Archive for May, 2011


Huling tulog na at bibiyahe na kami sa pangalawang taon ng pagiging “best of the best” sa nasugbu, batangas.hindi naman ako masyadong natuwa kasi para saling pusa lang ang aming grupo hindi kumpara noong nakaraang taon na lahat kami sa grupo ay sumama pero sa taong ito hindi kami ang pinalad na manalong grupo..nakasama lang yata ako kasi may hindi sasama sa grupo ng “team euro” ganun din ang kwento ng aking mga ka-grupo pero dahil nasa bilang kami ng mga magagaling e pinasama na rin kami…napagod ako sa buong maghapon ng biyernes..nakakapagod gumawa ng wala…kesa naman sa walang ginagawa..(pag isipan ang kaibahan)..sa totoo lang..nag ehersisyo ako maghapon, nagpapawis, at mas lalo pang pinapaganda ang aking mga pandesal sa katawan..alas siyete ng gabi ng ako ay makatulog at dahil medyo maulan ay masarap matulog pero sa di inaasahan na pang yayari..nagising ako biglang may kumakaluskos sa aming kwarto..kinabahan ako,,pinag pawisan..hindi ko alam kung anu ang bagay na ito..laking gulat ko ng lumabas ang asawa ko..nag aasikaso na pala siya para pumasok sa trabaho..ala una y medya ng umaga ng umalis siya at simula ng oras na yon umikot ikot na lang ako sa aming higaan..pinipilit makatulog..pinepeke na tulog..pero ang hirap..bumangon ako..nahiga..tumayo..humiga ulit at pinikit ang mga mata..ilang minuto ang lumipas at sa kasamaang palad ay hindi pa rin ako nakakatulog at hindi ko pa rin mabalikan kung anu man ang aking napapanaginipan..isang oras ang makalipas ng ako ay mag desisyon na wag nalang matulog..binuksan ko ang kompyuter ko..tumingin tingin..binuksan ang mukhang libro (facebook)..naki tsismis sa iba..tumingin ng mga larawan..may kinausap na kaibigan..nakinig ng musika..at higit sa lahat nagsawa..wala na naman akong magawa..isang bagay ang nakapag pa interesado sa akin.. may nakalagay sa “ads” sa “yahoo mail” ko..”online dating”..wala naman akong balak seryosuhin kasi nga wala lang naman talaga akong magawa at gusto ko lang naman tlagang makipag kaibigan kasi kung hindi, ako ang malilintikan nito sa asawa ko..marami akong sinubukan pero mas nag “enjoy” ako sa isang website na kung tawagin ay “chatroulette.com”..subukan niyo kasi iba iba ang mga lahing makikita mo..
Ito ay isang parang laro na kung ayaw mo sa kausap mo ay pwede mong palitan ako ito sa pamamagitan ng pag pindot ng “next” para makakuha ka ng ibang lahi o ng ibang tao..maraming nakakatawang kwento at marami rin nakakatawang mukha sa paningin ko kasi malay mo nakakatawa rin ang mukha ko sa paningin mo..maraming may maskara ba parang mga tanga..may batman,,may multo..at siyempre hindi naman ako nagpahuli sa mga kagaguhan ng mga tao dito..kinuha ko ang unan ni marley na parang manika na may mukhang dora..hindi si dora sa kimmydora ha..si dora the explorer po ang tinutukoy ko..maraming natuwa..tumawa..humagakhak..pero sa bandang huli parang nagsasawa na sila sa gimik ko kaya sarili kong ukha naman ang pinakita ko..marami naman palang mababait na amerikano..italyano at kung anu anong lahi dito sa mundo..meron din naman mga kupal na kahit hindi mo naman inaano ay laging naka pakyu…siyempre hindi rin ako papatalo..dalawang kamay na pakyu ang isinukli ko..maraming nakakatuwang komento ang mga natanggap ko pero sa lahat ng komento nila ay isa lang ang pinaka pinagtataka ko..ang tawagin ba naman nila akong “negro!”..mga lima rin yata ang tumawag sakin na “niggah!” kaya ang ginawa ko ay pinatay ko na ang kompyuter ko..hindi naman sa naasar ako pero sobrang asar ko talaga na matawag na negro…ganun ba ako kaitim para tawagin na negro? Mabalik naman tayo sa totoong kwento..ipaubaya nyo nalang sa akin ang aking pag ssimyento..hindi ko namalayan na alas sais na pala ng umaga at agad agad naman ako ay nagmadali para mag impake ng mga gamit na gagamitin ko..kelangan ko ng magmadali kasi alas siyete ang alis namin patungo sa batangas para ipagdiwang ang pagiging kabilang sa pinaka magagaling sa aming kumpanya..
Naligo, nagbihis, nagpabango kahit hindi naman ako mabaho.. at umalis,,nakarating naman ako sa itinakdang oras..maaga pako ng kinse minuto para sa pag alis ng bus..pumunta muna ako sa aking asawa para pormal na magpaalam (meron bang impormal na pagpapaalam?)..eksaktong alas siyete na..isa pala ang aking ka grupo na nakikita..si allen..pero ang iba ay wala pa..pilipino taym nga naman..
Marami pa kaming hinihintay at ako at si allen ay sumakay na ng bus..naghihintay parin..pilipino time nga naman talaga..hindi mo malaman kung saan ba nanggaling ang ganitong mga trato ng mga pilipino..namana ba naten ito sa mga bansa na sumakop sa atin? Sa mga kastila kaya?..

Karagdagang impormasyon:

*alam mo ba ang buwan ng nobyembre ay itinakda ni dating pangulong Gloria macapagal arroyo sa ilalaim ng proklamasyon 1638: “NATIONAL CONCIOUSNESS FOR PUNCTUALITY AND CIVILITY”
-bakit kaya hindi nalang sa buong taon itakda ang ganito para maging mulat naman tayo sa pagiging maagap sa ORAS.

-bakit hindi kaya nating sabihin “dadating ako ng alas otso” hindi yung “dadating ako ng mga
Alas otso”..anu kaya ang ibig sabihin nito alas otso y medya? O kelangan naming manghula?

*alam mo rin ban a merong organisyon na tinatawag na Organized Response for the Advancement of Society o ang grupong O.R.A.S.
-Seryoso ito..tingnan mo..

Mabalik tayo sa aking kwento, alas otso na ng umaga at isang oras na ang nakakalipas at hindi pa rin kami umaalis patungo sa nasugbu, walang katapusan litrato ang mga naganap.. saloob ng bus.. sa labas ng bus. At kung saan saan pa..meron pa kaming isang hinihintay na isa..si missy (messy) hindi naman importante kung dumating sa oras diba basta yung “fact” na dadating ka okay na diba? Kahit ilang oras kang huli sa itinakdang oras eh ayus lang yun..wala naman talga sa bokubalaryo ng mga Pilipino ang dumating sa itinakdang oras..totoo itoo..totoo na Pilipino ako…
pumasok na ako ng bus pagkatapos mag yosi..naupo at gustong magpahinga at umidlip muna pero malas naman ako sa katabi ko..kahit nakapikit kana eh kinakausap kapa..hindi ko na papangalan pa ito pero nagsisimula ang pangalan niya sa gerardo..hahaha. dumating din si missy bago umalis ang bus..sa wakas umalis din ang sinsakyan naming bus pagkatapos ng dalawang oras..ayus lang naman kasi Pilipino taym..basta umalis naman diba?..nagkagulo na ang bus na sinasakyan ko..kwentuhan dun at kwentuhan dyan…at higit sa lahat walang katapusang lit-ra-to…pitchur pitchur!
Wala pang isang oras ng may narinig akong mag bibidyooke daw sa loob ng bus at ang maka isang daan na score ay papalitan ng pera o cash ng isa sa mga operations manager namen..nag ingayan sila..pumalakpak pagkatapos kumanta nung isa…meron pang isang kumanta..pinalakpakan ulit..sa aking pananahimik ay bigla ko nalang narinig ang pangalan ko na pinipilit na kumanta..si kate at si van..ang ka grupo ko na nangungulit..namimilit..ayoko naman talagang kumanta pero ng dahil sa mapilit sila..kakantahan ko na sila..pero mukhang umaayon yata sa akin ang panahon..hindi umabot ang mikropono sa kinauupuan ko at ayoko naman tumayo kaya nakaligtas ako sa kahihiyan sana na gagawin ko..sayang lang ang pinraktis ko na piyesa..

“♪♫we built this city..we built this city with rock and roll♪♫…….” Kinanta ko nalang sa isipan ko..

Lumipas na ang oras, minuto, Segundo at mili-segundo..lumalamig na ang simoy ng hangin..parang malapit na kami o nasa tagaytay na kami basta malamig na pero yun pala itinutok sa akin ni allen ang aircon kaya lumamig sa kinauupuan ko…langhiya..pero seryoso..palapit kami ng palapit sa aming patutunguhan..marami akong nakita..mga kalabaw..kabayo at baka..bigla kong naalala ang aking panganay na si malrey kasi kapag kasama ko siya sa biyahe ay lagi ko siyang tinuturuan ng mga tunog ng bawat hayop..katulad ng pusa..alam na alam niya yun kasi yun din ang tawagan namin ng aking magaling na asawa..”meow..meow” ang sagot niya sa tunog ng pusa..agad ko rin tinanong kung anu ang tunog ng aso..”arf arf” ang sagot niya..pero nung tinanong ko siya kung anu ang tunog ng kabayo…“horse horse” ang sinagot niya..bigla akong nagulat sa sagot niya..hindi ko malaman kung saan nanggaling ang sagot niya pero saan pa ba naman magmamana ng kalokohan ang anak ko? alam mo na ang sagot dito..

Una at huling hinto namin sa may gasolinahan sa tagaytay..medyo malamig na nga ang simoy ng hangin..may mga umiihi, bumaba para mag unat at meron din naman nag yosi..kasama na ako at ang aking grupo sa pag yoyosi at sa hindi mapipigilang phenomenon, inilabas na ni kate ang kamera para sa litrato ulit..para bang dokumentaryo kung saan saan at kung anu ano an gaming ginawa bago makapunta sa aming patutunguhan.

Humigit kumulang isang oras din ang lumipas ng makarating kami sa aming patutunguhan..sa bandang alas onse na ng umaga ng makababa kami at maaninag ang “canyon cove” na aming tutuluyan sa ilang sandal lamang…pinapunta kami sa tintawag nilang “lobby” maganda ang lugar..wala akong masabi..nagkagulo sila..hindi magkanda umayaw sa pagkuha ng iba’t ibang litrato…meron din maiinum na inihanda para sa aming pagdating..isang baso ng tsaang may yelo (iced tea)..pero hindi naman naalis ang kagutuman ko sa isang basong tsaa na inihanda nila..nagugutom nako at ang mga bayawak sa tiyan ko ay nagrereklamo na at kinakagat na ang aking bituka sa pagrereklamo nila..kelangan ko ng kumain.!.
Mga ilang minuto rin ang lumipas ng tumambay pa kami sa labas para magyosi..hindi parin handa ang pagkain naming..bigla lang nawala ang aking gutom ng kami ay magpakuha ng litrato doon sa “foto brew”
Marami raming litrato rin an gaming ginawa..kung anu ano parang mga naloloko loko na sa litrato..pagkatapos nun ay bumalik ulit ang aking gutom…marami na akong nararamdaman sa katawan..mga nararamdaman na hindi ko gusto,,bukod sa nagugutom ay najejebs din ako..pumasok ako sa isang pribadong banyo ng mga lalake para mabawasan ang tension sa katawan ko sa pag babawas ng tubig sa katawan..pag pasok ko ng banyo ay laking gulat ko ng meron sofa sa loob nito..dalang upuan na kutson na parang komportable at isang lamesa na merong bulaklak sa gitna…iniisip ko kung bakit meron ganon sa loob ng banyo..

Para ba ito sa mga naghihintay sa banyo?

Para ba ito sa pagkakape habang hinihintay mo ang iyong pag tae?

Para ba ito sa mga baklang gustong tumambay sa banyo ng lalake?

Hindi ko talga malaman kung anu ang tunay na dahilan pero kung anu man ang dahilan niyan ay wala na akong pakialam basta isa lang ang aking nararamdaman..ito ay ang aking pag kagutom..makalipas ang ilang sandal ay pinapasok na kami sa isang malaking kwarto na kung tawagin yata ay “recreational room”
Dito ginanap ang pagbati sa aming pagdating..pero kahit anu pa man ang kanilang sabihin ay hindi ko na naiintindihan..
Bigla nalang akong tumawa sa mga naririnig ko..isang bading na makulit din..inisa isa niya ang mga dapat at hindi dapat na gawin habang nandun kami..isinalaysay din niya kung anu ano ang mga actibidad na aming gagawin..isa na rito ang “amazing race” ayun sa aking pagkakarinig..iniisa isa niya rin ang mga mga mekaniks ng laro at nagtanong kung gusto ba daw naming na himayin niya pa kung paanu ito gawin..

Bading na host: would you like me to explain to you what is amazing race?
*No response from the crowd

Bading na host: it is a RACE! And it is so AMAZING that’s why its called AMAZING RACE!
*make sense..?

matagal tagal din ang aming hinintay bago kami nakapasok sa aming kwarto, halos maubos ko yata ang isang pakete ng sigarilyo kakahintay sa mga susi namin sa kwarto..humigit kumulang isang oras ang aming pinalipas bago makapasok sa kwarto at halos isang naman ang paghihintay namin bago namin nakuha ang aming mga gamit..nakaka inis talaga kung tutuusin pero wala ka naman magawa kasai libre lang naman din..tiningnan ko ang relo at eksaktong alas kwatro..alas kwatro na ng hapon ng kami ay matapos mag asikaso ng aming mga gamit sa kwarto at agad naman lumabas para matignan ang kabuuan ng lugar na pinasukan namin..ang hindi namin alam..hindi pa pala nag uumpisa ang palaro ng aming kumpanya…wala na sana kaming balak sumali pa kasi sa pagod at sa sobrang inis namin kakahintay ng mga bagahe at susi ng kwarto namin pero yamn din lamang na naandun na kami ay sumali na rin kami..nagbilang ng isa hanggang sampu..sampu kaming miyembro ng isang koponan para sa isang amazing na race o ang tinatawag nilang “the amazing race”..hindi ko na iisa isahin pa kung sinu ang mga kasali kasi halos lahat naman ay hindi ko kilala..maliban kay messy lang at kate (hindi naman talaga tunay na kasali-official photographer lang)..nagsimula ng at takbuhan naman sila..takbo doon at takbo riyan..hindi malaman kung saan papunta ang mga kalahok..nagkagulo na parang animo’y nagkapalit palit na ng ka grupo..pero ako..hinay hinay lang..naglalakad lang na parang ang yabang..nagsimula ang unang challenge sa amin..ang maghukay sa buhangin at hanapin ang isang kwintas..napaka dali ng ipinagawa nila..agad din naman kaming natapos sa unang “task” na pinagawa nila..mabuti pa sana kung karayum ang ipinahanap nila sa ilalim ng mga buhangin mas nahirapan pa kami sana..pangalawang task na..pangatlo…pang apat..pang lima-dito na yata ako nahirapan ng todo..kasi biruin mo halos ako lang ang nagtakip ng buhangin sa mga katawan ng aking ka grupo..walo silang lahat at ang katawan nila ay medyo malalaki rin kaya parang hingal kalabaw ako ng matapos ko ang task na ito..pang anim..pang pitong task ay natapos ng lahat at ang huli ay tumanganga sa isang hagdan na hindi namin akalain na kami pala ang unang koponan na nakatapos ng lahat ng mga ipinagawa nila..ayus..masaya panalo kami..lahat kami tuwang tuwa..masaya palang tunay ang amazing race at tunay ring may drama habang nilalaro ito..(sayang wala akong kopya ng winning moment ko at ang drama ng emosyon na ipinakita ko sa litrato..sayang talaga wala akong kopya)..pagkatapos ay walang humpay nanaman na kuhanan ng larawan..

sa WAKAS..natapos na ang mga aktibidad ng kumpanya..oras na para sa sarili namin kaligayahan..ang lumangoy ng lumangoy at magbabad sa tubig…parang wala na kaming pakialam sa mga nangyayari sa iba..basta masaya kami sa pagbababad sa “swimming pool”
mag gagabi na ng kami ay umahon sa tubig..naligo lang sandali at nagbihis saka lumabas ulit para mag hapunan..ito rin ang gabi na bibigyan kami ng mga prangal “recognition event”..isang pasasalamat sa amin ng aming kumpanya kasi ng hindi dahil sa amin ay hindi sila kikita..naghapunan na at ganun pa din..mahaba haba na ang pila…pagkatapos namin kumain ay agad din naman nilang sinimulan ang programa..aba..aba..aba..ang mga managers namin ay sumasayaw sa aming harapan..isang walang kwentang sayawan..kung baga sa palabas na showtime ay “waley” ang mga nag perform dito..parang nag praktis lang sila ng sayaw sa aming harapan..napaka “waley” talaga..halos nagkwentuhan lang nga kami ng aking mga ka grupo at doon na nga nabuo ang konsepto na gumawa nalang kami ng isang musik bidyo..natural mente si van nanaman ang kapareha ko kasi siya lang yata ang kayang sumabay sa mga trip ko..natuwa ang lahat..nasabik sa aming gagawin..kaya agad din kaming nagmadali papunta sa kanya kanyang kwarto pero dahil hindi mo mapaghihiwalay ang mga de kolor sa puti..nagpasya kaming dalawa ni allen na makitulog na lang sa kwartong tinutuluyan ng mga babae naming ka-grupo..para rin maisakatuparan ang gagawin naming bidyo..hindi ito porno kundi isang musik bidyo..

isang musik bidyo ang aming sinimulan..katulad nito

palpak ang una kaya gumawa ulit kami ng panibagong bidyo katulad nito..

hindi kami kuntento kaya gumawa pa ng isa pang bidyo tulad nito..

sa wakas nakatapos rin kami ng isang music bidyo tulad nito..

ang akala mo ba ay natapos na ang aming mga kakulitan sa nakaraang bidyo..

hinding hindi pa sumuko kaya gumawa ulit ng bidyo tulad nito…

pumalpak nanaman kaya ito ay pinagbutihan na namin kaya nakagawa kami ng isang obrang musik bidyo katulad nito…

maraming maraming bidyo pa ang aming gustong gawin pero dahil sumuko na ang mga kamera namin ay sumuko na rin kami at nagpahinga na..inayus na ang higaan..inilagay ang kiskisan..(kiskisan ng paa..usually ito ay isang piraso ng fishnet o ang pinaka maganda ay ang mosquito net o kulambo) pero walang kulambo sa kwarto namin kaya nag kasya nalang kami ni allen sa dalawang piraso tela na medyo magaspang at sa tingin ko ito talaga ay ginawa at inilagay sa kama para gawing kiskisan..
nakatulog na ang iba..si ish (irish hibionada) ay humihilik na..pero ako nang dahil sa mga adrenaline na kumakalat pa sa katawan ko ay hindi pa rin ako makatulog..sakto naman na nanonood pa si messy ng karton network kaya agad akong nakinood..hindi ko maintindihan ang pinapanood niya kaya agad ko itong pinalipat sa diskoberi channel..maganda ang kwento..pero ang huling naaalala ko ay nakita ko si messy na humhilik na rin at iyon din siguro ang dahilan kung kaya nakatulog na rin ako..

alas kwatro y medya ng may naririnig akong mga pag galaw sa aming kwarto..may mga boses na nag sasalita..akala ko nananaginip pako pako pero biglang nag kring kring kring ang telepono.bigla kong namulat ang mga mata ko..gising na pala ang ilan sa aking mga ka grupo..pilit kong ipinikit ang mga mata ko at umaasa pang muling makakabalik sa napanaginipan ko..pero wala na..tuluyan na akong nagising..nagka yayaan na na lumabas para makita anng pag sinag ng araw..agad din naman akong umuwi saglit sa aming kwarto para magbihis at maghilamos..nahiga ulit ako..pero ayaw na talagang matulog ng utak ko..parang meron nanamang adrenaline na bumubuhos sa katawan ko..gusto kong mangulit..ng mangulit..ng mangulit at ng mangulit..

halos alas sais na ng tumambay muna kami sa tabing dalampasigan (lalim ng tagalog ko) at siyempre mawawala pa ba naman at mga litratuhan?..kumakalam na ang aking sikmura..iniwan ko muna sila..nanghiram muna ako ng pera kay kate..(naku..hindi ko pa pala nababayaran..nakalimutan ko..buti nalang at nag blog ako kaya naalala ko) sesenta pesos ang hiniram ko kasi napakamahal ng isang tasang kape para bang meron espesyal na inihahalo sa kape pero ng ako ay bumili ay ikaw din naman ang mag titimpla ng sarili mong kape…nagka yayaan na para kumain..pero lakin gulat ko ng makapunta kami sa lugar na aming pag aallmusalan..parang blockbuster ng pelikula..ang haba ng pila at ang tagal pang gumalaw pero wala kaming magagawa kundi ang pumila para magkaroon ng enerhiya para sa huling paglangoy namin sa tubig…sabik na sabik na ako..pero pagdating ng pagkakataon ko ay kulang kulang na ang pagkain..wala ng bacon, itlog na may kamatis, at ham..parang ang natira nalang yata ay bukod sa prutas ay ang sinangag na kanin at tinapay..gusto ko na sanang patulan ang sinangag at ang ulam ay pandesal pero naiingit ako sa iba na kumakain kaya hinintay kong maluto ulit ang mga sumunod na ulam..isang bacon ulit pero yung itlog na amy kamatis ay wala na talaga..hindi na yata daw nagitlog yung mga manok nila kaya kami kinapos ng pagkaing itlog..
alas otso ng umaga na at medyo amy kainitan na ng matapos kaming mag almusal halos dalawang oras nalang ang aming natitira kasi pagsapit ng alas diyes ay kelangan na namin mag asikaso para tapusin na ang mga maliligayang araw namin sa pagbabakasyon sa canyon cove..nag aya ng lumangoy ulit..sa dagat nila unang napusuan at dahil sa alam ko na makati ang dagat nila ay hindi na ako naligo sa dagat at hinintay ko nalang mapansin nila na makati ang dagat (nasubukan kong makati ang dagat dahil sa isang challenge sa amazing race na kelangan mong lumangoy sa dagat)..hindi pa limang minuto at napansin na nila..nangangati na sila at agad ding umahon..nagka yayaan na na lumangoy nalang sa swimming pool at siyempre hindi na ako mag papahuli..sobrang saya kahit iniisip namin na pauwi na kami sa ilang sandali nalang pero siyempre gusto naming may alaala kami sa aming karanasan kaya kami gumawa ulit ng isang obra..

sobrang pinag isipan namin ito kaya kami nakagawa ng ganito..

napakasaya namin sa mga sandaling iyon..parang ayaw na namin tumakbo ang oras pero sa dahil nga masaya kami ay mabilis din tumakbo ang oras..alas diyes na at kelangan na naming umalis..kelangan na namin tapusin ang mga maliligayang araw namin sa pagbabakasyon..naligo..nagbihis..nagpahinga ako sandali..ninanamnam pa ang masrap na higaan na meron kiskisan..nanood ng telebisyon sandali habang hinihintay ang iba ko pang ka grupo..maya maya lang ay umalis na rin kami..sumakay sa bus..naghanap ng upuan at mawawala ba naman ang litratuhan?..ayan na naman..picture ng picture..parang isang dokumentaryo ang aming tinatapos sa pagsasara ng araw naming iyon..sa ilang sandali lang…nanahimik na ang kapaligiran sa loob ng bus na aming sinasakyan..tahimik na at nagpahinga na silang lahat..siyempre ako hindi rin magpapahuli sa pagpapahinga at sa tulugan..habang ang iba ay nagkkwentuhan..ako naman ay wala ng namalayan…zzzzZZzzZZzz

kung mapapansin mo..wala titulo ang kwentong ito..ang nakalagay sa itaas ay isa lamang babala at hindi ito titulo..
nais kong pahulaan ang ilalagay kong titulo dito..i txt lang ang..

kwentongbarbero ang sagot mo pangalan suking tindahan edad bakit? at bakit hindi?

i send lamang sa 222 para sa mga globe subscriber at
1515 sa mga smart subscribers…txt na!

o kung gusto mong gumulo ang buhay mo.. i txt lamang ang jaytecson ON
i-send lamang sa 2366 o 4827..txt na!

Advertisements

BOMBAY daw ako!?..

Posted: May 25, 2011 in Daily Service

hello marshmallow!

Isang masayang umaga ang bumulaga sa akin sa araw na ito..hindi kasi masyadong mainit ngayon si haring araw kasi natatakpan siya ng mga ulap ulan na dala ng bagyong si chedeng..alas diyes ng umaga ng ako ay magising sa tunog na aking naririnig..♪♫tu du du to du tu du tu du dutodoo♪♫..alarm ng telepono ko para ako ay gumising na at magpatuloy sa aking trabaho..inumpisahan ko ang umaga ko sa pag bukas ng laptop at sa pagbukas ng mukhang libro(alam mo na ‘to) ko…nakiki tsismis sa ibang tao at pinapraktis ang pagiging “voyeuristic” ko…mag aalas onse na ng ako ay bumaba para makahigop ng kape at makapag yosi..hindi ko na ininda ang gutom na nararamdaman kasi nagluluto pa naman si ate becka(kasambahay) namen..habang nag yoyosi at nagkakape ay nanood naman ako ng mukha sa mukha (face to face) an paboritong panuorin ng aming kasambahay..
Kumain, nagyosi, naligo, tumae, naghugas, nagbihis, at umalis..ganun kadali ang mga pangyayari.. umalis ako ng mag aala-una ng hapon..ganun pa din ang sistema ng panahon..makulimlim parin pero hindi pa naman umuulan..naglakad ako papunta sa labas para mag abang ng sasakyan papuntang opisina..isang dyip ang pumara, pero hindi ito ang sasakyan ko..makalipas ang ilang Segundo..isang fx naman ang huminto sa harap ko pero hindi pa rin ito ang nais ko..mahuhuli na ako sa trabaho kaya ang sabi ko sa sarili ko ay mag tataksi(taxi or cab) nako papuntang trabaho..mangilan-ngilan rin ang taksing pinara ko pero puro ito may laman.. isang taksing ang aking natatanaw sa hindi kalayuan.pinara ko ito pero hindi ito tumigil sa harap ko..tinitigan lang ako ng drayber sabay lumampas sa may punong kinatatayuan ko..ilang minuto rin ang lumipas..parehong pareho ang nangyari sakin. pinara ko ito pero hindi ito tumigil sa harap ko..tinitigan lang ako ng drayber sabay lumampas sa may punong kinatatayuan ko. pangatlong taksi na at sa sobrang inis ko tumayo na ako sa may malapit na daanan para parahin ito, epektib ang diskarte ko..tumigil si manong drayber para pasakayin ako..umupo ako sa bandang harapan katabi ni manong drayber..habang ako ay nakasakay napapansin ko si manong drayber na nakatitig sa akin..panay ang tingin nya sakin..tahimik sa loob ng sasakyan nya..walang radyong naka bukas..tahimik na tahimik habang si manong drayber ay nakatitig..si manong drayber ay medyo matanda na sa itsura at kung ako ay tatanungin mga bandang 60 na ang edad nya pero alam kong malusog pa siya at malakas pa kahit ganun na ang edad nya..balik tayo sa kwento..mga ilang minuto rin ng basagin ko ang katahimikan sa loob ng taksing sinasakyan ko..”ehem” “ehem” “hindi masyadong umulan noh?” ang sabi ko..sumagot naman si manong drayber na “kahit may bagyo, mainit parin” sabay tanong sa akin na “BOMBAY kaba?”..napangiti ako sa tanong nya..sabay sabing “hindi ah”….”mukha ka kasing Bombay” ang sabi ni manong drayber..”hindi sana kita titigilan kanina kasi kala ko Bombay ka” dagdag pa niya..
Hindi ko alam kung ikakatuwa ko o ikakainis ko ang nalaman ko kay manong drayber..mabaho ba ako kung titingnan mo para masabi mong Bombay ako? May dala dala bakong gamit na pahulugan? Marami ang tumatakbo sa aking isipan na itinago ko nalang..pero naisip ko lang..siguro kung Bombay ako eh may dala dala sana akong motorsiklo..sabay sabing “hello my prend”…iniisip ko kung bakit nya nasabi o napagkamalan na Bombay ako..siguro sa tingin ko, sa porma ko na suot ko ngayong araw na ito..sapatos na puti na “chucks” high-cut..naka maong na pantalon at naka “long sleeve” na polo na puti..isang karaniwang porma nga ng mga Bombay dito sa pilipinas kaya anu pa ba ang pinag tataka ko?..isang parang Bombay nga ang porma ko..pero lilinawin ko hindi ako mabaho! Anu bang nirereklamo ko dito..bakit at bakit hindi?

si ANTONIO..

Posted: May 22, 2011 in Extra Service

bago ko pa man simulan ang kwento ng paglalakbay namin ni antonio ay nais ko lang linawin sa lahat na walang kwenta ang topic na gagawin ko sa araw na ito.. meron pa kayong oras para itigil ang pagbabasa kasi malinaw na walang kwenta at puro paghihiganti lang ang mga andito. gusto ko lang ikwento at bumawi sa mga kwentong barbero na inilagay o idinawit ni antonio ang pangalan ko..nais kong linawin ang lahat..nais kong itama ang mga maling inilagay nya sa blog nya..nais kong itama ang mga kasinungalingan at depensahan ang mga paratang na ginawa nya sa sarili niyang blog tungkol sa akin.. at para malinawan kayo kung anu ang tinutukoy ko..eto ang blog na pinagyayabang niya.. http://tonioabesamis.wordpress.com/ … nakalakip sa “BAkit??BAkit hindi.???” ang titulo…

totoo na pareho kaming barbero kaya nagkasundo kami..nauna siya sa aming pinapasukan na trabaho ilang batch din yata..hindi ko matandaan kung sa kanya ako nag “barge” sa mga panahon na iyon..wala na akong maalala.. magaling siya..pero mas magaling ako sa kanya..(wag kang kokontra kasi pinagbigyan na kitang maging bida sa blog mo)…sa trabaho, sa pag-ibig at sa kung anu ano..tulad ng marami..tahimik lang ako ng mga unang buwan ko sa trabaho..ewan ko nga ba kung bakit sa team pa ni antonio ako napunta..napaka malas talaga..totoo na lahat ng damit ko kulay green..simula sa sapatos na chucks  kulay green hanggang sa pang taas o t-shirt..isa lang ang aking kinahihiligan at alam nyo naman na “stick to one” lang ang inyong kaibigan..napunta nga rin ako sa puro stripes na gamit at damit at ang huli ay puro puti naman ang aking hilig…marami rami rin kaming pinag daanan ni antonio..sabay na sabay ang oras ng trabaho..sabay umihi, sabay kumain at sabay din umuwi..mraming inuman na ang aming napagsaluhan..maituturing nga na tunay na kaibigan..(naks!)..bibihira ang kaibigan na ito..bukod na sa endangered na ang mukha, ito lang ang kaibigan kong pilipino pero amoy koreano..hahaha..ilang team building din ang aming napuntahan..sa batangas..laguna at kung saan saan pa..ay hindi pala isang beses lang pala siya nakapunta kasi laging ginigiyera ng asawa…dito ko natutunan na maging isang tunay na lalake..dito ko rin natutunan na ang lalake ay ang tagapag patupad ng batas sa tahanan..isang sabi lang at susunod ang lahat..(..ang misis ang taga-GAWA ng batas..tagapag pasunod ka lang..hahaha.si misis ay pwedeng baguhin ang batas)..dito ko rin natutunan ang mga stages ng pag aasawa..eto hindi joke para sa kanya,literal na nangyari sa kanya…kung dati daw ay pag naghahawak sila ng kamay ng misis nya ay may kilig at “holding hands” ang tawag pero nung huling makusap ko ito ay parang “self defense” nalang daw kaya sila magkahawak ng kamay..dito nya rin ikinuwento na kung dati rati ay puso ang lumalabas kapag nagkakatitigan sila pero ngayon ay kurryente na..sa kasamaan, hindi ko alam kung nag hiwalay na ba talga sila..kaa sa tingin mo kelangan ko pa ba magpakasal kung lahat ng kilala kong ikinasal ay hiwalay na ngayon..pag dedebatehan naten yan..mabalik ako sa aking ikinukwento..si antonio..dito ako natuto na maging bastos kasi kahit katabi ko siya ay napaka walang hiya..uutot nalang bigla at ng dahil sa ayoko ring magpatalo ay uutot din ako..napaka dakila ng kaibigan kong ito..

doon naman sa sinasabi nyang bangko ako sa basketbol ay hindi ako makakapayag kung hindi mo aaminin na bangko ka rin antonio..pareho lang tayo ng minutong nilaro sa basketbol naten noong mga panahon at dahil sa bangko tayong dalawa ay nag kampeon naman ang ating koponan..ang galing nating maging cheering squad!(sasabihin mong hindi ka bangko? marahil dahil ikaw yata ay nakatayo..habang ako ay nakaupo at naglalaro ng NBA sa psp ko noong mga araw na iyon..)at ayoko na sanang ipagmayabang pa pero ipagmamayabang ko na- na kahit hindi ako babad sa paglalaro meron palang nagkakagusto sakin..hindi ko na papangalan dito pero ang pangalan nito ay “kristine” na hindi ko naman akalain…(kung gusto mong malaman ang buong kwento ay sasabihin ko sayo ng personal kasi delikado dito kung sasabihin ko)…marami kaming kakulitan ni antonio..meron ding kaming bidyo ng isang taxi drayber..”ininterview” namen si manong drayber habang ako ay nag bibidyo..puro kakulitan..yung tipong hindi naman kami seryoso sa trabaho ay kami parin ang number one…

eto pa ang isa..sinabi niya sa blog niya na inagaw ko ang chik nya..ang super duper ultimate crush nya na ang buong akala nya ay may gusto rin sa kanya..tinulungan ko sya mga katoto..diniskartehan ko..niligawan ko para sa kanya at tinikman ko na rin para sa kanya para pag balita ko sa kanya alam ko rin ang lasa haha…(sabihin ko pa ba ang pangalan?)…

ituloy mo pa kaya ang pagbabasa nito?

kung ang sagot mo ay letter A or number 1..

abangan ang mga susunod na  kwento  ni antonio…

ang mga TANONG:

1. saan nga ba kami nagkakilala ni antonio?

2. sinu sa tingin nyo ang tunay na alalay?

3. masama bang tinulungan kong diskartehan ang crush ni antonio?

4. bakit? at  bakit hindi?


(bago mo basahin ang kwentong ito..may mga nais ako ipagawa sayo..)

1. buksan mo ang speaker ng kompyuter mo..

2.. itodo ito..

3. wag magpatuloy kung hindi pa nagagawa ang unang dalawang ipinapagawa ko..

**I-OPEN ITO SA NEW TAB AT I-PLAY…maalaala mo kaya?

4. bumalik sa page na ito at magpatuloy sa pagbabasa..

5. damdamin ang kwento..

patapos na ang araw ko sa mga sandaling ito..isang masayang dalawang araw na nakalipas pero sa ngayon ay babalik nanaman ako sa kalungkutan sa gabing hindi ko makakasama ang mga anak ko..

hayaan nyo akong ikwento ang dalawang araw na masaya ako sa piling ng mga anak ko..hayaan nyo ako at blog ko naman ito kaya wala nalang pakialaman..(pakibasa nalang..) sabado na ng umaga ng ako ay magising sa aking pagkakahimlay sa aming higaan..isang umagang napaka tahimik at walang batang magulo sa paligid ko..kasi nga nag iisa lang ako at nasa bulacan ang pamilya ko…(yung nanay ng lola nila ay may taning na kaya doon muna sila naglalagi pansamantala…<side ni daisy>)…hinintay ko muna ang nanay ng mga anak ko bago ako magtungo at makipagkita sa mga anak ko..hapon na ng dumating siya, mga bandang ala una..gutom na gutom ako..walang makain kasi yung niluto kong pansit canton ay mabilisang naman naubos ng mga bayawak sa tiyan ko…gutom na gutom ako pero wala akong magawa kasi tinatamad akong lumabas para bumili ng pagkain kasi sobrang ang init ng mga hapon na iyon..humiga nalang ako sa sofa hanggang ang gutom ay mawala..bandang alas tres na ng umalis kami sa bahay..sabik at kinakabahan ang aking mga nararamdaman habang kami ay patungo sa bulacan..sabik kasi isang linggo din kaming hindi nagkasama ng mga anak ko..simula pa noong pumunta kami sa baguio at marami narin akong naikwento sainyo pero hindi ko pa rin nakikita ang mga anak ko..habang papalapit ng papalapit kami sa bulacan ay unti unti rin naman bumibilis ang takbo o tibok ng puso ko..natatakot ako, natatakot na baka biglang hindi na ako pansinin ng anak ko at hindi nako makilala ng mga ito..bandang alas kwatro y media na ng exakto kaming makarating sa aming pupuntuhan pero imbes na dumiretso kami sa bahay namin sa bulacan ay bigla ko rin naman inaya muna ang aking asawa ng kumain muna sa mga katabing kainan sa may palengke kasi parang ako ay matutumba at mahihimatay..hindi dahil sa kaba na nararamdaman ko kundi dahil sa gutom na itinago ko..dalawang malalaking isaw at dalawang takal ng chicken skin ang aking kinain..maitawid lang ang gutom na aking dinadamdam simula ng nasa makati palang.., ako at ang aking asawa ay naglalakad na patungo sa bahay na aming tutuluyan..may naaaninag ako..isang batang babae at isang batang lalake ang naglalaro sa may bandang gate kasama ang isang dalaga..palapit kami ng palapit..palapit kami ng palapit..palapit kami ng palapit..palapit kami ng palapit..palapit kami ng palapit..palapit kami ng palapit..palapit kami ng palapit..at sa wakas malapit na kami..isang sigaw na “DADA” ang aking narinig galing sa isang batang babae..si marley..sabik na sabik na makita kami..sinuklian ko naman ng mahigpit na yakap at mga halik ang anak kong babae..bago pa man tumulo ang aking luha sa tuwa ay nakita ko namana ang aking bunsong si bob..parang wala lang sa kanya..tinititigan lang ako na parang sinasabing sinu ba itong kalbong ito..pitong buwan palangg si bob pero agad din naman sumama sa akin kahit medyo masama ang tingin..parehas ko silang karga habang papasok kami sa aming bahay..walang tigil na yakap at halik ang aming ginawa..para bang kami ay galing sa ibang bansa na animo’y ilang taong nawala..

simula ng gabing iyon ay wala na akong oras, minuto at segundong pinalipas na hindi ko kayakap ang mga anak ko…naglaro, nagtawanan at naglaro ulit..walang katapusan na paglalaro ang aming ginawa na parang wala ng bukas na sisikat..sobrang na “miss” ko ang mga anak ko..wala sa akin nang gigising..walang nang-sasapak at walang magulo sa kwarto..ilang oras din kami bumawi sa isa’t isa hanggang sa matulog at nagpahinga na sa aming kama..

tuk turaok…tuk turaok…tuk turaok…tuk turaok…tuk turaok…tuk turaok…tuk turaok…sigaw ng mga manok..maaga pa kung tutuusin..hindi normal sa gising ko..alas singko y media ng umaga ng ako’y gisingin ng mga anak ko..gusto ng maglaro at bawiin ang mga sandaling hindi kami nagkita sa isang buong linggo..buong araw kaming naglaro kahit sa napakatinding init ng araw..hindi ko na ininda ang aking kulay..kahit mangitim ako ok lang kasi alam ko naman sa sarili ko na wala na akong pwedeng iitim pa..umupo muna ako ng saglit para mag pahinga ng biglang umiyak ang napakaganda kong panganay na anak..(kanino pa ba mag mamana yan kung hindi sa ina..hahaha..kala mo sakin? hindi ko na inilagay na nagmana sa kagwapuhan ko kasi alam kong maraming mag re-react dito)…bigla akong napatakbo..nakita ko ang anak ko na nakadapa  sa lupa..sugat ang magkabilang tuhod..malaki ang sugat ng dahil ata sa pag takbo nya..sa sobrang inis ay muntik ko ng hamunin ang lupa..tinadyakan ko ang lupa para tumigil sa pag iyak ang anak ko na para bang masasaktan din ang lupa kapag tinadyakan o sinuntok ko ito..pero siyempre ang bata, agad din naman maniniwala.. dumiretso kami sa kwarto para gamutin ang sugat nito..pero hindi napigilan ng sugat at ng iyak ang pag haharutan namin..sa kama ay nag laro ulit kami..suntuk suntukan, kiliti kilitian at ng ako ay mapagod ay nag aya na akong mag laro ng tulog-tulugan..paunahan kung sinu ang unang makatulog..

MECHANICS ng laro:

1. simpleng simple lang..ang unang makatulog ng mahimbing.

2. kung sinu ang huling magising ay siya ang tatanghaling panalo..

at siyempre hindi rin naman ako nag pahuli t agad ding sinimulan ang pagtulog at ang anak ko ay hindi rin naman nag paloko kaya ng ako ay makatulog ay naglaro nalang daw mag isa sabi ng kanyang ina..(joke lang..)

mag gagabi na at parating na ang oras na kinatatakutan ko..ang pumasok sa trabaho kinabukasan at ang mawalay nanaman sa mga anak ko… kelangan ko ng lumuwas sa maynila kasi umaga ang pasok ko.. kasi kung lunes pako ako luluwas ay kakapusin na ako sa oras.. wala akong magawa, kelangan ko talgang mag trabaho para s mga anak ko..kahit umiiyak at ngumangawa ang anak ko ay hindi ko nalang pinansin at unti unti ko ng tinalikuran at patuloy nako sa paglalakad papalayo sa kanila…napakasakit kuya eddie…nakasakay na kami ng bus pero isa lang ang iniisip ko..parang gusto kong bumaba at yakapin ulit ang mga anak ko..(parang teleserye..).. sinabi ko nalang sa sarili..makakasama ko rin kayo ng matagal…makakapaglaro ng walang iniisip na oras..ganyan po ang naging buhay ko ate charo..maraming salamat po sa pagbasa ng aking kwento..makakaasa po kayo ng pagbubutihin ko lalo ang pagtatrabaho para sa kinabukasan ng mga anak ko..

nagmamahal na iyong tagasubaybay,

jay tecson


anu nga ba ang tunay ng kahulugan ng pag bblog?

ikaw meron ka bang sariling blog?

gaano ba ka-importante ito sa isang tao?

ikaw, bakit mo binabasa ang blog ko?

• BLOG (noun)

Meaning:

A shared on-line journal where people can post diary entries about their personal experiences and hobbies, a daily written record of (usually personal) experiences and observations…

sa tingin mo ngayon..isa ka na rin kaya sa mga “voyeuristic” na tao kaya ka nagbabasa nitong blog na ito..? malinaw na sinasabi sa kahulugan ng “blog” ay isa itong “on-line” na diary na kung saan itinatala ng ang personal na nangyayari sa isang tao na parang “diary” ito…isa ring talaan ng kung saan ay inalalagay ang mga obserbasyon at opinyon ng isang tao..

sa dinadami ng blog na makikita mo sa internet ngayon paano mo ipinapanatili ang pagpapaganda nito at paano mo ring ginagawang personal ito kung gusto mong ipabasa sa lahat ng tao kung anu ang nangyayari sayo..kung lahat sana ng tao may blog madali nalang mahanap kung sinu ang mga pumatay sa kanila, kasi sa pamamagitan nito naikkwento kung anu ang nangyayari sa tao diba..

makausap ko ang is sa aking kaibigan..inimbitahan ko siya na mag subscribe sa blog ko pero nagulat ako ng sabihin nyang pagandahin ko ang blog ko..gawin ko daw na nakakaaliw..ang sabi nya..lagyan ko daw ng mga seksing babae na nagsasayaw habang nagbabasa para naman daw nakaka akit basahin ang mga blog ko- ang sabi ni antonio..(kaibigan ko) lagyan ko kaya ng sumasayaw na aling dionesia dito ng lalong tangkilikin ng tao? dagdag nya pa.. kung nagustuhan daw o kapay pinindot mo yung “like” button ay may lalabas na mga seksing babae na parang inaakit ka..o kaya naman daw ay kapag hindi mo nagustuhan ang aking website ay may lalabas na “spank me” button na lalabas..at si aling dionesia lang ang sumasayaw na parang inaakit ka na halikan siya..hahahaha.

si antonio abesamis isang mabuting kaibigan..maraming suhestiyon na ibinigay sa blog ko..nakakatuwa kasi sa dinadami dami ng kaibigan ko..ito lang nag iisang kupal sa mga ito…(putang ina ka,yung sapatos ko!)

ang mga suhestiyon ni antonio:

1. gumawa nalang daw ako ng isang pornsite kesa mag blog.. (pwede ito kung si tonio ang pornstar at si aling dionesia ang partner niya..)

2. maglagay daw ako ng “dislike” button.

3.  lagyan ko daw ng “wag mo ng uulitin to button”  “super pwede na button” at ung pinakamalupit.. “bakit hindi? ano ang problema mo button?”

4. siya rin nagsabing lagyan ko ng error message o warning muna bago mabukasan ang page ko..ang nakalagay

“are you sure you want to read this blog? don’t waste your time..get a life..”

napakatinding kritiko si antonio pero senyales na tunay ngang kaibigan itong hinayupak na ito.. at ng dahil jan nagkaron ako ng ideya na lagyan ng “block list” ang page ko..

“antonio! you are not allowed to enter this blog site..go and fuck yourself!”

maiba naman ako..hindi naman sa akin ganon ka importante ang blog na ito..gusto ko lang may magawa at may maikwento sa ibang tao..wala akong balak sumikat..magpasikat at maging artista sa pamamagitan nito.. masaya sa pakiramdam kapag nakakatapos ako ng isang artikulo na ako mismo ang sumulat.. lahat naman tayo marunong magsulat..anung ginagawa ng mga alaala naten sa pagsusulat ng “formal theme”? yung mga tipong..

write something about yourself..”who am i?”

write about something about your vacation.. “my summer vacation”

yung mga tipong ganon nung mga bata pa tayo..kaya anu pa ang ginagwa mo? magsulat ka na ng magsulat at gumawa ka na rin ng isang…PORNSITE!


sa dina-dami ng misteryo sa mundo puproblemahin mo pa ba kung bakit ka andito sa aking ikwekwento?

“voyeuristic culture” – ganito ako..lahat yata tayo..ang mga taong gusto pinagkukwentuhan ang ibang mga tao..namboboso at nakiki tsimisat nakiki usyoso sa iba lalo na kung sikat ka na artista..tulad ko. (panigurado hahanapin mo sa gugol (pronounce as google in english) ang salitang ito. para hindi kana mahirapan eto ang sagot sa tanong mo..

voyeurism is the sexual interest in or practice of spying on people engaged in intimate behaviors, such as undressing, sexual activity, or other activity usually considered to be of a private nature. In popular imagination the term is used in a more general sense to refer to someone who habitually observes others without their knowledge, with no necessary implication of sexual interest..

tulad ng sinabi ko wala talgang kakuntentuhan ang tao..anu ba ang misteryo sa mga taong maputi na gustong magpaitim at ang mga maiitim naman ay gustong pumuti <tulad ko at ni kino at ni benedict aquino>. magmula sa likas papaya..block and white, gluta, meta thione at ang placenta..ganun ba tayo ka desperado para pumuti? ganito ba ang kwento mo? noong unang panahon ang pagpapaputi mo ay ang pagkuskos lang ba ng bato? wag kang mag alala kasi pareho lang tayo at sa napakaraming pilipino..sa tingin mo sa  hinaba haba ng edsa maghanap ka nga ng maitim na artista na naka display sa mga billboards dito.wala!. kasing ang pilipino ay hindi kuntento sa kung anu ang kulay ng balat nito..(ako seryoso, gusto kong pumuti) katunayan lang na alam naman naten ang may kasalanan dito-ang mga produkto..binubomba tayo na kung anu ano para pagkakitaan tayo..

totoo na naging laman na ng pahayagan ang negosyong kosmetik..lahat tayo may dahilan..lahat tayo may dahilan kung bakit natin gusto ang mga mapuputi, makinis at ang mga seksio macho at ang mga may kurba sa katawan..sa katunayan ako mismo, ayoko sa puro buto..ang gusto ko parang lumba lumba na may kurba(peace tayo..)  napakalaki ng ng industriya na kosmetiko at ang pagpapaganda..dati rati si michael jackson lang kayang mag paopera diba..dating maitim at ngayon ay pumuti at ngayon naman ay unti unti na siyang bumabalik sa kaitiman.. sa napapansin ko sa industriyang ito, palaki nga ng palaki kasi kahit sinu na yatang ordinaryong pinoy na kahit gipit ang sweldo ay kayang kaya na mag paganda t mag pa opera kung gugustuhin nila ang mga ito.. ang dali dali pa na parang ka lang tumae o umihi sa inidoro..pangong ilong..hindi na problema yan..may an-an, hadhad, buni, nunal na may nana(EWwWiee), alipunga, maraming taba,, maitin na kili kili, maliit na hinaharap, pangit na labi, makapal na kilay at kung anu ano pang problema sa katawan na ayaw na ayaw mo..ikaw..anu ba ang ayaw mo sa katawan mo? wala ka bang hinaharap o marami kang hinaharap..wag mo ng problemahin yan..idiretso mo na kay calayan o kaya naman kay vicky belo..

“gusto kong pumuti at gumanda ang katawan pero hindi ko magawa kasi parang sumuko na yata ang himala..”  naiisip ko lang para sa akin.

lahat na ngayon parang “instant” tulad nga ng sinabi ko para ka lang nag isip na kumain o matulog anjan lang sila sa paligid mo…lahat ngayon pwede na ring sumikat..sobrang dali nalang ng paraan..noong unang panahon ay parang diyosa ang mga artista na para baga’y may pinagdanan muna sila na napakatindi at isinala ng todo bago lumabas sa telebisyon..parang sing puputi ng diyosa..hindi kaya dahil itim at puti lang ang kulay ng telebisyon noon? ngayon, kahit sinu na ang pwedeng sumikat. pwedeng bukas ako,, sa makalawa ikaw..hindi naten alam..ang kelangan lang naman ay ang kapal ng mukha(meron kaba non?) at siyempre kelangan mo rin mag tiyaga sa pagpila sa mg kontest sa mga telebisyon..dati ganda ng katawan mo ang kelangan mo samantalang ngayon e kapal lang ng apog at matindi tinding kwento sa buhay at mga pinagdaanan mo ang kelangan para makapasok dito..instant selebrite (celebrity) kuno..

maiba lang ako..kung si nora aunor ay hindi sikat dati at sasali sa mga kontest ngayon ay makakapasok kaya sya kahit sa pangalawang pagsasala? lulusot kaya siya? eh parang mga “transparent” na ang mga itsura na mga ating mga artista..wag nalang sana..hahaha

basta ako hindi ko na kelangan ng iba’t ibang produkto na pampagwapo..tulad ng sinabi ko kapalan lang ng mukha ang labanan dito..sinu nga ba ang nagpauso na kelangan may abs,biceps, at triceps ang isang lalakeng katulad ko? bakit sila eddie garcia, daboy, philip salvador, fernando poe at si jinggoy ay wala naman abs dati, pero sobrang hinahangaan sila sa kamacho-han nila..si vhong navarro, derek ramsey, luis manzano o si piolo ba ang nagpauso nito? sobrang dadamot lang kasi nila kasi ipinauso nila ang magkaroon ng abs, biceps at triceps ang katawan ng tao para sila lang ang uso.sila rin ata ang nagpauso ng dapat kapag iinum ka ng beer ay laging “light”..kapag kakain ka dapat “low carbs”. kapa iinum ka ng gatas dapat “non-fat”..bakit nga ba?.sana bumalik na ulit yung dating uso para “in demand” na ulit ako.(batayan yata ng tunay na lalake ang pagkakaroon ng malaki ang tiyan..) ..malay mo maging artista na rin ako..hindi mo alam kung paano nila binago ang tunay na kagandahan ng isang tao..ang negosyong kosmetiko ang lahat ng may kasalanan nito..binago nila ang kahulugan ng “ganda”..(maniniwala ka ba kung tunay ngang maganda si “vice ganda”?) makatotohanan ba ito..?  pagtiyagaan mo nalang ang pagsabon at pagkuskos sa bato para kuminis ang balat mo kesa naman sa napakaganda nga ng katawan mo e wala ka naman utak na mag isip kung anu ang tama dito..

karapatan ko at karapatan mo lahat ng bagay dito sa mundo..karapatan mo ring sumikat sa kahit anung paraan na gustuhin mo..

karapatan mong makita sa “youtube”

karapatan mong magkaroon ng “twitter” na parang artista (follow me @ imJAYtecson nga pala.)

karapatan mong magkaroon ng mukhang libro (facebook)..

karapatan mo ang kahit anu..

karapatan mo rin palang magkaroon ng ganitong blog..

(karapatan din ba ng ibang tao na mabasa ang blog na ito..karapatan mo rin bang malaman ang ginagawa ko..karapatan mo rin bang malaman ang kinain ko at karapatan mo rin bang makita sa larawan ang mga napuntahan ko..)

ang sagot dito ay  “OO” karapatan mo! kasi ikaw lang ang nagbabasa ng “blog” ko.. (exempted ito)…

AKO?-karapatan kong sumikat kahit sa limang minuto (depende kung ilang minuto mo babasahin ito…)


									

eto na ang pina kakahintay nyo at dahil mahalaga kayo ay pagbibigyan ko ang mga gusto nyo..magsisimula tayo “sa unang tatlo” ang unang tatlo na napakatagal na sa opisina na aking pinapasukan.

ang mga bida dito ay si kate ramirez, lea juson at si kuya edwin jacobo

 ang pinaka una ay si kuya EDWIN JACOBO..lahat na yata ng may “ed” na pangalang ay natawag na dito..edward,edwin,edmond,edgar,edison at edcel…kahit anung maisip mong may “ed” ay pwede, maiintindihan namin na iisang tao lang ang tinutukoy mo…si kuya edwin ang pinaka matanda sa grupo at siya rin ang pinaka matagal na sa pinapasukan kong opisina..hindi ako sigurado kung pitong taon, walong taon o sampung taon pero isa lang ang alam ko, siya ang pinaka matanda at pinaka matagal na ahente dito..si kuya edwin ay masipag, walang reklamo sa trabaho, marunong makisama sa iba at minsan ay kwela (lalo na kapag nagsasabing “TOMOH!”-tono ng bakla)..

ang sumunod ay si LEA JUSON ….(ipagpapatuloy)

at ang huli sa pinakauna kong kwento tungkol sa aking mga ka-trabaho ay si kate ramirez na dating apelyido ay hamor..madaling magsawa si kate sa apelyido kaya malay mo bukas makalawa ay ang apelyido nya na ay esguerra..hahaha..hindi ko na ikkwento kung bakit at kung anu ang dahilan bakit siya nag papalit ng apelyido..si kate ay pumangalawa lang kay lea..isang linggo lang yata ang lamang ni lea sa kanya,sa makatuwid ay limang taon na rin sya dito sa opisina..(hindi pa tapos)


alas otso na ng umaga ng ako ay magising..tumitirik na ang araw na parang nagsasabing  “eto na ang init ko kaya kung ako sa’yo ay babangon nako”… ang dami kong naiisip habang ako ay nakahiga..maglinis ng kwarto,maglaba at kung anu ano pang kasipagan na hindi ko naman talaga ginagawa..hahayaan ko nalang sana mawala ang kasipagan na naiisip sa pamamagitan ng pag pikit ulit sa mga mata ko ng bigla kong naisip na kelangan ko pala magluto!…  kelangan ko rin mamalengke muna at kelangan ko rin maglaba..ang dami dami ko palang dapat gawin sa araw na ito..bumalikwas ako sa aking higaan kahit isang oras na ang nakakalipas simula ng kausapin ako ni haring SUN..(dapat tlaga laging rhyme..)

alas nuwebe ng umaga ng ako magkape ng kaunti kasabay ang pinaka paborito kong yosi..agad naglakad sa labas kahit sobrang init ay tiniis ko nalang kahit mangitim ako ng kaunti ay ayus lang naman.hindi naman yata mahahalata ng kung sinu man..

kinabisado ang aking aking mga kelangan sa pagluluto..kalahating kilo ng baka, carrots (anung tagalog nito?), corn starch, butter, garlic, bell pepper, magic sarap, at mantika. eto ang mga presyo..

kalahating kilo ng baka – 130 pesos

3 piraso ng carrots –  15 pesos

isang piraso garlic – 5 pesos

isang plastic ng corn starch – 12 pesos

isang hiwa ng butter – 10 pesos

isang piraso ng bell pepper – 5 pesos

malaking “sachet” ng magic sarap – 10 pesos

at isang bote ng mantika – 25 pesos

bukod pa dyan ay napagastos rin ako sa pagkain ko..

isang balot ng goto para sa aking almusal ay bente pesos at isang piraso ng melon na aking nakita ay bente pesos at ang gatas na angel evaporada ay 26 pesos..suma total ay naka gastos ako ng humigit kumulang dalawang daan pitongput walo o 278 pesos..napakamahal kumpara sa ulam namin na karaniwan na umaabot lang sa isang daan..

nagmamadali sa paglalakad pag uwi..pag dating ng bahay ay agad namang hinugasan ang karneng baka para malinisan at kumuha ako ng toyo, beef broth cubes, magic sarap, asukal at asin para timplahin ang karneng baka.. wala akong ideya tlaga kung panu lutuin ito..binabase ko lang sa mga natikman kong stir-fry beef with broccoli sa aking mga restoran na nakainan.. ibinababad ko na ang karne sa toyo, beef broth cubes, magic sarap, asukal at asin ang baka na aking nabili..habang pinapa marinade ko muna ang karne ay agad ko din naman hiniwa at binalatan ang carrots, bawang ,bell pepper at ang broccoli na nabili namen sa baguio…pagkatapos kong ihanda ang mga sangkap na yan ay kinuha ko din ang melon at gatas para sa aming “dessert” pagkatapos kumain…iniwalay ko ang mga puti sa de kolor..kinuha ko ang ariel with bleach na naka stock na sa aming cabinet at binuhos ko sa planggana na puno ng tubig..kinuha ang kaldero at nilagyan ng dalawang takal ng bigas.hinugasan at isinalang na sa kalan..habang hinihintay ko ang pagkulo ng aking sinaing ay agad ko naman inilagay ang mga puti para ibabad ito para malabhan ko pagkatapos ng aking trabaho…pinirito ko isa isa ang baka na naka babad sa toyo, beef broth cubes, magic sarap, asukal at asin at habang piniprito ko ang mga ito ay inihanda ko na rin ang “sauce” na gawa rin sa toyo, beef broth cubes, magic sarap, asukal at asin, pagkatapos prituhin lahat ay inihiwalay ko ang mga ito sa isang plato at inihiwalay ko rin ang sauce nito..kinuha ko ang butter at kumuha ng bagong kawali..inilagay ang butter at hinintay na matunaw ito..pagkatapos ay inilagay ko na ang bawang..hinitay na maging kulay brown..kinuha ang joy at ang scotch brite at ikinuskos sa maduming kawali na pinagprituhan ko..habang hinihintay ko maging brown ang bawang na aking inilagay ang inihanda ko rin ang mga kasunod na rekado nito..ang carrots, bell pepper at ang karne ng baka ay sabay sabay ko ng inilagay..hinalo ko ng hinalo ng parang kaning-baboy lang..ng mabagot na ako sa paghahalo ay inilagay ko na ang broccoli na aking pinaghiwa hiwalay kanina..ng medyo nainitan na ay inilagay ko naman ang inihiwalay kong “sauce” para ito ay magka sarsa..kinuha ko ang kamera ko sa taas para ipasikat ang aking nagawang obra sa mukhang libro “facebook”..nang iinggit..kinunan ko ng litrato ang obra ko kasama ang mukha ko kasi baka sabihin ng iba ay binili ko lang sa labas ang mga ito…

eto na ang kinalabasan ng aking stir-fry beef with broccoli ala jay

napakasarap tingnan…wag lang lalasahan..

This slideshow requires JavaScript.

alas onse na ng matapos ako sa aking mga gawain…kelangan ko nanaman mag asikaso para sa trabaho at mga kasunod nito ay tingnan nalang sa mga nakaraan kong kwento <under DAILY category>

wala rin namang pagbabago at ganun pa rin naman ang aking ikkwento pagdating ko sa trabaho…( ctrl+c – sa mga nakaraang kwento) at (ctrl+v ko dito)…..

sayonara…carbonara!


sabado ng umaga ng imuklat ko ang aking mga mata..alas singko palang ng umaga ay naghahanda na akong tahakin ang mga bundok ng baguio..marami rami rin akong dala..mga damit, pagkain at flashlight na animo’y isang bundok na walang buhay ang madadatnan ko doon.. nagkakahalong lungkot at pagka sabik ang aking nararamdaman.. LUNGKOT – kasi hindi ko makaksama ang aking mga anak ng tatlong araw..PAGKASABIK – kasi ito ang aking unang pag akyat sa mga bundok ng baguio..

ala-una ng hapon ng kami ay makasakay sa baguio..ang aking mga kasama? si daisy na aking asawa..si mommy jowna (diabetic,may athritis at high blood), si bonnga (anthony sunga)..isang matandang bading na ubod ng kwela..ang mga patawa nito ay laging pasok sa banga..at si jeje (jay-r dela cruz) pawang mga miyembro ng isang team -( hindi namen ka grupo)..

matagal tagal din ang aming biyahe at sa sobrang bagot naisipang kong itanong sa konduktor kung gaano kalayo ang baguio na tinatahak namin..agad din naman sumagot ang konduktor na parang alam na alam nya talaga ang tamang sagot sa aking tanong..ang sinabi niya ay 268 kilometro mula maynila hanggang sa siudad ng baguio,,siyempre wala rin naman akong alam kasi nga ito ang una kong pagpunta..agad din naman akong sumang ayon sa kanya pero ng maitanong ko din na kung gaano kataas naman ito mula sa lupa ay bigla nalang siyang tumalikod at naningil ng mga pasahero na bagong sakay sabay alog ng barya sa kanyang palad para malaman kong sinu pa ang hindi nagbayad, ipinag palagay ko nalang na hindi nya alam ang sagot sa aking katanungan..balak ko rin sanang itanong sa kanya na kung mahuhulog ba ang bus na sinasakyan namen sa bangin ay meron bang “money back guarantee” kaming makukuha sa kanila? ikaw,sa palagay mo?..

ikot ng pwet dun at ikot ng pwet dyan..hindi mapakali sa pag-upo at hindi rin makatulog sa pagkainip sa biyahe na inabot din ng pitong oras..habang ako’y nababagot naisipan ko lang sa aking sarili kung gaano ba talaga kataas ang baguio above sea level” at agad ko din namang napagtanto at nasagot ang sarili kong tanung sa pag aalala ng geography class ko noong araw na 1500 meters o 4,921 feet at 3.12 inches pala ito above sea level (maniniwala kaba na alam ko talaga?)…huling tigil na namen sa malapit karinderia sa may paanan ng bundok..nadadama ko na ang malamig na simoy ng hangin at ang mabangong halimuyak ng pine tree (parang car freshener lang)..wala akong dalang jacket ksi nasabi nang aking kapatid ng mga panahong iyon ay mainit na sa baguio ng pumunta sila mga ilalng linggo ang nakakalipas pero hindi sa mga araw na iyon kasi umuulan ng bahagya at sobrang lamig ang ihip ng hangin kaya ako ay nanginginig sa sobrang lamig..

sa wakas! narating namin ang baguio sa oras na alas otso kahit masuka-suka ako sa hilo na inabot ko sa daming lik0-likong daan patungo dito..malamig ang simoy ng hangin, medyo pumapatak ang ulan ng bahagya pero hindi naman ito kalakasan..masarap sa pakiramdam na sa kabila ng daan na nakakalula sa taas ng mga bangin na aming dinaanan ay ligtas parin kaming nakarating dito (salamat po oh DIYOS ko sa pag gabay sa aming biyahe..pinakinggan ng diyos ang aking mga dasal habang tinatahak namin ang pag akyat dito sa baguio..)..

ang dami ko na agad gustong puntahan ng mga gabing iyon..ang daming tao..magaganda at magaganda..ang daming maganda sana..(alam mo na kasama kasi ang asawa)..nag ka yayaan ng kumain habang ako ay nakatingin pa sa paligid ligid at inoobserbahan at kinakabisado ang lugar na iyon..nakaka tuwa na marami paring puno at makikita mo talaga ang mga bulubundukin sa taas at kung paano na ito naging sibilisado (civilized)..habang iniisip ko ito biglang pumasok sa utak ko at naalala ang mga bagay na pina aralan ko nung bata pako na ang baguio na dating pangalan ay kafagway..at idineklarang siudad noong Setyembre 1, 1909..(napaka galing ko talaga at naalala ko pa ang mga turo sakin ni ma’am)..

“halika na” isang tawag mula sa babae na nagbasag sa aking pag iisip..tinatawag na pala nila ako para maglakad at maghanap ng makakainan..sa isang JACK’s resto kami kumain ng aking mga kasama. kanya kanyang tingin ng pilian na para bang mauubusan at pagkatapos ng kalahating oras ay nabusog naman ang aming mga alaga sa tiyan..masarap at napakamura ng mga pagkain nila sa JACK’s resto na ang hula ko ay isang nag ngangalang jack ang nag mamay ari nito..hula ko lang..

nakarating na kami sa bahay na aming tutuluyan sa ganap na alas nuwebe ng gabi at si lyn ang nakipag usap sa amin na nag mamay ari ng tutuluyan naming bahay. mura ang aming nakuha, isang libo lang ang kada araw at meron anim na kama kaya sobra pa sa aming ang bahay na yun..konting oras lang kami nagpahinga at nag ayus ng gamit, naligo lang isa isa at umalis na rin para gumimik at uminum sa labas..malapit lang ang tinitirahan namin sa burnham park pero at magaling nito ay may aakyatan ka munang nahigit kumulang limampung baitang ng hagdan bago ka makapunta sa “main road”..nakakapagod at nakaka hingal pero ang nakapagtataka nito ay hindi ka pagpapawisan..

maraming inuman sa lugar na iyon, marami na rin koreano, amerikano at iba’t ibang lahi ang nandun..tumingin kami sa padi’s point, giligans at sa bahay kubo na inuman pero napadpad kami sa isang inuman na hindi masyadong matao ang lugar..18BC ang pangalan ng bar na aming ininuman,hindi ko lang alam kung bakit ganun ang pangalan..may ideya kaba kung saan galing ang kanilang pangalan? kwentuhan, tawanan at tinginan..hindi tinginan sa mata ng aking mga kasama kundi tinginan ng mga babaeng magaganda..siyempre ako dahil kasama ko ang aking asawa ay pa simple simple lang kung tumingin sa iba, at sa galing ko naman lumusot ay hindi naman ako nahuli na tumitingin sa iba..dalawang bote rin ng alak ang aking naubos at dahil sa pagod sa biyahe ay agad naman nag ayang umuwi ang mga kasama ko pero ang isang bading na si bongga ay nagpaiwan pa at mambibiktima pa ata kaya nagpasya nalang kaming umuwi at magpahinga na.

umaga na ng linggo ng may narinig akong ingay sa labas ng kwarto habang sarap n sarap pako sa pagyakap at paglasap ng malamig na klima sa baguio..una kong ginawa ay magpapawis at mag ehersisyo kahit hindi ko naman talaga ito ginagwa sa maynila..(para mapanatili ko lang ang aking magandang katawan..ang aking biceps,tricep at abs)..mga kalahating oras din akong nag ehersisyo pero ang pinag tataka ko ay hindi man lang lumalabas ang aking pawis at lamig na lamig parin ako samantalang sa maynila e konting galaw mo lang ay pagpapawisan kana..ang sarap nga naman kung dito ka sa baguio nakatira..wala yata ditong mabaho at gusgusin kasi sa maynila ay ang daming taong amoy araw kahit gabi na…alas nuwebe na ng umalis kami sa aming tinutuluyan para maghanap na makakainan at sabay makapamasyal at  makapagsimba na rin. isang JEN’s eatery ang aming nakita at napusuan para kainan ng aming almusal..sinangag, kape, manok at pansit bihon ang aking inulam na nakapag tataka ang sobrang dami ng kanilang “serving” bawat isang tao..kala mo’y  una at huling kain mo na sa maghapon kaya nagpasya kaming ang tira tira namen ay ibaon (take out)…

tunay nga na napakabilis ng oras kapag nag eenjoy ka talaga sa ginagawa mo hindi tulad sa opis na sobrang bagal ng oras..marami rami rin ang mga napuntahan namen..ang unang tigil ay ang simbahan sa may malapit sa session road na kahit pa man ay tapos na ang semana santa ay para kanang pina parusahan sa pag akyat ng mahigit kumulang isaang daan na baiting na hagdan..bago ka pa man matapos sa pag akyat dito ay sobrang hihingalin kana pero ayus lang kasi hindi ka naman pagpapawisan..mga isang oras din kami tumigil sa simbahan..nagdasal,nagsindi ng kandila at nag pa bendita (bless ) ng rosary at kung anu ano pang nabili naming malapit sa simbahan. Pagkatapos nun ay agad din naman kaming nag abang ng taxi para makapunta pa sa ibang pasyalan sa baguio.. napadpad kami sa “wright park” ng mga bandang alas onse na..pagbaba palang namen ng taxi ay masisilayan mo na ang halimuyak ng tae ng mga kabayo sa paligid nito..sobrang halimuyak ng amoy na parang may kumukurot sa loob ng ilong mo kapag naamoy mo ito..ewan ko nga ba bakit nagging pasyalan ito dito..ang sumunod ay ang mansion na wala ka naman talgang magagawa kundi ang magpalitrato sa nakalagay na “the mansion” sa bahay nito..litrato doon, litrato dyan,ang daming tao nagkaka ungaga sa pagpalitrato..ang dami din bilihan ng kung anu ano..mga kumot,punda,tsaa,kape,pitaka,jacket,damit,laruan,at mga kahoy na iba’t ibang hugis (bastos )..yung may nakatayong “anu” sa ashtray..ang pinaka importante dito ay ang tinatawag nilang “barrel man” na kapag inangat mo ang barrel na kanyang pantakip sa katawan ay masisilayan mo ang langit na walang hanggan..ang sumunod naming pinuntahan ay ang “mine’s view”..hindi rin ditto maintindihan kung ang dinaayo ba talaga dito ay ang lugar na dapat tingnan o ang mga paninda na sa sobrang dami ay ito nalang ang iyong mapagmamasdan..dito ko rin nakita ang baklang kabayo na sinasabi nila..kahit hayop kasi dito ay pinagkakakitaan na at maging katawa tawa ay gagawin nila..meron din ditong isang aso napaka laki..isang asong “st.bernard” ang lahi kaya ito sobrang laki na pinagkakakitaan din nila..singkwenta ang bayad para sa apat na litrato kasama ang hayop na nabanggit ko..napaka walang kwenta…natagpuan din naming ang pakay talaga naming doon pero nakaka panghina na maabutan mo doon ay ang sobrang duming kapaligiran kasama n gang bangin na aming tinitingnan..binababoy na nila ang kapaligiran kaya hindi na sya kaaya ayang tingnan..bumalik na kami sa aming pinang galingan..pero aaminin ko..nakapamili rin ako ng konti..isang pang display na habi sa tela at may dekorasyong tatlong banga na rasta ang kulay..( rasta color means ..red, yellow, and green  which symbolize red-blood, yellow is for gold or treasure and green-nature or land  na ayon sa kultong Rastafarian na nagmula sa jamaica)..umalis na kami sa lugar na iyon at aaminin ko hindi talaga ako nag eenjoy sa mga ginagawa ko..hindi naman kaaya aya ang mga nakikita ko..sa camp john hay ang sunod na destinasyon..lakad dito at lakad doon..lakad kami ng lakad, lakad kami ng lakad, lakad kami ng lakad, lakad kami ng lakad, lakad kami ng lakad, lakad kami ng lakad, sobrang napagod na ang mga paa ko..pauwi na kami at nagpasyang wag ng puntahan pa ang iba pang tanawin o “tourist spot” na sa tingin ko lang ay napaka walang kwenta na..parang sinasayang ko lang ang aking pera at ang oras ko dito..habang naglalakad kami sa “session road” para maghanap ng makakainan ay agad akong nag sindi ng yosi.. bigla akong kinausap ng isang gwardiya ng isang botika..”sir, bawal ho ditto mag sigarilyo, baka pag multahin kayo” sabay ipinakita sakin ang ordinansa na nagbabawal nga ng paninigarilyo sa mga kalyeng pampubliko..kinabahan ako.buti nalang at hindi at hinuli ng mga lispu sa paligid..dalawang daan ang multa kapag nahuli ka nila pero meron din akong nakita na ordinansa na nagbabawal din na dumura sa pampublikong daan at ang unang multa ay tumatagingting na limang libo..mas mahal pa kesa sa paninigarilyo..gaano ba kadelikado ang dura kapag naapakan ng tao kesa makalanghap ng usok ng sigarilyo? Kaya kung ako ay may sipon at kelangan dumura ay lulunukin ko nalang ito kesa naman sa pagmultahin ka ng limang libo..eeew! meron ding ordinansa na nagbabawal sa pagkakalat ng mga basura o ang pagtapon ng mga ito sa kalsada, napakagaling ng mga pulitiko dito, kala mo ay nasa ibang bansa ka pala kapag nasa baguio.. isagn “good taste” ng restoran ang aming kinainan sa Magsaysay abenyu na malapit lang din sa “session road”… isang malaking sinangag na para sa anim an gaming pinaluto at an gaming ulam ay “buttered garlic chicken”, “chopsuey” at ang “fish fillet” ang aming inulam na sa sobrang dami at hindi nanaman namen naubos at nagpasyang ibaon nalang ulit ang mga ito…sa aking pag tayo ay meron akong naramdaman, isang kakaibang pakiramdam na dapat isa lang ang puntahan..isang banyo ang aking kelangan..lalabas na..nakaabang na ang ulo na parang ako’y manganganak na..pinagpapawisan at masama ang pakiramdam..sobrang sakit na ng aking tiyan ng makakuha kami ng isang “taxi” na aming sasakyan pauwi..alas singko na ng makauwi kami sa aming tinutuluyan at agad din naman akong dumiretso sa dapat kong puntahan.. nailabas ko rin ang sama ng loob ko sa banyo at ng matapos nako para maghugas ay bigla nalang umurong ang “bayag” ko sa sobrang lamig ng tubig..parang animo’y isang ubas na agad naman naging pasas sa sobrang lamig ng tubig (jan ko lang maihalintulad ang itsura ng “anu” ko ng hinugasan ko ito.)…

alas-sais na ng muli kaming lumabas para mamili sa palengke at ang mga pasalubong na sa amin ay pinapabili..isang taxi ang pumara sa amin para ihatid kami sa aming susunod na destinasyon pero sa paglalakbay namin ay napansin namen ang isang parke na nagngangalang “burnham park” na agad din naman umagaw ng atensyon ko kaya imbes na sa palengke kami ay bumaba muna kami para mang usisa..nag renta kami ng isang Bangka na hugis sirena ang itsura..isang daan at singkwenta ang bayad para sa trenta minutos na pag gamit nito..nakakatuwa at nakakatakot ang aking naramdaman habang ako ay nag sasagwan para bang mahuhulog kami sa tubig na napaka rumi at napaka baho..(natatakot din ako baka mahulog kami at pagtawanan ng mga tao..kahit hindi ako marunong lumangoy e natatakot din akong mabasa ng napakabahong tubig dito)..ang sunod na aming sinakyan ay ang padyak(pedicab) na bente pesos ang bayad sa bente minutos na gagamitin mo ito..ikot ditto at ikot lang doon, hindi naman Masaya kasi nakakapagod at nakaka hingal mag padyak kaya kahit hindi pa bente minutos  ay agad din naming sinauli ang sasakyang ito..

alas-syete na ng gabi ng kami ay makaalis sa “burnham park” na sa pag kakaalala ko ay nadiskubre ni “Daniel burnham” na gumawa ng maliit na laot sa gitna ng parkeng ito..pumara ulit kami ng isang taxi..kung tutuusin meron naman jip pero mas pinipili naming mag taxi kasi napakamura ng mga ito kumpara sa maynila..bente singko ang unang patak ng metro ang dalawang piso ang mga susunod dito na kung tutuusin ay hindi umaabot sa kuwarenta an gang binabayadan at nakakatuwang isipan na tapat ang mga driver nito kasi sila lang ang nakita ko nag nagsusukli ng pasahero kahit ito ay limang piso  o sampug piso..(halimbawa..31 pesos ang dapat mong bayadan, kapag nagbigay ka ng singkwenta ay saktong sakto ang sukli na ibibigay sayo..walang labis, walang kulang..onse pesos ang sukli mo)..

sa palengke kami nakapamili, mga gulay, ube, strawberry, at kung anu ano pang pasalubong na itinitinda nila..ang pinaka importante ditto ay ang nabili kong kacket sa murang halaga..napakaganda nito.gustong gusto ko kaya kahit hindi ako masyadong nag enjoy sa baguio ay nag enjoy naman ako sa aking nabiling jacket na pang artista( bagay na bagay sa akin)..

alas nuwebe na ng gabi ng kami ay makauwi sa aming bahay na tinutuluyan at nandun narin ang aming mga kasama na humiwalay sa amin sa palengke..isang daing nab angus an gaming naabutan na ulam sa hapag kainan..nakakatakam sa itsura palang..alam ko na agad ang kaparehas nito..isang kamatis at toyo..agad akong naghanap sa mga kabinet ng aming bahay para mapagbigyan ang panlasa ko..wala akong nakita kaya agad akong bumaba para bumili sa tindahan sa baba..alam mo ba kung ilang baiting ng hagdan ang dapat mong lakaran bago ka makalabas at makabili sa tindahan..nasa ika apat kaming palapag kaya sa pagkakabilang ko ay “40 steps” bago ka makababa sa bahay at “50 steps” naman bago ka makabili sa tindahan..kung susumahin mo ay humigit kumulang dalawang daan na baitang na hagdan ang pinagdaanan ko para makabili lang ng kamatis at toyo na pinaglilihian ko..

busog na at inaantok na ang pakiramdam ko pagkatapos naming kumain ng daing,kamatis at toyo.. tinablan nako ng pagod ko sa maghapon naming paglalakad..pumipikit na ang aking mga mata habang ang namalayan ko ay umaga na pala…pagkatapos ko pala kumain ay nakatulog na agad ako sa kama..

lunes ng umaga ng kami ay nagmamadali umalis sa baguio para maabutan namin ang bus na sasakyan naming..nag hiwa hiwalay na kami..sa avenida manila kasi sasakay ang iba at kami naman ay sa cubao pasay na bus..nalulungkot ako ng umalis kami sa baguio..hindi ko na mararanasan ang lamig na dumadampi sa katawan ko kahit hindi ako masyadong nag enjoy ay ipina pangako ko na babalik ako dito at mangangakong dito na rin maninirahan…magkahalong lungkot at pag kasabik ang aking nararamdaman..lungkot dahil babalik nako sa mainit na lugar ng metro manila at dapat na rin magtrabaho kasi tapos na ang bakasyon ko at pagkasabik kasi makikita ko na rin ang mga anak ko..nakatulog ako sa biyahe at namalayang nalang na nasa dau, Pampanga na pala kami.. bumaba ako para umihi at mag yosi.. at pagkatapos noon ay agad din naman bumalik sa inuupuan ko para bumalik sa pagkakatulog…agad akong nagulat sa sa sinabi ng drayber ng bus habang hinihintay ang isang babaeng pasaherong nasa labas pa(asawa ng lalakeng may karga ng isang bata na nasa loob na)..”iwan na naten ang asawa mo, marami naman jan iba”… agad namang nagtawanan ang iba pang pasahero at yun ang huling sandali na naalala ko..pagmulat ng aking mga mga ay nasa cubao na kami at agad ding bumaba para makauwi na..napakainit at nakakayamot ang aking naramdaman habang nag aabang ng taxi na aming sasakyan..parang gusto ko na ulit bumalik sa baguio..eto nanaman ang pakiramdamam na kahit ayaw mo naming pag pawisan ay kusa nalang tutulo ang pawis mo sa iyong likuran..

alas dos na ng kami ay makarating sa bahay .. pagod at gutom na naghalo ang aking naramdaman pero mas pinili ko nalang na ipagpatuloy ang aking pagtulog at pag papahinga sa bahay…wala ang mga bata sa bahay..iniwan naming sa bulacan kaya agad din naman akong nakatulog…

bago ka magpatuloy sa pagbabasa..

sagutin muna ang mga sumusunod na tanong..

kapag na perpekto mo ang sagot ay meron kang libreng…

isang case ng beer, isang kaha ng yosi at isang kending pula…(maxx red)…

pagsusulit:

(para patunayan kung meron kang natutunan)

ilang metro ang taas ng siudad na baguio mula sa totoong lupa?

pagkatapos makuha ang taas sa metro ay isalin ito sa mga paa o ilang feet ito kataas mula sa tunay na lupa?

anu ang buong pangalan ng naka imbento ng burnham park? clue: ang unang pangalan ay daniel _______?

anu ang unang pangalan ng may ari ng  jack’s resto na kinainan namen noong unang gabi?

anu naman ang pangalan ng may ari ng JEN’s eatery?

kailan ginawang siudad ang baguio?

anu ang dating pangalan nito?

anu ang scientific name ng surot?

anu ang square root nito 186735415356?

gumawa ng salaysay ng buong kwento..anu ang masasabi mo?


OLA! TINOLA! -mikey bustos

huling sulat sa unang araw ng aking bakasyon..tama po ito po ang huling kwento ko sa linggong ito..tama po ang nabasa nyo kasi hindi ako makakapagsulat habang nasa BAGUIO..ako’y tatakas pansamantala sa napakainit na metro manila…

biyernes ang sinasabi nilang paboritong araw sa linggo kasi ito ang huling araw nilang magtrabaho, pero AKO? ito ang unang araw ko ng walang trabaho..hindi ko ito gusto kasi gustong gusto ko ito!…

napakasarap ng gising ko kaninang umaga..walang iniisip, walang ritual na dapat sundin, pwedeng hindi mag toothbrush, maligo at kahit pagpawisan ka ng todo ay ayos lang kasi nga eh walang pasok sa trabaho…ang paglilinis ng katawan ay isang bisyo lamang kaya wag abusuhin at lalong lalo na huwag araw arawin..ang sarap humiga at tumulala..habang ako’y nakahiga pa ang dami kong naiisip gawin..naisip ko rin mag linis ng kwarto pero pag ganito ang naiisip ipinipikit ko lang ang mga mata ko hanggang mawala na ang sipag sa utak ko…subukan nyo..

nagsimula ang araw ko sa pagpunta sa guadalupe para  kunin ang aking sweldo…nakakapanghina ang aking sinuweldo..napaka baba pero inisip ko nalang eh mas maigi na yun kesa sa wala.agad naman akong bumili ng gatas, diaper at kung anu ano pang kelangan ng mga bata.. nakapagbayad na rin ako sa banko at sa tubig, sa cable at ang internet connection ko..natapos na ang lahat ng bayarin kaya wala na rin laman ang pitaka ko..naisip ko lang, panu kaya kung wag  ng padaanin sa kamay ko ang sweldo ko at idiretso nalang sa mga bayarin ko buwan buwan..mas nakakapagod lang mag isip eh sila rin naman ang mas nakikinabang… sa sobrang pagod ko sa pag iikot naisipan ko naman na kahit papaano eh bigyan ko ng regalo ang sarili ko..ito ay ang pag papa “foot spa” kasama ang asawa ko… napaka sarap sa pakiramdam kapag may ibang taong naglilinis ng iyong paa..prang ang pkiramdam ay isa kang hari na maraming serbidora…mag aalas singko na ng natapos kaming dalawa sa pagpapa “foot spa”… inihatid ko na si daisy at ang aming mga pinamili sa bahay at ako naman ay nangutang pa sa kanya para makabili ng mga gamit sa pupuntahan namen bukas-sa baguio..

ako na lang mag isa na parang binata ng nag LASKWATSA sa pinaka malapit na mall sa aming lugar, ito ang MARKET! MARKET! na paulit ulit na para ring ukay ukay..una ay naghanap ako ng walking short (meron bang sleeping short? running short? sitting short?) na gagamitin ko bukas..ang mamahal na mga bilihin..wala ako halos mapili..nakakita ako ng maganda pero wala naman sukat na kasya sa akin.ganito siguro talaga kapag maganda ang iyong pangangatawan, yung tipong pumuputok ang mga “muscle” mo, na parang mga prutas ang biceps at triceps mo at lalung lalo na ang mala pandesal na mga “abs” mo.. sana ganyan ang katawan ko pero hahayaan ko na kasi mas importante naman ngayon eh yung “face value” (walang kokontra!)…basta ang pag kaka alam ko eh gwapo ako hindi pa nga lang uso..hindi pa uso ang ganitong ka gwapuhan pero alam ko  dadarating din yan… nakabili na ako ng walking short na medyo pang bading ang style kasi hindi siya cargo shorts na sinusuot ng mga karaniwang lalake pero kung ako naman ang rarampa na suot ang shorts na ito ay panigurado, parang ako ang “endorser” nito… nabili  ko iyon sa halagang limang daan at pag pihit ng leeg ko ehh nakita ko naman yung t=shirt na puti na hindi ko masyadong gusto pero binili ko na sa halagang dalawang daan lang naman kaya keri lang…isang shorts at isang t-shirt ang nabili ko..gusto ko pa sanang humirit ng isang polo na puti pero hindi na kinaya ng budget ko…

pauwi na ako ng biglang nag “text” ang kapatid ko na magkita daw kami sa market market na paulit ulit  para ibigay ang mga padala ng nanay ko..kala ko meron para s akin..inexpect ko na talaga pero nang dumating ang kapatid ko eh puro lang pala sa anak ko..tig isang balot ng diapers na pull-ups sina bob at marley at mga pag kain pambata para rin sa kanila..napahiya lang ako..

mag aalas nuwebe na ng gabi ng mag paalam nako sa kapatid ko na umuwe..pagod at gutom ang naramdaman ko..agad naman akong nag abang ng dyip sa may tabi para maka uwi na ng bahay…biglang naalala ko na kelangan ko nga palang ktain si kuya edwin(isa sa aming grupo) para maibigay ang kanyang natitirang sweldo na ibinigay ng ate ko.. nangutang kasi sya sa ate ko at wala akong balak ikwento at alam ko naman na wala rin kayong balak basahin ito..ako  ay nag pasya  na kumain nalang sa labas mag isa at hindi ko na matiis talaga ang mga alaga sa loob ng tiyan ko na kinakagat na ang aking bituka kasi gutom na gutom na sila…kumain ako sa aking paboritong JOLIBEE..-bihirang bihira lang ako makakain dito saka napaka hirap hanapin ang mga “stores” nila kaya doon ko naisipang kumain..isang sopageti at isang jolly chickenjoy ang aking kinain kasi ako ay nag di-diet para mapangalagaan ko ang aking magandang katawan..hindi rin naman nag tagal at dumating na si kuya edwin para kunin ang natitira niyang sweldo at pagkatapos naman ng mga sandaling iyon ay nagpasya na rin akong umuwi  para makapag pahinga at para makapag sulat ng huling kwento ko sa linggong ito..pero bago pa man mag tapos ang kwento ko.. isang ale ang nakainisan ko…nais kong ibahagi itong sinulat ni missy silvestre (isang ka grupo) sa mukhang libro (FACEBOOK) kasi ganitong ganito ang nangyari sa sinasakyan kong jip habang ang dalawang kamay ko ay punong puno ng bitbit..

 Missy Silvestre

dear girls with long hair, i know you watch tv clips where a girl’s hair is flown by air and the onlooker’s jaw drops at the hotness of it. but when im beside you and we’re in a public transpo, i dont find it in any hot or sexy. in all honesty, the tips of your hair hurt my skin and the way you constantly twitch your head to fix your hair so it could fly smoothly annoys me.

tulad nga ng sinabi ko sa komento ko dito..

 Jay Tecson

WTF!!! that is exactly what happened to me awhile ago..buti sana kung maganda, matitiis ko pa e ang swangit naman ampotah!…

ganyan natapos ang araw ko, sa isang ale na animo’y diyosa sa kagandahan eh kung humarap naman ay  tinalo pa si zorayda sa kapangitan..o siya siya magpapahinga na ako..hangggang sa muli!

gudbay bombay!