isang mahabang araw…

Posted: May 11, 2011 in Daily Service

Isang kalabog at isang sigaw galing sa bata ang aking naririnig sa aking panaginip, mistula’y sa paningin ko ay napaka lapit

isang batang babae at isang batang lalake na sing gaganda at sing gu gwapo katulad ng AMA…hahahaha.

mag aalas nuwebe na ng umaga na magising ako sa mahimbing kong pagkakatulog dahil sa dalawang bata naglalaro sa aming kama..napaka kukulit ng dalawa ang isa ay sumisigaw at ang isa ay sumasayaw..ganun na siguro talaga ang pagiging isang AMA..

sinimulan ko ang araw ko sa pakikipag laro sa anak ko na si BOB at MARLEY

( 30th anniversary nga pala ni BOB MARLEY ngayon-tignan sa kabilang post ang tungkol dito)

gumawa kami ng video, nag wrestling at kung anu ano pang ikakatuwa nila at siyempre ikinakatuwa ko rin kasi nakakapiling ko ang aking mga anak at hindi lang yan, gusto ko rin kasing maglaro talaga dahil gusto ko maging isip bata pa.

natapos ang isa’t kalahating oras na pakikipaglaro at oras na para mag asikaso sa kinakatakutan kong pagtatrabaho, naligo, nag bihis at kumain. umalis nako sumakay ng taxi kasi mahuhuli nako sa opisina kung mag aabang pako ng Fx at agaran naman nakarating sa opisina ng ligtas at nasa oras..

isang napaka ordinaryong araw para sa akin..mga batian, kulitan, kantahan at dramahan sa aking pinaka mamahal na koponan na laging number one! (wow nag – rhyme)..

pinaka paborito ko sa lahat ng ginawa namen maghapon maliban sa pag tatrabaho at pag sagot sa mga tawag ng amerikano ay ang kwentuhan na walang hanggan, mga tuksuhan, tawanan at kung anu ano pa.

Lumipas ang segundo, ang minuto at ang oras na hindi ko na namamalayan na gumagabi na pala at dumidilim na ang paligid sa labas, isang senyales ito na malapit na matapos ang araw ko at ang araw namen ng aking grupo.

isa isa kaming nalagas sa opisina, si VAnnn ang nauna sa oras na alas siyete ang sumunod ay si kate na may jowang pulis at si lea na may jowa din na si jonas (miyembro ng aming grupo dati na IAGO) sa oras na alas nuwebe..aking napagtanto at naiingit sa mga lumabas na aking ka teammate kaya hindi nako nag sayang pa ng sandali at nag pa send nako ng VTO request sa aking napaka galing na TL..ilang oras din ang tiniis ko bago naaprubahan ang aking VTO..isang oras nalang sana at uuwe nako ng sabihin nila na ito ay TCO sa oras na alas onse trenta..hindi man ako labis na natuwa pero pinagtiyagaan ko na rin kesa sa wala..

mabilis akong kumilos para makaalis na agad sa opisina, nag hintay ng elevator at sumakay dito ng biglang ikinagulat ko at ng maraming babae sa elevator – kasama si gelo(isang kasamahan sa grupong CUERVO) ng biglang dumilim ang paligid, biglang nawalang ng kuryente at nakapaloob kami sa nasabing “elevator”..biglang may tumili, sumigaw at nag sabing “oh FUCK” (ako yun)..sumsikip at umiinit ang loob ng elevator..marami akong naiisip, kinabahan, naiinitan at tumutulo ang pawis at bigla kong nakita na yung pinto ay hindi pa pala nakasara..agad kong binuksan ang aking celfone para mag kaliwang at pinuwersang buksan ang pinto ng elevator(na parang animo’y si superman)…unti unting lumiwanag ang paligid at lumiwanag din ang mga mukha ng kasama ko dahil alam kong kinakabahan na ang mga ito…nakakatakot pero pasalamat pa rin at ligtas kami…bumalik ang kuryente, dali dali akong sumakay sa kasunod na elevator para makaalis na sa opisina..

sa wakas! nakalabas din ako sa opisina na parang hindi na babalik kinabukasan ang aking reaksyon..nag sindi ako ng yosi at dali daling naglakad papalayo sa gusaling pinapasukan ko..nag lakad ng naglakad..lakad ng lakad,,lakad ng lakad at lakad ng lakad ng marating ko ang sakayan ng bus..

sumakay na ako dito at agad nagbayad at para makapagpahinga narin ng maaga…habang tinatahak namen ang kalsada bigla nalang akong natawa ng mag away ang isang konduktor at drayber ng bus na sinasakyan ko..may mga pinag dadaanan yata sila pero naisip ko natural may pinag dadaanan sila kasi lagi silang nakasakay sa bus nila…

isang napahabang trapik ang nadatnan namen ng mga kapwa ko pasahero sa E.D.S.A. ( epifanio delos santos avenue <not sure sa spelling> ) sa kasaysayan, itong gabi ang pinaka mahaba kong biyahe pauwe na inabot isang oras.. pagod at unti unti ng pumipikit ang mata… nakarating din ako sa aming bahay..agad nagpalit at biglang nagising ng makaharap na ang aking kompyuter at andito na ako ngayon sumusulat ng kwentong ito…Natapos na naman ang isang araw ko..isang araw na napakahaba at wala na akong balak pahabain pa ang araw ko at ang kwentong ito kasi antok na ako…

o…sya…sya..mustasha!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s