asawa, sawa, awa, wa, a, __

Posted: May 11, 2011 in Daily Service, Important and Serious Matters

tunay na nakakakilig kapag meron kang sinisinta…(dapat dalaga at binata kapa kasi pag may asawa na eh sabit tayo jan)

ang una nyong ibibigay sa isa’t isa ang ENGAGEMENT RING- na tunay nga naman nakakilig,

ang sumunod ay ang WEDDING RING – patunay na tunay ka ngang sinisinta kasi papakasalan ka.

at ang pang huli  ay SUFFER-RING – (sighs* alam mo na)

bago ko nga pala ituloy ang istorya ko kelangan ko na rin pala simulan ang kwento namin ng asawa ko..sa dami ba naman na nagbabasa nito laging hinahanap yung kwento namin o love story namin ng asawa ko nappressure tuloy ako at lagi nya tuloy akong inaaway kasi wala sya sa kwentong barbero ko pero eto na sisimulan ko na…
June 24,2007
around 9pm
sa BIOMETRICS
sa MEDICAL PLAZA
8th floor yata..
ang unang pagkikita namin ng asawa ko.noong una wala lang.hindi namin akalain noong araw na yun na kami pala ang magkakatuluyan..sa unang tingin kala ko may asawa na sya at may kasama syang lalaki at bading si adelbert the great guy at si _____(hindi ko maalala pangalan nya eh) bading na may balak na mag doktor..
hindi ko masyado pinansin si daisy noon kasi wala akong pakialam sa babae noon kasi may jowaers pako nun si trisha at kung nagbabasa tlga kayo alam nyo na ang sinasabi ko..
bago mo ipagpatuloy ang pagbabasa,sagutan ang mga susunod.kumuha ng isang pirasong papel.

1.)saan kami nagkakilala ni trish?
2.)bakit kami naghiwalay?

3.)mag bigay ng halimbawa ng mga ginawa namin ni trish noon..
nang makita ko sila daisy,si adel at yung bading ang inakala ko may medical exam din pala ang mga nagttrabaho sa SM..hahahaha.(yun din ang inakala saking ni daisy kaya mutual lang)hahaha
hindi ko masyadong binigyan ng importansya yung aking mga nakita sa loob ng BIOMETRICS kasi wala naman espesyal akong nakita doon kaya after ng medical examination namin ng tropa ko na si vaughn dumiretso kami sa bahay nila sa may c5 na malapit sa market at malayo sa office namin sa may RCBC 18th floor..
si vaughn ang unang kong nakilala..isang bassista ng isang banda at mahilig sa extreme sports..
ako naman ay mahilig sa musika at may konting alam din sa mga sinasabi nya kaya kami nagkasundo noon..natulog kami doon sa kanila nung unang araw namin sa trabaho..gabi ang trabaho namin or should i say training pala kaya nagpalipas muna kami ng oras(ooooy!!! hindi bading si vaughn…pero sa naaalala ko pag gising ko ay may nakapatong na ulo sa dibdib ko parang yung position ng babae sa pelikula after nilang mag anu..yung alam mo na..yung ginagwa ng mag sing irog.mag kasintahan.mag asawa at mag jowa..basta alam mo na sinasabi ko..yun nga nakapatong ang ulo nya sa dibdib ko..hindi joke lang yun..
7pm ng kami ay magising ni vaughn at dali daling naghilamos para pumunta sa office ng mga gabing iyon..8pm ang schedule namin ni vaughn ng training kaya kami nagmamadali..sa pag mamadali nagluto muna kami ng pansit canton na kulay green para sa aming hapunan..*(sweet..)

nakarating kami on time ni vaughn sa office at medyo natagalan lang kami ng hanapin namin ang room kung saan idadaos ang training,,sa aking pagkakatanda COLLOSEUM ROOM (mga panagalan ng room ay ang mga greatest landmarks ng iba’t ibang bansa)yung pinag dausan ng training namin noon(ask daisy for confirmation kung yun nga)..8:10 ng makarating kami sa sinabing room ng narrator kung nattandaan mo pa…
laking gulat ko ng pagpasok namin ay late na kami..lahat ng tingin ay nakatuon samin ni vaughn siyempre hiyang hiya kami sa first day ng training namin kasi lahat andun na at kami lang ang late..tumingin tingin ako sa paligid hanggang makarating sa likod ng kwarto..may nakita akong chicka-babes.maliit at sobrang cute..sinabi ko sa sarili na crush ko na ang babaeng ito..pagdating namin sa dulo kelangan namin mag clock-in at laging gulat ko ng may mag offer sakin na mag clock-in sa kanyang kompyuter..ang babaeng ang akala ko magttrabaho sa SM ay nandun din..inakala ko na baka sa SM tlga ako nag apply at bakit andun sya at doon lang ang training pero mali eh..may nakalagay naman sa labas na call center itong pinasok ko…si daisy ang tinutukoy ko.hahahaha.(patay tayo nito kasi kayo mapilit ikwento ang buhay ko.)
agad akong nag pasalamat at nagsabing “ikaw ba yun nakita ko sa BIOMETRICS?’
“oo” ang sagot nya
sideling mo pala ang pag kokol center noh..banat ng inyong lingkod.
“anung shift mo sa SM? sideline mo ito?” sabi ko..
e syempre joke lang yun baka batukan ako nun pag sinabi ko yun..ayon yun nga ang nangyari sa unang pagkikita namin..walang spark samin..mutual kami kasi ganun din naman sya walng spark din sa mga mata ko noon kaya parang wala lang..
nakalipas ang mga araw at linggo ng training namin.nakilala ko lahat ng batchmates ko..si adelbert yung great guy na kasama ni daisy nung una ko syang makita(siguro nagtatanong na kayo bakit great guy si adelbert..ang trabaho namin ay inbound collector ng GMAC mortagge at normal na ang mag process ng payment thru credit card or check over the phone..isang araw naka receive ng commendation si adelbert..sabi ng customer “adel is a great guy,he processed my payment over the phone” yun lang..ang ganda diba!?)si bading na hindi ko maalala ang pangalan..(teka si DINGDONG yata yun sa pagkakatanda ko habang isinusulat ko ito..sya ang may balak mag doktor..)..si ashbey na battered wife..pumasok sya minsan sabi nya binugbug daw sya ng walng kwenta nyang asawa(walang trabaho ang asawa nya.nag lalaro lang ng DOTA lagi)si mina na crush si pete(real name nya pedrito pero phone name syempre pete)si peter na engineer na now. si karl,si vaughn,si anu na HR na ng SUTHERLAND,si anu na teacher na sa DUBAI,si kwan na NURSE na,si ano at si ano,yung ang mga ka batch ko..(di ko na sila matandaan pero baka mamaya habang sinusulat ko ito matandaan ko na..abangan!!)

sinabi ko na kanina na may jowa nga si daisy ng mga panahon na iyon at meron din naman ako..
isang araw..nakitxt ako sa kanya sa training room kasi kelangan kong itxt ang jowa ko..sa hindi inaaasahan na pangyayari na i-send ko ang message ko sa jowa nya kaya nag away sila..nag sorry naman ako kay daisy pero yung reply ng jowa ko ay hindi na nya pinabasa sakin kaya masama loob ko sa kanya eh sinu ba naman hindi magagalit eh nag away sila dahil sakin pero wala lang sakin..hehehehe..
magkatabi kami lagi ni daisy sa bawat araw..nag sshare ng kompyuter at gumagwa ng activities lagi..minsan nga pag groupings hinahanap nya pa tlaga ako para maki group sakin kasi siguro ma epal ako at kala nila ako lagi lider ng grupo pero nagkakamali sila.ayun ako din nag explain sa unahan ng mga ginawa ko..no choice eh..
sa mga nagdaang araw..para napapansin ko excited nako magtrabaho hindi para magkita kami ha kundi para maki pag inuman sa tropa..ang totoo nyan kaya ako excited noon kasi inaasar na nya ako noon at bati na kami saka nakikita ko sa kanya na may spark na at dahil hindi na rin kami nagkikita ni trish noon nag ka spark na rin ang aking mga mata.takot siguro syang aminin sakin na may something na sya at syempre takot din ako saka may jowa sya at may jowa ako..napansin ko lang noon na obssessed na sya nung mag nail polish sya ng kulay green.(green ang paborito kong kulay simula noon kahit sa WEST corporation pa hanggan dumating sa ICT kaya napansin ko yung effort nya na mag pa impress sakin..lahat ng damit ko green hanggang sa sapatos pero nagyon kung mapapansin nyo laging plain colored short lang..diba? dumating din ako sa puntong stripe collar short ang nakahiligan ko pero hilig hilig lang kasi yan malay mo bukas ayoko na magdamit.hahaha.)
mga oras ang lumipas na hindi namin namalayan na magkahawak na pala ang aming mga kamay sa training room hanggang sa iyon na ang simula o hudyat..totoo ang sinabi ko hindi tlga namin namalayan na magkahawak na kamay namin araw araw at dumating nalng ang araw na hiniwalayan nako ni trish..wala nakong nagawa kasi masaya ako kaya hinayaan ko nalng si trish..galit na galit sya sakin noon pero hindi nako nagpakita..
ngayon ang problema natin ay ang boyfriend ni daisy na si daryll(ooooyyy…)mag 2-2years sila noon pero bago pa man dumating yun araw na yun pinagtapat ko na sa kanya na meron na akong nadarama para sa kanya at ganun din sya..sabi nya ayaw nya daw maging unfair kaya gusto nya i settle yung prob nya sa bf nya eh nagkakalabuan yata sila noon kaya ako ang pinili ni daisy.sakin sya masaya eh.naghintay ako ng mga panahun na iyon at binigyan ko sya ng palugit na hanggang birthday ko july 18 kung hindi kami,hindi kami so ganun yun usapan..hindi pa man dumating at malayo pa man yung araw na iyon ay official na nakipag hiwalay na sila sa isa’t isa..e syempre natuwa ako noon pero may halong takot.tinatanong ko ang sarili ko bakit? pero wlang sumasagot..naging masaya kami sa bawat araw na magkasama,,after shift nagsisimba sa baclaran at quiapo kaya ang motto ko dati noon kung natatandaan nyo pa ay “magsimba kahit puyat” ngayon iba na eh..pero secret lang..(narinig ko lang kanina.speaking of motto na rin lang..”if symptom persist,consult your doctor”-gandang motto diba..try nyo..)
.dumating ang araw na nag resign si daisy sa pinapasukan namin kasi nahihirapan na daw sya at siguro nakigaya lang sya sa mga umalis na mga tropa..biruin mo 30 kami nag umpisa sa training tpos ang natira ay lilima..galing no..pinayagan ko sya umalis kasi may kasibahan naman ako noon na pag nahihirapan kana edi itigil mo na..parang paghinga lang din..kung may asthma ka at nahihirapan kana huminga edi itigil mo na..inspiring..
isang linggo nakalipas naghanap ulit si daisy ng mapapasukan na malapit sa office ko.sa RCBC din ACCESS worldwide ang pngalan ng company nya so naging ganun kami sa araw araw.hintay hatid kain tpos uwi..
ganun lang..(syempre confidential na yung mga ginawa namin..yung mga anu..ginagawa ng mag jowa..lam mo na yun..alangan ikwento ko pa na may nadagdag na sa alam kong missionary..spoon ang natutunan ko..search nyo sa internet..dali..)
5 buwan din ang nakalipas at sobrang tagal na namin noon kasi di ko inakala na ganon na kami katagal noon pero trulala kami sa isat isa..
pumunta si daisy isang araw sa bahay..malapit na ang pasko at mag aanim na buwan na kami noon ng bigla syang may sinabi na nanahimik nalng ako..
buntis pala si daisy ng mga panahon na iyon at hindi namin alam ang gagawin namin sa mga oras na iyon..naisipan nyang ipalaglag si marley(pangalan ng anak namin.i named her after bob marley kasi idol ko sya matagal na.)…pero sabi ko hindi..itutuloy natin yan..desidido ako ng mga panahon na iyon kasi hindi mo maitutuwid ang isang kamalian sa isa pang kamalian…nag pasya akong ipagpatuloy ang aking nasimulan..hahaha..
<<<<<<<<<after 1 year>>>>>>>>>>>
nagkaanak nga kami.si marley -mckeila  haley “marley” tecson ang tunay nyang pangalan.. sobrang tuwa ko sa pagkakabigay sakin ng anak ng asawa ko..sobrang kamukha ko kaya ang ganda ganda tlga ng anak ko..(kokontra ka!? gumawa ka rin ng sulat mo..)..anak ko ang nakapag pa bago sakin..magkahalong saya at tuwa ang nararamdaman ko araw araw pag nakikita ko si marley..
maraming minuto,oras,araw,linggo at buwan ang nakalipas…
wala lang..
galing ng sinimulan namin noh!?..
hanggang ngayon sinusuportahan ko silang mag-ina ko..at ganun si daisy sakin..suportado nya ako sa lahat ng ginagwa ko..in fact sa lahat ng pinakita kong talent ayaw nya..

una..nag try akong i discover kung may future ako sa pagsasayaw kaya lang sabi nya kadiri daw saka nagalit sya..(may kasayaw kasi akong ibang babae..)itinigil ko ang pangarap kong iyon..
pangalawa..nag try akong kumanta kung meron akong talent doon..pero parang wala yata kasi ayaw nyang maki duet sakin nung “endless love” kaya itinigil ko na din..(maganda kasi boses nya,ang lamig para kang nasa igloo pag narinig mo.)
pangatlo..nagbasketball ako,sa katunuyan nag laro ako sa ICT sa company namin noon pero nagalit na naman sya,actually sobrang galit nya doon sa ginawa ko kaya itinigil ko nalng..(may chix kasi ako noon si tin pero 1 day affair lang kasi itinigil ko agad kasi alam kong mali saka yoko mangyari sa anak ko yun,bad yun..)
pang-apat..nag billiard ako..pero sa tuwing maglalaro ako at babalik ng bahay hindi na nya ako papansinin..ewan ko kung bakit..ask mo sya..
pang lima..nag gitara ako..kala ko yun na kasi hindi sya nagalit noon una pero ngayon nagagalit na sya..pag nag gigitara ako..ewan ko..

pang anim..itong pag susulat ko..kala ko maganda ang sulat ko pero sya pala ang no.1 kritiko ko..hai naku..e kasi naman wala daw sya kasi sa mga sinusulat ko..sabi ko naman i am saving the best for last..palusot 101.. lam mo na..

ewan ko kung anu talent ko uminum nalng siguro ng alak ang maipagmamalaki ko at saka yun anu ko..hmmmmmm.
yung anak ko syempre…

madami na kaming pinagdaanan ng asawa ko..sa katunuyan dati pag nag titinginan kami puso ang lumalabas e ngayon kuryente na pag nag sasalubong ang aming mga mata..
pero takot sya sakin syempre..
sa katunuyan pag galit sya,sya pa ang unang lumuluhod sa akin..(lumuluhod sya kasi sinusundot nya ako ng walis sa ilalim ng kama..)
nag pa-tattoo ako para makita ng tao astihg ako pero nagalit ang asawa ko nito kaya hanggang ngayon pag binubugbog ako sa tattoo ang tama kaya pumuputla na..hai naku..
sa lahat ng yan sabi nya pag sinasaktan nya ako sya ang unang nasasaktan..nasasaktan daw ang kanyang kalooban..
sumila noon..ako na ang batas ngayon..ako na ang taga pa tupad ng batas pag dating sa anak namin..
(sya lang nga ang taga gawa ng batas)..nga pala dati rati pag nag holding hands kami kinikilig ako pero nagyon pag ginagawa namin iyon self defense nalang..
yan ang storya namin ng asawa kong sobrang sexy,maganda at iginalang ko ng sobra sobra

(syempre pag umangal nanaman ako bugbog nanaman ito kaya yun..)..

( TO BE EDITED SOON……….)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s