galing kay tropang chax camantigue…

Posted: May 11, 2011 in Extra Service

“Kulangot na Daigdig”

Bakit ba binibilog ang nakuhang kulangot?

Ano ba ang misteryo na dito’y bumabalot?

Mga siyentipiko kaya’y may eksplanasyon

Sa nakangingilabot bantog na penomenon?

Ito ba’y simbolo ng mundo na makapit,

Na sa dumi’t alabok ay parati ng dikit?

Bango ng basura at ang baho ng pabango

Masasabi pa ba sa langhap ng kulangot mo?

Samu’t sari ang klase ng kulangot sa mundo

May matigas, madulas, mabuhok at maabo

.Maaari ring puti, berde, o kaya’y pula(Pag taghiyawat sa loob ng ilong ay pisa na)

Sa panahon ng krisis, mapa-ubo pa’t sipon

Ang pagbagsak ng uhog ay tila isang talon.

Maaaring singhutin o kaya ay isinga,

Pwede mo ring lunukin at lasapin ang lasa.

Sa patagong pagdukot ng duming kulay lumot

Maaaring may itim (depende sa nasinghot.)

Ang pagtanggal ng bara ng gayo’y makahinga

Ay para ba sa buhay o sa iyong ginhawa?

Pagkatapos dukutin ay saka ipapahid Sa damit, sa pader o sa katabi ibahid

Ang sariling dumi ay sa iba ipapasa

Nang magmukhang malinis sa paningin ng masa.

Bakit ba binibilog ang nakuhang kulangot?

Ano kayang misteryo ang dito’y bumabalot?

Isa ba itong krimen na marami ang sangkot?

Na naghuhugas-kamay upang hindi madampot?

Kung lalanghapin na lang ang dumi sa daigdig

Ang lahat ng problema’y madaling makakahig

Ngunit ikatutuwa ba o ikalulungkot?

Kung malamang ang mundo’y bilog lang na kulangot?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s