ang pakikipagsapalaran…

Posted: May 11, 2011 in Daily Service, Extra Service, Important and Serious Matters

meron akong mga kwento sa dati kong employer ICT..pero bago yan dun muna sa employer ko bago ICT.  WEST corporation Inc…at bago sa west corporation duon muna tayo magsimula sa pinanggalingan ko..

isa akong probinsyano, tingin ng marami sa lugar na tinitirhan ko sa taguig upper bicutan..hindi naman iyon ang unang beses na naka apak ako sa maynila kasi sa recto tlga kami nakatira nung bata pa ako at lumipat na pala kami noon sa malanday at paminsan minsan pumupunta kami sa recto every year.(ang labo).namatay ang tatay ko 5 taon gulang lang ako at pagkatapos nyan nag abroad ang nanay ko at naiwan kami sa aking lola sa bikol…doon nagsimula ang adventure ko kasi malaya ko  nagagawa gusto ko kasi paborito ng lola ko ang aso namin..hindi ako tlaga ang paborito ng lola namin kasi bunso ako eh kaya minsan kumakahol nalang ako. joke lang…yung nga nag aral ako doon sa bikol at lumaki at bigla ko nalng namalayan na binata na pala ako…hindi ako magaling sa klase average lang ang utak ko.maraming kalokohan tulad ng mga kapatid nyong lalake nung mga bata pa sila…kalokohan na nambubugbog tapos magsosori..iinum ng sleeping pills at lalabanan na hindi makatulog at kung anu anu pa..(i know ryt!?)

<<<<<<<<<fast forward>>>>>>>>>>>
nag aral ako sa ATENEO de naga sa kursong BS civil engineering pero naka isang sem lang ako duon kasi nasusuka ako pag nasa classrum..lahat ng kaklase ko nag aaral ako nag yoyosi…kasi yung registrar namin sa skul pinilit akong mag engineering  kasi daw mataas daw grade ko sa math pero nangongopya lang naman kasi ako dun sa valedictorian namin sa klase nung high skul..tpos after nun nag shift ako ng BS IT,isang taon dun inilagi ko sa kursong ito kasi kasi nasobrahan naman sa petiks kahit mga teacher petiks din kaya naka isang taon ako…yung teacher namin nun na medyo panut na ang ulo manonood lang ng meteor garden sa klase tpos kami nag proprogram ng kung anu anu.pero hindi ko rin maisip bakit ganun kaya..isipin mo pangalan ko lang 100 pages na..
<<<<<font size 12>>>
….over..
{[hello garci…?”:{}”::{}}]]]]]]
{font comic sans….hehehe paborito ko ito….{{_+0-)))
(j)///\\\\/-/-*/-))))

/*03365690140135……(a)..()))))))))))
y(((;:”:””!@$^%:}}}}}}}}}}}}}}}}|\
<<<<<<<<<<<<<>>>>>>>>>>>>>><

<<??())))teks))))))))))))))

…sun!@$@#$>>>>>>>>>>>>>>>>

<>?(){}
<>?(){}
<>?(){}
<>?(){}
<>?(){}<>?(){}<>?(){}
<>?(){}<>?(){}

<>?(){}
<>?(){}
<>?(){}
<>?(){}
<>?(){}

{JAY}insert.<>?}{||

.
.
.
.
.
.

hay naku ewan ko ba jan sa programming..grabeng hirap..hindi naman maaply yan pag bibili ka ng bigas…kahit math hindi mo naman kelangan sa pang araw araw na buhay..alangan naman

pabili po ng x-y over the 100th power of kili2x ng bigas
{P________?(213)  =BIGAS

find x+y= BIGAS
nasaan kaya ang X=bigas
32=sinandomeng

1 kilo=BIGAS
panu kung ganun ang pagbili ng bigas? kung ganun lang naman ay
magtitinapay nalng yata ako…
“pabili ng tinapay…”
1+1?
2 po..
cge eto ang tinapay..
hehehe
tpos yun na nga as usual hindi ako nagtagal duon..natapos nga ang sem na tiniis ko ang mga klasmeyt kong mga einstein..

ti ti ti tit ti ti ti tit
tunog ng alarm ng celfone ko nuon..
enrollment na at hindi pa ko nakakadecide ng kurso ko tlga..sinamahan ko tropa ko mag enroll kasi hindi pako decided nuon kung anung kurso tlga ang gusto ko..sabi ng tropa ko parehas nalng daw kami BS EDUCATION major in computer kaya lang nagdadalawang isip ako nuon..ayoko maging teacher..
ti ti ti tit ti tit ti ti tit….
(alam mo na kung anu yan)
last day ng enrollment madami tao sa mga department ng mga courses..naisip ko yun sinabi sakin ng tropa ko at agad akong pumunta sa dept nila kasi wala tlga akong maisip.mahaba ang pila..halos lahat ng course yata mahaba ang pila…
1 oras nako nakapila at nag lunch break pa..malas!
kaya stop ang pila..meron akong nakita…
isang dept na walang pila tlga kaya agad kung pinuntahan.nagtanong tanong ako sabi AB development communication daw,sabi ko bago sa pandinig ko ah..astig.. nag interview sakin dean nila sabi bakit daw  gusto ko mag shift sa course na yun..wala ako naisagot..ibinalik ko question sa kanya..”anu po ba magiging trabaho ko jan?” tpos ang haba haba ng explanation nya saka tunog maganda naman kaya kinuha ko nalng..sabi ko sige po magbabayad nako sa treasurer dept..on the spot enrolled nako..at wala akong idea sa mga subject na ibingay sakin ng dean..(teka lang out of adherance nako BREAK ko na pala)(will be ryt back!!!)..patay ako kay TL nito…
2years ang nakalipas nagtagal din ako sa course ko.nag enjoy ako sa course ko kasi parang theater lagi kami nag prepresentation..epal  kasi ako nun kaya siguro ako nagtagal doon..lagi photoshoot at sa iba ibang lugar ng bicol kami nakakapunta para may ma present kami..ang ganda ng course ko akalain mo aksidente lang ang pagkaka shift ko dito pero nag enjoy tlga ako..masaya ako lagi hingi pera sa nanay kasi may photoshoot..pambili film pero libre lang naman sa fujifilm pag nag pa develop ka sa kanila.hahahah.as usual yun nakupit ko iinum namin ng mga tropa..ganun din sila kaya siguro ako hindi naguiguilty sa ginagawa ko.bata palang ako lasenggo nako kasi wala nga guidance ng parents lola lang kaya spoiled intindihin nyo nalng ako minsan..hahahha

2006 end of sem..
after 2 years ko sa AB dev comm….
graduating na kapatid ko tpos sabi ng nanay ko stop ako isang sem kasi madami gastos ate ko kaya sige..pumayag ako kahit masama loob ko..
oct 2006…ako nag stop at naboring ako aftr a couple of months.nag decide ako mag work pero hindi sa bikol kasi ayoko makita ng classmeyts ko na nag mo mop ng floor sa Mcdo. may dahilan kaya gusto ko umalis at magtrabaho sa maynila noon pero mahaba kung ikkwento ko pa yun pero sige na nga..mapilit ka eh..hiniwalayan ako ng GF ko nun si clarissa bianca kasi naman wala na nagssundo sa kanya lagi.sinanay ko kasi.tpos sabi nya parang wala na daw ako pangarap..hindi na daw ako yung nakilala nya na puno ng pangarap..hindi nya alam puro nga ako panagrap at panaginip.2 years din kami nun  pero yun ang babae na nirespeto ko tlga hindi ko sya ginalaw sa 2 years na yun kasi i respect her nga,….pero pwede naman daw kiss at hipo..hahahaha.tama na yan.tpos yun na nga nag decide ako pumunta maynila kasi sa depression siguro hahahaha.
hindi ako pinayagan ng nanay ko nung kasi mag eenroll din ako nxt sem pero sobrang depress na nga ako nun kaya nagpilit pa rin ako…hindi nya ako binigyan ng pera nuon..sabi nya wag daw ako umalis pero may ipon ako nun ng 2 libo kaya naka punta parin ako dito ng walang paalam sa nanay ko kasi nasa abroad nga sya kaya panu nya ako mapipigilan noh…yun nga lang sobrang kulang ng pamasahe ko at budget pangkain,pamasahe ko papunta dito at sa byahe ko..
600.00 fare sa bus
40.00 1 pack yosi marlboro lights
1.00 isng kendi(halls yung yellow)
35.00 goto with egg
15.00 siopao asado
15.00 coke 8 oz(mahal tlga tsk tsk)
stop over nanaman yun bus syempre kainan na namana..
expenses ko nun..
nag cr ako may bayad
2.00 ehe(yung ang spelling nila sa ihi)
4.00 maxx na pula..para may extra ako
nakarating ako alabang 5 am..syempre nag taxi nako at hindi ko alam duon mag commute..
taxi fare= 87.50
hiningi ko sukli sa driver sabi ko pang yosi pa kaya meron akong total na pera noon 1202.50.
galing ko noh..

,nakitira ako sa tita ko sa taguig syempre bawas na pera ko at 1202.50 pesos nalng ang natira.syempre mag aaply ako sa makati n0on as a call center agent nga..para ang saya kasi sa mga naririnig ko sa tropa ko na maging isang professional call center agent…lumipas ang araw…wala pako trabaho..madami dami din ako inaplayan na call center…sablay lahat ng sagot ko ito mga inaplayan ko.sutherland.IBM,ACS,teleperformance..people support at sa eperformax(marami pa pero nakakahiya na) at kahit isa duon wala tumaggap sakin..sobrang maiyak iyak nako noon.sabi ng tropa ko try ko daw sa WEST corp..sabi ko nun mag aaral nalng ako noon pag hindi ako natanggap sa WEST ,sinumpa ko  sa statue ni ninoy sa AYALa na para akong tanga..nagtataka nga ako nuon kasi sabi ng tropa ko kaya daw may pulis dun kasi hinuhuli ang nag jajaywalking..kaya daw sinemento si ninoy kasama yung nang huli sa kanya kasi jaywalking daw violation nya..nakakatakot pala sabi ko sa sarili ko..panu kaya pag tumakbo si ninoy noon..jaywalking pa rin ba kaso nya at sisimentuhin pa kaya sya dun sa kinalalagyan nya nagun.im just wondering.hehehehe..
dumating ang araw na kinatatakutan ko..interview ko sa WEST…
((((pero out nako..to be continued nalang..)))
nxt time tatapusin ko na..
.o diba kate namalayan mo walang kwenta pala ang binasa mo…atleast tumawa ka..

..andito na ulit ako..salamat sa mga sumusubaybay sa kwento ko..hahahaha sana mas mag enjoi kayo..nais ko lang i share sainyo bago ko ipagpatuloy ang kwento ko..nag away kami ng asawa ko dahil dito sa sinusulat ko at hanggang nagyon ay galit pa din sya..panu ba naman nabasa nya yung tungkol kay clarissa bianca…matagal tagal na kami nag aaway mga isang linggo na nayon..ang tagal ko nagpapaliwanag sa kanya at kulang nalng makarating sa supreme court ang aming pinagtatalunan..naiisip ko nga baka makarating sa senado itong problema ko sa kanya at tutukan ng buong pilipinas sa telebisyon..ewan ko lang pero abangan….

ang araw na kinatatakutan ko..
call time ko is 9:00 nang umaga para sa  last interview ko.,syempre excited ako at natatakot..todo porma ako nun para mag pa impress sa interviewer.nanghiram ako ng damit sa tropa ko..polo long sleeve hiniram ko kay serg.slack hiniram ko kay al.sapatos na balat hiniram ko pao..at underwear hiniram ko kay _________..hahaha.joke lang lahat syempre yun…polo lang hiniram ko..medyo fit pa nga yun kasi payatot yun hiniraman ko pero ayus pa din kasi binili nya dun sa mall daw..sa 168 mall daw syempre ako noon hindi ko pa alam yun kung saan yun kaya sabi ko..”pare ang sosyal mo na pala”..ngayon ko lang narealize na sa tiangge lang pala yun..maaga ako umalis kasi inanticipate ko yung traffic kasi sabi tita ko baka daw matraffic ako hindi ako matanggap..habang nasa bus ako pinag iisipan ko ang mga isasagot ko sa interviewer at yung mga prinaktis namin ng tropa habang nag iinuman kami..natatawa na lang ako sa sarili ko..eksakto alas 7:00 ako dumating at fresh na fresh pa..pag akyat ko sa 24th floor ng exportbank mas lumakas ang kabog ng dibdib ko parang may gustong kumawala..walang katao tao sa office nila..nakita ko ang babaeng guardiya.tinanung ako..”gud murning ser..haw ken i hilp you?”tama! nag eenglish ang guardya dun kahit sablay ang pronounciation.syempre di ako papatalo dun “i am looking for mr.javier”with sobrang slang na accent..tumingin tingin ang guardya sa paligid nya..at nabigla ako sa sinabi nya..”ser wala pa po.mamaya pa 9:00 dating nya..” nagtagalog na nga sya siguro naubusan na at yun lang ang alam nya.hahahaha..sabi nya pasok daw ako at maghintay nalng duon…nagbasa ako ng mga magazines pra masanay ako sa pag sasalita ng wikang ingles..
lumipas ang oras,napansin ko matagal tagal na din ako umuupo sa waiting roon na yun,.sobrang aga ko pa tlaga..pag tingin ko sa cellphone ko 7:30am palang..sabi ko isa’t kalahating oras pa hihintayin ko..naglalaway nako kasi gusto ko na mag yosi pero nilabanan ko ito kasi baka bumaho ako at maalis yung pabango na inilagay ko noong umaga(johnson and johnson na kulay blue) parang amoy baby lang.hehehe.
masakit na likod ko kakahintay sa mag iinterview sakin..sobrang tagal.tumingin ako sa cellphone 8:52am.sabi ko sa sarili ko sandali nalng at matatapos na ang araw ko,iniisip ko kung uuwi bako ng probinsya na luhaan or magkakaroon ako ng trabaho dito..marami akong naiisip na katarantaduhan sa isip pero parang bastos eh kaya nxt time ko nalgn sasabihin sa inyo..naiisip ko din na pag bumalik ako sa bahay namin sa bikol na luhaan maraming tatawa sa ginawa ko,klasmeyts ko.si clarissa bianca mga kapatid ko at lalong lalo na yung pusa na tambay sa likod ng bahay namin..lagi ko kasing kalaban yung pusang yun syempre nga dahil aso ako ng lola ko..minsan nga dinilaan nya pako nung lasing ako at nadapa ako..bwiset tlga yun.buti nalng hindi ko sya hinuli para gawing siopao.
..maraming dumating na tao.mga naka pormal din..hindi ko na namalayan ang oras,matagal tagal na din pala akong nakaupo doon.oras ang binilang ko hindi pa rin natatawag ang pangalan ko,scheduled ako ng 9am pero wala pa rin tumatawag sakin.nagsimula akong magtanung tanong sa ibang naghihintay din.for final interview din sila pero di pa din natatawag..nagtanung sila..saan kol center ka galing..syempre sabi ko wala sabi ko fresh pa from probinsya.nagtanung ako kayo? maraming silang isinagot sakin di na mabilang ang call center na pinasukan nila..lumilipas ang oras ng namalayan ko nagkkwento nako sa buhay ko.parang katulad lang nitong ginagawa ko nagyon..11:45am.
to to tot to tot…
to to tot to tot…
to to tot to tot…
(nattandaan mo pa ba yan kung anu ibig sabihan nyan?)
nagtxt ang tropa ko..nagtatanung kung anu nangyari sa interview ko..hindi ko na sinagot kasi bc ako kakakwento ng talambuhay ko..nakakaramdam nako ng gutom at sumasakit na din ang tiyan ko kasi isang pandesal lang at kape ang kinain ko pero busog na busog na ang aking mga mata sa kakatingin ng mga chikas doon sa office nila..
..natigilan ako ng may tinatawag na pangalan pero wala pa rin ang pangalan ko..nanahimik nalng ako sa isang tabi para ireserba ang natitirang lakas sa interview ko..
11:59 am

“JAY AARON TECSON!!!”

“JAY AARON TECSON!!!”

sa wakas may tumawag sa pangalan ko,isang lalake na gwapo at matipuno ang nakipag kamay sakin(naisip ko motto ni aj).medyo malambot kasi siya).syempre ang inyong lingkod nag pasikat din..tinanung ko sya “hey how are you doin’ sir?” sumagot sya “im good.thank you..”
sabi nya din.. ” sorry to keep you waiting..”i said “its fine,not a big deal for me..(syempre pa impress agad ako at nag pakitang gilas sa wikang ingles,,kulang na nga lang pakita ko talent ko na kumakain ako ng buhay na manok habang tuma tambling sa ere at sabay nag yoyosi..)”
“have a seat..” sabi nya
sabi ko naman “thank you.have a seat as well..”
papatalo ba naman ang inyong lingkod..di noh..
kumakabog ang aking dibdib sa mga oras na yun..naiisip ko na ang mga pangyayari sa ibang call center na pinag aplayan ko..iniisip ko baka ganito din ang set up..magtatanung ng buhay ko at pagkatapos ibabagsak din ako..
inalis sa isip ko ang negativity..
inisip ko positivity..
“tell me about yourself..?”
yan ang unang tanung nya sakin..
ako naman walang kasabit sabit na sumagot sa kanya..pero ang hindi nya alam kinabisado ko na ang mga pwedeng itanung nya..walang nasabi yun nag interview sakin.
“why should we hire you?”
ganun parin..sabi ko “ehem..yada yada yada..” smooth ang pag ka deliver ko ng sagot ko sa kanya..wala sya nasabi..
para bang bang nag ti-theater play lang kami na kabisado ko script ko..
hahaha
“what made you decide to work in a call center and stop your schooling,do you have any plans of going back?do you have any idea of the position that you are applying for?..”
..PATAY!!! walang ganun sa pinaraktis namin..english barok nako ng mga oras na yun..
“eh ah oh..amm..you know..yeah..”
may mga times na kinorek nya ang mga grammar ko..napahiya ako syempre doon,maiyak iyak nako kasi halatang sablay nako sa trabahong ito..
last question nya..
“if i will not hire you,would you cry..” sabi ko “yes…”
sinabon nya ako..pinagalitan sinermunan at maraming sinabi sa kin na kung anu anu pero ang hindi nya alam umiikot na sa ere ang utak ko at nakikita ko na ang pwedeng mangyari pag uwi ko.isang luhaan nanaman ako…nawala na lahat saking..syota ko iniwan ako at pati sa trabaho ba naman malas pa rin ako..
ang huling narinig ko sa sinabi nya
“………..ok?” sabi ko “yes…”
sabi na lang nya “congratulations,welcome to the company..i’ll give you chance to work here as a probationary but dont forget………….”
bago pa man natapos yun sinasabi nya
sakin umabot na ng tenga ang ngiti ko..
marami syang instructions pero abot ang pasasalamat ko sa kanya for giving me a chance..
tuwang tuwa ako sa mga oras na yun,halos sumigaw ako sa office nya..
parang gusto ko sya yakapin at linisin ang sapatos nya sa sobrang tuwa ko..maraming thanks you anfg nasbi ko sa kanya..pag labas ko ng room halos ipa mukha ko sa mga naghihintay na im part of the company na at angas na ng dating ko…hahahaha..
sa baba inubos ko na ang pera ko sa load..
tumawag ako sa nanay ko abroad..
nagtxt ako sa mga kapatid ko at sa mga tropa ko na rin..syempre tinxt ko din sa sobrang tuwa si bianca..ooooy!!
maraming reply..
“congrats………”
“congrats………”
“congrats………”
“congrats………”
“congrats………”
“congrats………”
“congrats………”
“congrats………”
“congrats………”
nagyoyosi ako sa baba at may isang ale na humihingi ng limos..syempre sa sobrang katuwaan ko binigyan ko sya ng sampung piso..nagpasalamat ang ale..
tin tin tin tin tin tinenet tinenet tet tet..
tin tin tin tin tin tinenet tinenet tet tet..
tin tin tin tin tin tinenet tinenet tet tet..
(syempre di nyo alam yan..tunog ng cellphone ko pag may tawag..)
tumunog ang cellphone ko..
nanay ko..tumatawag…
“hello ma, bakit po?”
tinanung nya ako kung mag aaral pako syempre sabi ko oo..we’ll never know..
tinanung nya ako kung may pera pako sabi ko wala..tpos sinabi ko na din na wala ako dalang damit at pang asikaso ng requirements,nag paawa epek ako..sabi nya sige magtrabaho ko pero magtapos ka pa rin..at syempre mas natuwa ako sa sinabi nya sakin nung huli..may dadating na pera sayo bukas pina dalhan na kita pang allowanse mo at pambayad renta ng uupahan mong bedspace sa makati..natuwa ako at doble doble ang katuwaan ko ng araw na yun..

..alas 6:00 ng gabi na..hindi pako umuuwi at maskit na din ang paa ko sa suot kong balat..nagtxt na ang tropa ko na hinihintay ko para pumunta kami sa bahay nila at mag iinuman kami at para icelebrate ang aking pag katanggap sa trabaho..100 nalng pera ko noon at dahil sa malayo pa sweldo wala din pera ang tropa ko..
binigay ko sa kanya 50 para makainum lang kami nung araw na yun..kasi iniisip ko may dadating naman sakin pera bukas.
isang gran matador ang pinag saluhan namin ng tropa ko nang gabing yun..
hindi pa rin maalis sakin ang tuwa sa mga nangyari sa mga araw na yun..

nakatulog na ang tropa ko..
ako naiwang gising at patuloy na iniisip kung anu mga pwedeng mangyari sa mga susunod na mga buwan..di ako makatulog sa tuwa..nag isip ako kung anu pwedeng gawin..
eto nanaman tayo…

1.paghiwalay hiwalayin ang asukal,creamer at yung kape ng isang 3 in 1 coffee sachet..

2.mag hugas ng mga pinggan at pagkatpos ay dumihan ulit ito..

3.matulog ng dilat ang mga mata..

tok tok tok turaok
tok tok tok turaok
tok tok tok turaok
tok tok tok turaok
(hulaan nyo nga kung anu ibig sabihin nyan?)

sa isip ko lang naririnig yan kasi naman wala naman may manok dito sa makati kaya walng ganyan.sa probinsya lang ata uso yan..

(sa tingin ko boring ang sinulat ko ngayon..madami pa kasi ako iniisip ngyon..)hanggang sa muli nalng..
i am running out of idea…

<<<<<<<<fast forward>>>>>>>>>>>

lumipas ang minuto,oras,araw,linggo at buwan..marami akong naging kaibigan sa WEST corp..si bobby,si yanna,si ashley at marami pang iba..napunta ako sa team na malufet.no.1 team ng buong program…pero aside from that wla ng iba..yun lang,walang tropa,walang bonding puro boring kasama..
..sa aking pag iisa lagi may nakilala ako..si trish..patricia sevilla ang buong pangalan..bombshell ang katawan tpos mabait,sikat sa floor,maaalalanin, basta walang tanungan ng itsura kasi mabait nga sya..hahahaha.may bf siya ng ilang taon na at magkasama sila sa program.si derek..pangalan ng syota nya.. hindi ko sya kaibigan or tropa pero hindi rin kami magkaaway..nag away lang kami ng malaman nya na lagi na kami magkasama ng trisha nya..hahaha..dumaan ang mga araw.lalo kaming naging close ni trisha..meron pa minsan na saakin sya tumatabi kesa sa bf nya..ewan ko nga ba..nag open sya na bading daw ang image o tingin ng mga tao sakin sa floor kasi masyado daw akong loner..hindi pala pansin at suplado.. hindi nila alam kaya ako ganun kasi technique ko yan..suplado effect parang si vic sotto lang..ewan ko kung epektib yun pera meron naman isa si trisha na nabiktima nyan..naging patago ang relasyon namin ni trisha..pero sabi ko hindi tama ginagawa namin kaya hiningi ko na hiwalayan nya ang bf or hiwalay na kami..pumayag sya,ewan ko parang ang gwapo gwapo ko pero ang alam ko hindi naman tlaga ko guwapo sabi sabi lang ng nanay ko yun..dumating ang araw na naghiwalay sila..nung naging official na kami na nag isip ako ng tawagan naming dalawa..inisip nya honey,baby,tart at marami pang iba..sabi ko naman wag nalng ganun..sabi ko para maiba “sir or maam” , “ate or kuya” para naman maiba at hindi halata.try nyo kaya..

maraming nangyari samin ni trish at alam nyo na yun..sa cubao.sa alabang,sa pasay at kung saan saan pa..si trish ang tipo ng babae na masyadong adventurous kaya naluma yung mga alam kong missionary epek lang..ewan ko..si trish ang nagmulat sakin sa maynila.sa dami naming pinuntahan at sa dami namin sinakyan..unang sumakay ako ng mrt syempre hindi ko alam.maraming nakapila sa at nung dumating yung turn ko na ipapasok na yung ticket mo doon sa churva nagkaroon ng disgrasya..nahulog yung ticket ko at nanginginig kasi ako kulang nalng tawagin ko lahat ng santo,yung mga tao naiinis na kasi sobrang tagal ko ipasok yung ticket ko at to the rescue naman si trish ko at tinulungan nya ako nahihiya ako pero okay lang wala naman pinanganak sa mundo na alam ang gagawin agad,lahat dumadaan sa ganyan,yan nalng inisip ko…nalula ako sa sobrang pagka gimikera nya..araw2 na ginawa ng diyos ganun kami..1-9pm ang shift namin doon at halos 4calls a day lang ang natatanggap naming tawag sa WEST corp at eto pa naalala ko kaya pala ako binigyan ng chance ni mr.javier kasi magbabasa lang naman pala ako ng script..lahat scripted..kahit nga tulog ako kabisadong kabisado ko na ang script namin..lahat yan meron script..pag namura ang si customer pindutin mo ang f5 sa isasagot mo..kelangan verbatim doon,dock off pag ikw ay sumuway…
3 buwan na walng absent at late..believe it or not..walng absent at late..except nung 4th month ko na nagkaskit ako..umuwi nanay ko nun from abroad.sosyal diba!? pero hindi sya umuwi kasi nagkasakit ako at aalagaan nya ako..umuwi sya dahil meron syang mga papel na aayusin para sa mga kapatid ko na graduate na..dadalhin nya sa abroad..ang sweet diba..pero yun nga..ilang linggo din akong may sakit noon at si trish lang ang nag alaga sakin noon kala ko nga sya na ang aking mapapangasawa pero hindi rin pala magtatagal relasyon namin basta nung na terminate ako ay resign pala kasi nung iseserve na sakin yung termination inunahan ko na magsalita yung HR na sabi ko na merong pagmamalaki… I RESIGN…
MAY 2007
5:00pm

isang hapon na wala nako trabaho..parang ordinaryong araw nalng..naisipan ko linisin ang kwarto ko pero i just closed my eyes and wait until the feeling is gone..ganun lang..
kaya kung sinisipag kayo ganun lang..nagpalipas ako ng linggo bago nag apply ng panibagong trabaho.syempre mas confident nako kasi may experience nako..
linggo ng magsimba ako sa quiapo na ako lang mag isa..(tama ang nabasa nyo nagsisimba ako)dati yun ang motto ko magsimba kahit puyat pero ngayon hindi na.. ” kapag hindi ka kayang mahalin ng crush mo,,patikim nalng kamo…”
yan ang motto ko..hahaha..
mag isa kong tinahak ang quiapo ng mag isa..nanibago ako sa lahat parang hindi ko alam yung mga dinaanan..naalala ko sinabi ng tropa na lahat ng pasahero doon lang bumababa saka sabi niya isa lang ang bus na papuntang quiapo yung mga may star na kulay blue at PVP yung nasa unahan..tiningnan kong mabuti yung bus..tama naman ang aking sinakyan pero nang sinabi ng konduktor na dito nalang po kami..nagbabaan lahat ng tao..tinanung ko yung konduktor sabi ko QUIAPO po? sabi naman nya lampas kana iho.di mo ba napansin yung simbahan kanina? sabi ko hindi po..sabi nya recto na ito hindi ko masyado alam ang lugar na iyon kahit tumira kami doon sa saglit na panahon nung mga bata pa kami..nakita ko yung FEU campus doon at naglakad lakad ako..marming tao sobra..sabi ko sa sarili ko nawawala na ata ako parang gusto ko na nga baliktadin ang t-shirt ko para makabalik ako sa tamang daan..lakad ako ng lakad..lakad ng lakad at lakad ng lakad..nabigla nalng ako ng biglang may sumigaw na matanda..
“AKO ANG DAAN PATUNGO SA PARURUONAN,ANG SUMUWAY AY MAMAMATAY..”
natakot ako syempre sa sinabi ng mtanda pero nag iisip parin ako kung susundan ko nga ba sya o hindi..naguguluhan ako ng biglang..
tak tak tak tarataktak tak
tododon dondodon todo dodon don dodon..
(hahaha.hindi nyo alam yan.tunog ng bago kong cellphone syempre polyphonic na noon umaasenso na ko)
nagtxt tropa ko..sabi ko buti nalng nagtxt ka sinabi ko kung asan ako,sabi ko MINISTOP sa labas malapit FEU..sabi nya lakarin ko daw ng diretso at makikita ko nalng ang quiapo church..ginawa ko ang sabi ng tropa..
habang naglalakad marami akong nakikita pulubi na may dalwang lata..oo dalawang lata..nagtanung ako bakit po dalawang lata? “sabi nya..iho ganito tlga..umaasenso na,nakapag bukas ako ng bagong branch eto ang isang lata bago pa diba..” syempre joke lang yun diba..habang naglalakad marami akong nakikita at napapansin sa paligid.
pamparegla at kung anu anu pa..
arthritis,rayuma at gamot sa kidney..
marami rin nagtatanung sakin
“ser,papagawa kayo?”
sa isip ko ng anu..itinuro ako ng lalaki sa isang banda..mga ID pala na peke..sabi ko hindi at dumiretso ako sa paglalakad ko…narating ko ang quiapo church na pinagpapawisan nako..agad akong pumasok sa loob para makapagsimba..grabe ang daming bata sa loob at naghahabulan pa..mga madudungis at mga nagtitinda ng kung anu anu..tiningnan ako nung bata at iniabot ang isang kwintas na may mukha ni jesus christ..tinanggap ko ito at bigla akong siningil ng batang paslit..koya bente lang po yan..ibinalik ko ang kwintas sa kanya pero ayaw nyang tanggapin..biglang umupo ang bata sa harap ko at naglumpasay.nahiya naman ako sa mga tao at binigyan ko nalng bente ppara matigil na..sabi ko ganyan pala dito mga modus ng mga bata..grabe..
ding dong ding dong
ding dong ding dong
ding dong ding dong
natapos na ang misa at agad akong lumabas para makauwi na..may isang matanda na nag abot ng rosaryo sakin..sabi ko sa sarili ko hindi nyo nako mabibiktima ng modus operandi nyo alam ko na yan…nag mamakaawa ang matanda at sabi kahit magkanu nalng ser ibigay nyo..meron akong sampung piso barya noon kaya napilitan akong kunin ang rosaryo na binibigay nya at ibinigay ko ang sampung piso sa kanya..nabigla ako ng hawakan nya ako sa braso,ser, kulang po ng bente.trenta po yan..anak ng _______!!! nabiktima nanaman ako..kaya lang ok lang kasi kakagaling ko lang sa simbahan ayoko magkasala agad ng mga oras na yun,no choice,binigyan ko sya ng bente pa..natuto na ko ngayon..kahit sabihin libre ang produkto na hawak ng tao sa quiapo wag mong kukunin kasi pagbabayarin ka din naman nila sa huli..
natapos ang araw na yun na bote ng alak ang hawak,,inuman kami ng tropa ko sa bahay nila..
<<<<<<<<<<<<fast forward>>>>>>>>>>
im running out of kwento..

…..nandito na ulit ako..pero bago ko simulan ulit ang sinusulat ko nais ko lang i test ang mga IQ ng tagapagsubaybay ko..pag naka sagot kayo ng isa pwede nyo ipagpatuloy ang
pagbabasa..

1.kung may 3 kapatid si prince charles the third at ang pangalan ng kapatid nyang isa ay prince charles the second sinu/anu ang pangalan ng panganay nila.?

bonus:
*magbilang ng sampu sa isip..

may 12 2008
sa ganap na alas 9 ng umaga..
..naka jeans lang ako nun nag apply ako..hindi ko alam kung saan ako mag aapply noon sabi nila convergys daw pero takot ako sa mga interview dito sa convergys noon kaya hindi ko tlga pinilit ang sarili ko,may nakapag sabi ICT daw sa RCBC 18th floor..agad kung tinungo ang kanilang opisina..1 day hiring daw..on the spot din hired ako..wala nakong kahirap hirap kasi parang alam ko na pasikot sikot ng bituka ng mga HR doon..
nag training ako 1 buwan at 2 linggong nesting..mabilis lumipas ang mga araw at buwan..
<<<<<<<<<<fast forward>>>>>>>>>>>>>
“you have the rights to remain silent,anything you say will be use against you” wika ng aking katabi nag kokols..si tonio..antonio abesamis ang tunay nyang pangalan..sobrang naging tropa ko si tonio kasi parehas kaming iniisip lagi..pag uutot sya uutot din ako..sya din ang nagmulat sakin sa mapait na mga alak sa kanto kanto..halos lagi kaming magkasabay ng uwian at pasok.mag ka team kami..team ciellee..masaya ang team syempre andun ako..hehehehe..
si tonio din ang nagmulat sakin bakit ganito ako magtawag ngayon.puro katarantaduhan lahat..e kasi hindi kami cust care doon at wala kaming csat..pag galit ang customer,pwede ka din magalit…
cust: where are you located?
tonio:in front of my monitor ma’am
cust: no! you’re lying
tonio: no ma’am i am sitting..

cust: where are you located?
tonio: dallas,texas ma’am.
cust: where did you attend grade school?
tonio: in dallas elementary school ma’am.

…mga kols na ganyan..kaya hindi kana magtataka kung marinig moko nagkokols na ganyan..si tonio din ang nagmulat na pwede kaming gumawa ng libro dahil mahilig din syang magbasa ng libro ni bob ong at sabi nya pwede kaming sumikat dahil doon..nagsimula ako magsulat ng mga kwento kwentong barbero..pero parang nahihiya ako ipabasa sa iba kaya itinago ko nalng..madami dami na rin akong naisulat mga walang kwenta nga lang..siguro kasi natuto ako magsulat sa mga teacher ko nung grade school…
pagkatapos ng bakasyon laging may pormal writing yan..
“class,write a formal theme about your vacation.”
“class,write a formal theme about your yourself.”
“class,write a formal theme about your christmas.”
“class,write a formal theme about your new year.”
ako naman mga title ko..
“who am i?”
“my christmas experience..”

mga ganun..si tonio din lagi ko ka jam pag nag gigitara kami..pag nagluluto..pag naayos ng electric fan pag nag aayos ng piano,ng kalan at ng kung anu ano pa…
sya din ang nagmulat sakin na pwedeng magdala ng boy bawang,muncher at mga korniks pag mag iinuman.paalam na tonio..namatay na si tonio.:(
pero bago sya namatay nabulag muna sya..
nabulag sya sa pag inum  ng kape,kasi pag inum nya ng kape hindi nya inalis yung kutsara kaya natusok sya sa mata..namatay din sya sa kagat ng langgam sa paa kasi tumatawid sya ng kagatin sya ng langgam at nung kinamot nya nabundol sya..
maraming salamat kaibigan,,,
marami akong natutunan sayo..
sa tagal ko sa kol center  marami akong  natutunan at napansin sa mga nagtatrabaho dito:

signs na kol center agent ka…
1. dahil halos di na kayo nagkikita ng nanay at tatay mo, an tawag na nila
sayo ay “boarder” at sinisingil ka na nila sa upa mo! (uy magbayad ka na delayed kana ng isang buwan!)
2.pag sa sagot ka ng telepono, lagi na lang may opening spiel…exampol :
ring ! ring ! ….tenk u for calling (the company) this is (your name) how
may i help you?
3. eksperto ka na sa power nap, yung mga 15min break nyo, itinutulog mo na
lang…para fresh pagka kolls uli, mya na yung 1 hour nap…
4. di mo na alam bumiyahe pag may araw, nalilito ka bakit andaming tao, at
bakit di na dumadaan ang dyip dun sa mga kalsada na 1 way….
5.mas sanay ka ng matulog ng nakabussiness attire…or naka sapatos..
6. sanay kang maglaka-lakad ng nakamedyas.
7. an tawag mo sa mga friends mo…dude,tsong, coach, tl, sup. boss saka brod din pala kasi yan tawag ni kate sakin eh.
8. di na dugo ang dumadaloy sayo, kape na o iced tea o coke. nung nagpaospital ka ang nilagay
sayo dextrose na my instant coffee.
9. sanay kang makipagusap kahit tulog…pagtinanong ka ng kahit ano, tama
ang sagot mo…ummmm naghihilik ka pa..
10. tadaaaaa! nag sasalita ka sa pagtulog mo, pati kols mo napapanaginipan
mo, at minsan, sinampal ka ng kapatid mo dahil nagsisigaw kang sup call! sup
call! sup call!

11. pumuputi ka na dahil di ka na naaarawan.

12. sanay ka nang matulog kahit maingay sa loob at labas ng bahay nyo.

13. kinalimutan ka na ng mga kaibigan mo dahil existing ka lang pag tulog na
sila.

14. sanay ka na sa mga prank callers at mga death treats na nakasulat lang..
sa dami ba naman ng ma-encounter mong ganito gabi-gabi sa trabaho eh.

15. di ka na sanay sa traffic. papasok at pauwi sa trabaho walang traffic.

16. di na tama ang oras ng pagkain mo. breeakfast mo ay hapunan na. lunch mo
sa madaling araw. dinner mo pag uwi mo sa umaga.

pag Rest Day mo naman at natulog ka sa gabi, magigising ka pa din pag
madaling araw na. iba na ang body clock mo. kaya ang ginagawa mo mag friendster or facebook nalng pag gabi o di kaya naman DVD marathon.

17. lahat ng kasabay mo sa jeep pag papasok ka, pagod na. ikaw lang ang
bagong ligo at bagong gel pa.

18. maski sa bahay, mabilis kang kumain. sanay kang kumain ng kanin sa 5min restroom mo.

19. hinde ka na kilala ng aso at pusa  nyo.

20. nasusuka ka na pag nakita mo ang computer at telepono sa bahay nyo..

21. pag payday… olats lahat sweldo ng mga kaklase mong board passer. (8k per month lang si la) i sang kinsenas mo na yun..

22. pag day off mo n lang ikaw nkakapaanood ng Eat bulaga at Wowowee

23. Nde mo na kilala ang mga bagong artista…. si pepsi paloma at yung mga boldstar dati lang..
24. di ka na maebs sa bhay, sanay ka na sa cr ng 5th floor or ibang floor.

25. gusto mo na ding maglagay ng alcogel sa banyo nyo..

26. ayaw mo nang pumasok sa internet cafe!

27. puro kalyo na wrist at daliri mo.

28. sanay ka na ding mag espanyol. gracias!

29. maglo-lock ka ng pc kahit sa bahay na. pag pndot mo ng CTRL + ALT + DEL
iba ang lalabas at matatawa ka na lang sa sarili mo dahil para kang tanga.

30. sanay ka ng kumain sa harap ng pc mo kahit nsa bahay…

31. papasok ka sa ofc na nka-jeans, tshirt na plain and chucks na cream-astig

32. mas malaki sweldo mo sa mga ka-batch mo, nagkakanda-kuba na sila sa trabaho nila.

33. puro ka-age mo mga ka-opisina mo,hindi lumalayo age gaps ninyo..

34. madalas k ng bumili ng boy bawang at corniks pag grocery day..
35.. pag nakakarinig ka ng Kaching!!! akala mo may mail ka na dumating. hehe

36.. pindot mo ilong nung tindera kala mo vendo machine…. isa nga coke syet
ilong pala yun! hehehehe… masama pa kung sa bumper na-pindot mo…. !

37. na inlove ka nsa kape at iced tea at sa katabi mo syempre…
38. marami ka ng naipon na microwavable container

39. at ketchup galing mcdo at jolibee

40. pag nagkukwento ka sa mga barkada jargon lahat. hindi kana maintindihan

41. pag gumagamit k ng cr,, d ka na nagpa-flush.. kc akala mo kusa n lulubog syet mo.

42. akala mo mo may sarili kang locker sa bahay nyo…..

43. sanay k ng magyosi o umidlip ng sbay.

44. dito ka na makakakita ng gf, bf, or asawa. wala ka ng time maghanap sa labas.

45. pag may problema ka sa pc mo, una mong ginagawa ay restart pc lang..
46. nag uuwi ka na din ng tissue sa bahay nyo kasi maganda tissue sa office nyo.

47. kala mo libre ang kape sa select o starmart…

48. pag nag cr ka…sanay ka na sa gripo na automatic at toilet bowl…

49.nag iinglish kana kahit sa bahay lang..

50. naka id ka pa kahit nasa jeep

51.. kaya mong tiisin na nde palitan ang damit mo ng 16 hours
52. Nasanay ka nang may katabing TL na hindi umuuwi. pagpasok mo nandun na.
paguwi mo nandun parin.

53. kahit may malaki kayong speaker sa bahay gusto mo pa din naka- earphones !

54. pudpod na tenga mo sa kaka-pakinig ng hold tune..
55. oO NGA PLA! DATI PAGNAGCOPY PASTE KA SA PC, GINAGAMIT MO ANG RIGHT
CLICK,
NGAYON, ctrl C AT ctrl V.

56. dati 1 word per minute ka kabilis magtype, mgayon 2 words per minute..
sanay kc copy and paste lang.

57. kahit sa bahay, mahilig ka na mag chenes, churba, chubaloo,anek anek at yagbadodols…

58. sanay ka nang matulog ng dilat ang mata…kasi d pwede pahuli

59. lahat ng style ng pagtulog….maiisip mo…

60. lahat ng kaibigan mo may christmas vacation, holy week, summer ikaw wala
61. yung ex mo may kasama ng iba

62. lahat ng holiday pumapasok ka kasi double pay malaki ang bayad minsan VTO nlang

63. d2 ka n sa opisina nakabili lahat ng gamit mo..

-2nd hand celfon

– 2nd hand pc

– sabon

– shampoo

-sapatos

– tocino

– longganisa

– hikaw

– magazine

– tv

– ref

– aso

– libro

– tshirt

– pants

– prepaid card

– vcd

– dvd

-yema

-pasta

-at tinapay ni aling chona

pati apartment d2 ka nakuha

64. d2 ka na nasanay kumain ng pagkain na luto sa microwave
65. gusto mo na din bumili ng water dispenser kasi pitsel lang ang nasa
bahay
nyo….

66. dami mo na naiipon na stirrer(red) at tissue galing starbucks kakabili ng kape.

67. nasanay ka nang mgpadeliver ng pagkain lalo yellow cab.
68. dito ka lang makakakita ng pinagsama samang tinda na :

medyas, vitamins, christmas lights, cologne. yosi, siomai at lahat ng klase
ng pagkain, relos, kalendaryo, stuff toys, make up, kikay kit, deodorant,
kwintas, sasakyan, camera, video, audio, foot spa , milk spa, bags wallet,
sinturon, mamon, hamon,

69. d2 ka na expose sa tapa king, zuppa, yellow cab, jugnos, brother burger,coffeebean, wendy’s. north park, star bucks,

70. di mo maenjoy christmas party/team building kasi kaylangan mo bumalik sa office dahil
may pasok ka pa.

71.tinutubig mo na ang san mig light or mga beer..
72. nanghihingi ka pa ng baon sa nanay mo kahit mas malaki sweldo mo sa
kanya..
74. kapag may crisis at rally… di ka makakasama… pakikinggan
mo na lang sa radyo

75. lahat na ng rason para umabsent nagawa mo na.namatay lolo na dati ng patay..parang reason lang ng bata..my mother was born yesterday(nanganak nanay nya)

76. dito sa opisina mo nararanasan na napakabagal ng oras!

77. d2 lang ako nakakilala ng mga taong ang tindi managarap…lalo na
pagdating sa maga babae

78. pantry na ang tawag mo sa canteen..hahahaha.

79.na expose kana sa comic sans na font type.parang ganito..

80.may makikita kang banderitas sa loob ng opisina parang piyesta..

81.may t-shirt kana ng account mo.

82.nanakawan kana ng kung anu-ano.

83.uso din ang pulitika at tsismisan..mga naiingit noh kate?

84.alam mo din ang hadouken at pitik kung hindi masyado ka pagod pag out mo..

85.natuto ka na ng subject verb agreement,pronoun,noun at marami pang iba..

86. nag aaway na kayo ng asawa/partner mo lagi

87.umiinum ka ng umagang umaga hanggang tanghali..

88.naka punta kana sa mga lugar na hindi mo napupuntahan tulad ng astorya,,hehe

89.pag team building pupunta kayo sa pansol.laguna or batangas..pwede din sa tagaytay para mag bulalo.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s