluntary time out at kapag sinabing TCO ay “take care okay” ang kahulugan nito (nakuha ko ito kay TL crissy).. ibig sabihin ng TCO ay “taken care of” or sa madaling sabi ay pwede ka nang umuwi jay tecson (the real one..) . wala pala akong pasok bukas kasi naka bekeyshon lib ako..ang sarap ng buhay.. napahaba ata ang sulat ko  ngayon kaya sa sunod ko nalang isusulat ang pinangako ko kahapon…pramis! kahit kadiri to death ako..ewwwie!

paalam na!

bye bye buko pie!

sunod sa UMPISA…

Posted: April 26, 2011 in Daily Service

natapos nanaman ang isang araw, hindi ko pa rin nakikita ang mga anak ko kasi naiwan ko sila sa bulacan at kelangan ko magtrabaho dito sa makati subalit datapwat naging makahulugan naman ang araw kong ito..marami akong nagawa at nakapag kwentuhan sa mga ka opisina at mga tropa ko..

pagkagising ko kaninang umaga agad akong tumuloy sa banyo para umihi kasi masakit na ang pantog ko kakatiis ng pakiramdam na yan ng dahil sa antok at sa pagnanais na makatulog ng mahaba para sa trabaho kanina, pagkatapos sa banyo ay binuksan ang tv habang humihigop ng mainit na kape..

inilipat ang tsanel sa kung saan saan, lipat dito, lipat doon at agad naman nakuha ang atensyon ko ng programang mukha sa mukha (face to face) isang lalake at isang babae mga pawang matatanda at mga amoy lupa na…ang pamagat ng episowd na yun ay “si kumare inagaw si kumpare”

nakakatuwang isipin sa ganoong edad ay may mga nangyayari pa palang ganoon at sa telebisyon pa talaga sila nag aaway,si misis umalis para magtrabaho sa quezon at inakala ni mister ay iniwan na sya nito kaya’t agad agad naman pinatos si kumare na agad din naman pumayag na magsama sila..napakadali at napakabilis ng pangyayari..basta ganoon umiikot ang istorya nila, hindi ko naman na tinapos at kelangan ko ng mag asikaso para sa pagpasok ko..

nakarating ako sa opisina ng maaga, kwentuhan kung saan saan…napakabagal ng oras sa opisina, parang dalawang oras sa totoong mundo ang katumbas ng isang oras sa opis. ako lang ba ang nakakaramdam nito kasi tamad ako o lahat talaga ng tao ganito?

salamat din sa mga ka opis meyt ko sa mga kwento at mga tawanan sa araw na ito marami akong natuklasan na mga tsismis at mga sikreto..hahaha..hindi ko sasabihin dito pero pag ako’y pinilit sasabihin ko rin ang mga ito dito..

lumipas ang segundo minuto at ang oras , nakapag “break” “lunch” “break” nakapag yosi at nakapag bigay ng serbisyong totoo sa mga “subscriber” ng kompanyang pinapasukan ko..yan ang pinaka importante dito..isang serbisyong totoo sa mga suki at parokyanong mga amerikano.

nakapag kwentuhan din ng isang oras sa superbisor ko at nakipag palitan ng mga ideya..bago ko makalimutan kelangan pala summer kolor ang isusuot ko bukas pag pasok sa opis, kelamgan ko mamlantsa at panigurado may papansin nanaman ng damit ko kung gusot gusot ito..(alam mo na kung sinu)

dumating ang hinihintay ko. may natanggap akong mensahe na pwede nakong umuwe kahit hindi pa oras ng uwian..isang oras lang naman ang pagitan pero ng matanggap ko ito tuwang tuwa ako at makakatulog ako ng maaga para sa pag dating ng mag iina ko bukas…ang sarap pakinggan ng VTO is TCO..

maglalaro sana ako ngayon sa aking laptop pero inaantok nako at kelangan ko pang mamlantsa kaya bukas nalang kasi isang araw nalang at wala na naman akong trabaho.. ang sarap ng buhay..salamat sa DIYOS!

hanggang sa muli..kwento kung paanu ako nagsimula ng pakikipag sapalaran sa mahal nating maynila..

*with tune of tv program maynila hosted by lito atienza*

umpisa

Posted: April 25, 2011 in Daily Service

hindi ko alam ang gagawin ko sa blankong page na ito..parang ang korni naman nito..matutulog na sana ako ng biglang may pumasok sa isip ko..eto ang mag sulat.

nakakalungkot naman pala ang mag isa sa kwarto, yan tuloy naiisip kong magsulat..

napakatahimik, walang umiiyak na bata, wala ngang magulo habang nag kokompyuter ako pero nakakasabik din pala at naka lungkot pag walang maingay at walang magulo na anak mo sa tabi mo..nag iisa lang ako..

parang gusto ko na yata matulog..hangggang sa muli.!

Hello world!

Posted: April 25, 2011 in Daily Service

Welcome to WordPress.com. After you read this, you should delete and write your own post, with a new title above. Or hit Add New on the left (of the admin dashboard) to start a fresh post.

Here are some suggestions for your first post.

  1. You can find new ideas for what to blog about by reading the Daily Post.
  2. Add PressThis to your browser. It creates a new blog post for you about any interesting  page you read on the web.
  3. Make some changes to this page, and then hit preview on the right. You can alway preview any post or edit you before you share it to the world.