bagong kaibigan…

Posted: May 13, 2011 in Daily Service

huwebes ng umaga ng bigla akong magising sa init na dumadapo sa aking mukha..isang sinag ng araw galing sa labas na tumagos sa bintana ng aming kwarto..alas diyes na ako ng umaga bumangon sa aking higaan at tulad ng dati sumalubong sakin ang mga anak kong makukulit sa baba ng hagdan..masasabi kong napakasarap ng buhay ng dahil sa kanila..salamat sa DIYOS.

eto na naman tayo..maliligo, kakain, magbibihis at aalis papuntang opisina..para bagang isang ritual na o isang ukit na sa puno ang aking ginagawa sa araw araw pero ang alam ko ay pang apat na araw ko na ito kaya huling araw na sa opisina at magbabakasyon na naman akong muli..ang sarap magkaroon ng ganitong iskeydyul..lunes hanggang huwebes lang ang pasok at biyernes, sabado at linggo ang pahinga pero nakakapagod nga lang sa apat na araw kasi labindalawang oras ka nasa opisina..

andito na naman ako sa loob ng opisina ko..para bagang malaking “effort” na ang maka apak sa loob nito..parang hinila nalang ang katawan ko para pumasok dito..ang dami kong gustong gawin sa buhay ko yung napaka saya hindi tulad ng ganito-siguro nga wala sigurong kakuntentuhan ang tao  sa buhay laging may hinahanap…magtrabaho nalang kaya ako sa comedy bar para masaya o kaya sa mcdonalds para laging may HAPPY MEAL..o sa jollibee, para meron JOLLY ADULT MEAL…

minsan naitanong ko lang sa sarili ko..dati rati kahit wala naman akong trabaho kumakain parin naman akong ng normal na kain ng isang tao…bakit pa ako nagtatrabaho? – ibang iba na ang buhay ko..may pamilya na dapat buhayin, isang napaka bigat na responsibilidad na dapat mong gawin..

balik tayo sa aking pang arawan na kwento…si kate, si vann, si lea, si allen, si may at si mico (hindi namen ka grupo) ang mga naabutan ko na magulo at may mga sariling kwento…ingay dun at ingay dyan, kwento doon, kwento dyan..iniisip ko lang bakit hindi tayo nauubusan ng kwento? siguro napaka pangit naman kung puro nalang kami tahimik..siguro isa ring dahilan bakit tumagal ako sa kompanyang pinapasukan ko eh dahil sa aking grupo..masaya, mga bibo at mg taklesa…siguro kung hindi sila ang aking grupo malaman lang hindi nako nag tagal dito sa opis na to. iba’t ibang mukha, iba’t ibang katauhan at iba’t ibang ugali nagkaisa at nagkasundo sa iisang grupo..(abangan ang kwento ko sa aking grupo)..

patapos na ang aming araw..umuwi na ng maaga si vann kasi sya ang unang nag VTO at agad din naman naaprubahan..nakaka inggit pero ang alam ko e pagdating naman ng sweldo eh sya naman ang maiingit..hehehe…walang tigil na kulitan at tawanan ng hindi namen namalayan na gabi na pala at pagising na ang mga bwiset na amerikanong tanga..napaka bilis na ng mga oras ng mga sandaling iyon..biglang naging abala ang mga tao sa opis sa pag sagot ng mga tawag… pero isa lang ang napansin ko ng may sagutin si kate na isang tawag galing sa kakaibang ring..ahhhh si THENG pala (my number 2 follower sa twitter).. isang bagong kaibigan na ipinakilala sa aking ni kate..naging FAN ko (aminin) at naging FRIEND ko sa “mukhang libro” (facebook)..isang tao na sinasabing kasing kulit ko..(sabi ni kate)…

sa wakas, hapunan ko na at mapapakain ko na ang mga bayawak na nag iingay sa tiyan ko kanina pa..bumaba ako para kumain pero bago pa man ako makapasok sa canteen or pantry para sosyal nakita ko yung dapat naming gawin na “annual physical exam” agad ko naman tinapos ito pero isa lang ang nag patagal sa proseso nito ang pag kuha sa akin ng dugo at pag “inject” sakin ng FLU VACCINE (napakasakit at mas masakit pa sa aking mga tattoo, hindi ko na uulitin yun, ito rin ata ang dahilan bakit masama ang pakiramdam ko ngayon)…agad ko naman natapos ang proseso at tumingin ng ulam sa pantry para maka kain na..bigla kong naalala na inutusan nga pala ako ni kate na kilalanin ang kaibigan nya sa baba kasi nag iisa lang sya..kung hindi ba naman kasi shonga..ang aga aga pa ng dumating sya..hahaha. agad ko naman siyang nakita pero biglang takot ang naramdaman ko ng makita ko na parang masama na ang “moood” nya..siguro nga kakahintay ng matagal.. parang nilalamok na sya doon sa gilid at panay na ang sindi ng yosi..nag desisyon akong wag nalang lapitan kasi baka malalim ang kanyang pinag dadaanan..kumain ako sa jollibee ng mag isa habang tinitingnan siya..sinusukat ko kung lalapitan ko ba o hindi or hahayaan ko nalang syang lamukin doon sa “parking”.. agad din naman akong natapos at nag desisyon na hayaan nalang si theng mag isa..nag yosi na ako at balak bumalik na para sa aking trabaho ng biglang may tumawag sa pangalan…”jay!” – sigaw ni kate sakin.. si theng nga pala..ahhh -yun lang ang nasabi ko.. nakita ko naman na ngumiti sya kaya gumaan na rin ang pakiramdam ko na hindi naman pala malalim masyado ang pinag dadaanan nya..

alas onse y medya na ng ma aprubahan ang VTO ko..isang oras na lang bago mag uwian..wala na sana akong balak sumunod at uminum ng mga gabing iyo kasi sumama ata ang pakiramdam ko sa gamot na itinusok sakin pero mapilit si kate eh kaya pinuntahan ko nalang..

dalawa lang sila ng maabutan ko sa central..si kriziel (not sure kung tama ang spelling) at si kate..animo’y tahimik at may pinag daanan sa buhay na matindi..nakakabagot ang mga itsura nila ng bigla akong magsalita… doon ko nakita na natuwa sila, tuwang tuwa sa aking pag dating na para bang nakakita ng isang clown o kaya naman isang stand up comedian (wag magreklamo, page ko ito..hahaha).. nag inuman, nag kwentuhan, nag emote at kumuha ng napaka daming larawan… pero sa tingin ko parang may kulang..ahh si pulis ang hinahanap ko..si PO1 erik esguera..isang malapit na kaibigan ni kate..ewan ko kung malapit na rin ba sa puso nya..hahaha.. lumipas na ang bawat segundo, minuto at oras, natapos na ang aming inuman.. masaya at may bago na naman akong kaibigan… nag si uwian na kami ng mga bandang ala una ng umaga sa aming mga bahay, yung dalawa naman ay umuwi na sa kanilang provinsya na may dalang bagong alaala na masaya…

hanggang sa muli…butiki!

*nais ko lang ipakita sainyo kung gaanu kami kasaya ng mga gabing iyon…

Advertisements
Comments
  1. theng says:

    I LIKEY!!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s