ang mga napagtanto sa panahong lubak ang mga nilalakaran ko..

Posted: May 11, 2011 in Daily Service, Important and Serious Matters

Maraming araw na ang lumipas nung huling araw nyo akong narinig o nakita o pwede rin naman nabasa.matagal tagal na simula ng huling isinulat ko yung kay tungkol kay bogart kaya lang hindi ko na natapos pero eto na naman ako magsusulat tpos hindi naman tatapusin.hehehe.maraming minuto,oras at araw ang lumipas maraming nangyari sa inyong lingkod sa buhay,pamilya,trabaho at sa pansariling kaligayahan ng puso.sa mga pagkakataon na ito marami rami akong napagtanto..
ngayon ko kayo tatanungin kung saan mo nyo ako gustong magsimula?
( naalala ko tuloy pag magbobotohan sa mga opisyal ng classroom noong highschool pa tayo..syempre pipiliin na presidente yung sa tingin nila pinaka matalino at yung treasurer ay yung pinaka mayaman kasi laging may pang abono ng nawawalang pera pag nag conribution na at meron kasing mga epal at mga loko lokong estudyante na magsasabi na nagbayad na pero hindi naman talaga.ito yung mga estudyanteng sugarol,sabungero at adding(alam mo na sinasabi ko,may nxt generation na nga nun,digit ang tawag nila pero sa perang papel na at hindi na coin)–maisingit ko lang yung mga sabungero,paano kaya maititigil ito?–sabi ko naman nasa tao ang DISIPLINA kaya nasa sa kanila na iyon kung gusto nila itigil ang bisyo nila pero may naisip lang ako solusyon sa mga sabong ng manok,gagamba,langgam at surot–bakit hindi kaya nila subukang pagbatiin lahat ng manok para matigil ang sabong diba may sense?.–
balik tayo sa nominasyon…
courtesy of kai–sabi ni kai ang mga sergeant at arms daw eh yung mga matataba kasi pag may gustong dalhin sa clinic sila ang inaatasan gawin ito.make sense nga naman..salamat kai!!!
pero hindi papatalo pag mag no-nominate ka na ng escort at muse,yung mga seryosong kaklase naten at mga malalandi pipiliin ang gwapo tlga sa paningin nila bilang escort pero sa pag nominate ng muse e kagaguhan na ng mga lalaki,kunwari i nonominate natin yung mga sobrang pangit talaga na kaklase na babae tapos pag napag botohan na kakamot nalang ang escort nito at hanggang matapos ang taon eh yun ang pilit na ipapartner sayo at kung minsan pa isusulat pa sa pader,sa palikuran at upuan ng eskwelahan.mga nakalagay halimbawa BOGART love GORGONIA tpos may nakatusok pa na pana sa puso na nakalarawan sa pagitan ng kanilang pangalan..)
mabalik tayo sa ating tunay na pag uusapan..sinu ba ang naka rehistro? kahit naman siguro sino na nagbabasa nito pwedeng bumoto..i txt lang ang
BOTO<space>code<space>pangalan<space>tirahan<space>suking tindahan<space>pangalan ng nagbabantay sa tindahan<space>anu ang iyong binili<space>edad<space>edad ng tindera<space>may bf/gf ba ang tindera o wala<space>anung ginagawa mo at isend sa 222 kung globe at 1515 kung smart user ka agad na may mag rereply sayo sigurado yan..
kung wala ka naman cellphone pwede ka rin magsulat sa isang malinis na papel at ihulog sa pinaka malapit na basurahan..
simulan na!…game!

HALALAN 101:saan magsisimula?

magsisimula sa BUHAY- 32%

magsisimula sa TRABAHO- 21%

magsisimula sa PAMILYA- 19%

magsisimula sa PUSO-28%

wala ng kokontra..!! ginawa ko lang lahat ito at ibinase ko ang mga boto sa awtomatikong utak ko na sinlaki ng isang butil na monggo kung saan ang magsisimula tlga ang isang artikulong ito.base sa naisip ko, nanalo ang topic na BUHAY na may iskor na 32%..

Marami rami akong nababasa tungkol sa mga buhay buhay ng ibang tao at mga realidad sa ating mundo..nalaman ko rin na ang BUHAY ay hindi parang isang test o mahabang pagsusulit sa paaralan,hindi ito true or false,multiple choice,enumeration at iba pa.ito ay isang essay na kelangan ang opinyon ng isang tao,  hindi pwede maging mali o kaya naman tama sa ibang tao kasi yung tao mismo ang magsusulat nito ayon sa kanyang iniisip at nararamdaman..( parang medyo maselan yata at malalim ang mga isinusulat ko dito at baka marami akong maka debate nito at parang iyon ang gusto ko )
isang makabuhuluhang salita ang aking nakuha sa isang kaibigan “Nalaman kong hindi final exam ang passing rate ng buhay. Hindi ito multiple choice, identification, true or false, enumeration or fill-in-the-blanks na sinasagutan kundi essay na isinusulat araw-araw. Huhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhan ang mga isinulat o wala. Allowed ang erasures.”
Maraming nagsasabi na ang buhay ng tao sobrang ikli at sabi rin nila pag lagi kang kumakain ng pansit ay hahaba ang buhay mo pero meron akong kilalang tao na laging kumakain ng pansit pero hindi naman humaba ang buhay nito..isang araw na ordinaryo sa taong ito at kumakain sya ng pansit at pagkatapos nya kumain,nag yosi siya sa labas at pagkatapos binaril sya sa ulo ng kaaway nya sa kabilang kanto-naniniwala paba kayo na nagpapahaba ng buhay ng tao ang pag kain ng pansit nito?
kahit baliktarin mo man ang mundo at baliktarin mo man ang pagbabasa nito,masasabi ko talaga na maikli ang buhay ng tao kaya ang payo ko sainyo kung anu ang magagawa nyo ngayon bakit hindi mo gawin bukas para may gawin ka bukas..para may gawin kapa bukas diba.? biro lang..
kung anu ang magagawa nyo ngayon,gawin nyo na agad kasi ang bawat segundo,minuto,oras at araw na lumipas ni-kaylan man hindi mo na pwedeng ibalik ito.pwede mong gawin sa ibang pagkakataon pero hindi na iyon tulad ng momento na inaasahan mo at ng sasabihan mo..hindi lang ito sa pagsasabi ng kung anu-anu sa tao kundi yung mga pagkakataon na dapat ginawa mo na kesa sa pagsisihan nyo ang lahat..nakukuha nyo ba ang sinasabi ko? halimbawa :
isang taong mamatay na ang pinagsinungaling nyo at yun araw na pagkakataon na pwede  mo na sabihin sa kanya ang totoo at ipinagpabukas mo pa at namatay na yung tao sa araw na yun.paano ka? basta ang hirap i explika sa pagsusulat ang topic na yan.kung hindi mo pa rin naiintindihan pwede ka mag consult sakin ito ang schedule ko.
monday 3:15-12:15 EST
tuesday 4:00-01:00 EST
wednesday 6:15-3:15 EST
thursday 6:30-03:30 EST
friday 6:30-3:30 EST
saturday: 11:00 watch showtime
12:00 lunch ko at      manonood ng wowowee
01:00 billiard time
07:00 dinner
08:30 watch          talentadong pinoy
8:30-onwards-iinum       ng alak hanggang      malasing kung saan..
sunday:  magsisimba at mag     mumuni-    muni..magkukulong sa     isang tabi at tulad     ng ganito iniisip ko     ang sunod na gagawin      ko.
marami pa akong napagtanto sa mga buhay buhay ng mga tao pero sa pagkakataon na ito dumako muna tayo sa kasunod na topic na dapat talagang pag usapan ng matindi at pag kwentuhan ng malubha..
ito ang usapan sa PUSO na may iskor na 28% sa ating naganap na botohan kanina..ay sayang wala ka,hindi ka tuloy naka boto..tsk tsk tsk
ito mahaba habang usapan ito at maghanda kayo ng panyo at dapat mahaba haba din ang oras mo sa pagbabasa nito..kelangan pag laanan mo ng oras ito..mga dapat ihanda sa pagbabasa nito..kelangan sampung minuto bago ka magbasa nakahanda na ang mga ito:
* hankerchief-panyo
* time-oras
* junkfood-chichirya(nova,piattos,vCut at boy bawang)
* computer-kompyuter: kasi pano mo mababasa ito kung wala ka nun?sige nga ha!?

ang galing galing ko magsalin sa tagalog noh kaya lang marami pa akong hindi alam sa tagalog katulad ng mga sumusunod:

* dinosaur- ??
* refrigerator- ?? (frigidaire ba?)
* t-shirt- ??
* candy- ?? (minatamis ba??)
* hotdog- ??.
tara na at kkwentuhan ko kayo sa aking mga napagtanto ukol sa usaping ito..
marami ang mga naka pansin sa mga nangyari sa inyong lingkod sa mga nakaraang araw at buwan.opo tama ang iniisip nyo at nabasa nyo na mismong ako ay hindi exempted sa problemang ito ng mga nakakaraming tao..
hindi mo alam kung kelan ka tatamaan ng problemang ito..
may asawa,may anak,mag gf/bf mag ka live-in kahit sinung tao sa mundong ito na marunong umibig pwedeng mangyari ang problemang sinasabi ko..
sa usaping ito walang eksperto pero merong tao na marunong umunuwa sa mga taong tinatamaan nito at kung sa kanilang sarili man nila mangyari ito lubos nilang  mauunawaan kasi bukas ang kanilang pag iisip,my nabasa ako sa sulat ng aking kaibigan “kaya binigyan ang tao ng KONSENSYA para mapagtanto nito at matimbang kung anu ba ang tama sa mali,sinasabi natin na may utak at puso tayo pero kung minsan hindi gumagana ito at kelangan ng panabla para wasto ang pag iisip at pag dedesisyon ng isang tao,kapag hindi umubra ang mga ito ewan ko nalang kung tao pa ba ang kausap ko..
sa pagpili ng tao kung saan ka liligaya ay pangalawa nalang kasi dapat mong siguruhin muna kung liligaya ba sayo ang iyong piniling tao kung saan ka liligaya. parang ganito lang yan..siguruhin mong mahal ka ng taong mahal mo para maging maligaya rin sya katulad mo..
“Ang PAG-IBIG nga naman parang EXAM… pinag-iisipan, pinaghahandaan, di ka EXEMPTED masaktan, kailangan PASADO ka sa kanya… kaya habang maaga pa galingan mo na… kung ayaw mong ma DROP-OUT ka.”
anu ba yan medyo sensitibo tlga ang aking mga napagtatanto sa artikulong ito..gaya ng sabi ko walang exempted sa isyung ito kaya pati ako ay medyo naguguluhan na rin dito..ang mga nangyari sakin ay masasabi mong ordinaryo lang pero sa isang taong katulad ko patuloy pa rin akong nag iisip kung paano maiwawasto ang mga bagay bagay na nagawa kong mali..sa nangyari sakin naghiwalay kami ng matagal kong karelasyon,maraming nangyari at inaamin ko kasalanan ko rin talaga..(importanteng aminin mo sa sarili mo ang mga bagay bagay na hindi mo kayang aminin sa iba para makatulong ito sa iyo..)
ang nangyari samin ay matatawag na ‘point of no return’ nagkasakitan na at hindi ko na mababago ang mga nagawa kong mali pero pwede kong itama pero hindi ganun kadali…marami akong naisip,sumubok din akong itama iyon sa pamamagitan ng pagsasama namin sa isang bahay pero gaya ng sabi ko hindi sya ganun kadali kasi yung tiwala ang nawala at kasabay na nito ang pagmamahal na napalitan ng galit..sabi nila kapag nawala ang pagmamahal,madaling ibalik at matutunan at kapag nawala ang tiwala sobrang hirap ng ibalik..sabi ko naman hindi ka naman magmamahal ulit sa kanya kung walang tiwala diba..!?parehas lang silang mahirap ng ibalik..
siguro ganun lang tlaga ang takbo ng buhay,”Minsan kasi di rin naman talaga ginusto ng mga taong minahal natin ang saktan tayo. Di naman nila sinasadyang iwan tayo para sa bagong dumating. Minsan kailangan natin tanggapin na sa paniniwala nila mas mahal nila yun. Ganun talaga, dun sila kung saan sila masaya. Ganun din naman siguro ang gagawin natin kung tayo ang nasa sitwasyon na yon diba? Lahat tayo mararanasang AGAWIN, MANG-AGAW at MAAGAWAN Pana-panahon lang yan..”-BOB ONG..
ngayon malaya na ako at pwede ko ng gawin ang mga gusto kong gawin sa buhay ko..pero sa aking napagtanto tama ba tlga ito?
ng nabasa ko ang artikulong ito napag isip ulit ako..
“Bakit pag may gusto tayo kailangan iwanan natin yung iba para lang makuha yun? Pero pag andyan na, saka mo lang malalaman na yung taong iniwan mo ay minsan na ring iniwan ang lahat-lahat sa buhay para lang sayo…”
“Paano mo babawiin ang taong ayaw na sa’yo… mahal mo sya pero, may mahal naman siyang iba… ipagpapatuloy mo pa ba kahit nasasaktan ka na? O iiwan mo sya para lumigaya?”-BOB
makabuhuluhan ang mga kasabihan ni pareng BOB sa mga artikulo nya..wala ako masabi napapaisip tuloy ako na kung nangyari na ba sa buhay nya ang mga pinag susulat nya..?

Advertisements
Comments
  1. theng says:

    bob-ong?! nice..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s