ang aking DRAMA..

Posted: May 22, 2011 in Daily Service, Important and Serious Matters

(bago mo basahin ang kwentong ito..may mga nais ako ipagawa sayo..)

1. buksan mo ang speaker ng kompyuter mo..

2.. itodo ito..

3. wag magpatuloy kung hindi pa nagagawa ang unang dalawang ipinapagawa ko..

**I-OPEN ITO SA NEW TAB AT I-PLAY…maalaala mo kaya?

4. bumalik sa page na ito at magpatuloy sa pagbabasa..

5. damdamin ang kwento..

patapos na ang araw ko sa mga sandaling ito..isang masayang dalawang araw na nakalipas pero sa ngayon ay babalik nanaman ako sa kalungkutan sa gabing hindi ko makakasama ang mga anak ko..

hayaan nyo akong ikwento ang dalawang araw na masaya ako sa piling ng mga anak ko..hayaan nyo ako at blog ko naman ito kaya wala nalang pakialaman..(pakibasa nalang..) sabado na ng umaga ng ako ay magising sa aking pagkakahimlay sa aming higaan..isang umagang napaka tahimik at walang batang magulo sa paligid ko..kasi nga nag iisa lang ako at nasa bulacan ang pamilya ko…(yung nanay ng lola nila ay may taning na kaya doon muna sila naglalagi pansamantala…<side ni daisy>)…hinintay ko muna ang nanay ng mga anak ko bago ako magtungo at makipagkita sa mga anak ko..hapon na ng dumating siya, mga bandang ala una..gutom na gutom ako..walang makain kasi yung niluto kong pansit canton ay mabilisang naman naubos ng mga bayawak sa tiyan ko…gutom na gutom ako pero wala akong magawa kasi tinatamad akong lumabas para bumili ng pagkain kasi sobrang ang init ng mga hapon na iyon..humiga nalang ako sa sofa hanggang ang gutom ay mawala..bandang alas tres na ng umalis kami sa bahay..sabik at kinakabahan ang aking mga nararamdaman habang kami ay patungo sa bulacan..sabik kasi isang linggo din kaming hindi nagkasama ng mga anak ko..simula pa noong pumunta kami sa baguio at marami narin akong naikwento sainyo pero hindi ko pa rin nakikita ang mga anak ko..habang papalapit ng papalapit kami sa bulacan ay unti unti rin naman bumibilis ang takbo o tibok ng puso ko..natatakot ako, natatakot na baka biglang hindi na ako pansinin ng anak ko at hindi nako makilala ng mga ito..bandang alas kwatro y media na ng exakto kaming makarating sa aming pupuntuhan pero imbes na dumiretso kami sa bahay namin sa bulacan ay bigla ko rin naman inaya muna ang aking asawa ng kumain muna sa mga katabing kainan sa may palengke kasi parang ako ay matutumba at mahihimatay..hindi dahil sa kaba na nararamdaman ko kundi dahil sa gutom na itinago ko..dalawang malalaking isaw at dalawang takal ng chicken skin ang aking kinain..maitawid lang ang gutom na aking dinadamdam simula ng nasa makati palang.., ako at ang aking asawa ay naglalakad na patungo sa bahay na aming tutuluyan..may naaaninag ako..isang batang babae at isang batang lalake ang naglalaro sa may bandang gate kasama ang isang dalaga..palapit kami ng palapit..palapit kami ng palapit..palapit kami ng palapit..palapit kami ng palapit..palapit kami ng palapit..palapit kami ng palapit..palapit kami ng palapit..at sa wakas malapit na kami..isang sigaw na “DADA” ang aking narinig galing sa isang batang babae..si marley..sabik na sabik na makita kami..sinuklian ko naman ng mahigpit na yakap at mga halik ang anak kong babae..bago pa man tumulo ang aking luha sa tuwa ay nakita ko namana ang aking bunsong si bob..parang wala lang sa kanya..tinititigan lang ako na parang sinasabing sinu ba itong kalbong ito..pitong buwan palangg si bob pero agad din naman sumama sa akin kahit medyo masama ang tingin..parehas ko silang karga habang papasok kami sa aming bahay..walang tigil na yakap at halik ang aming ginawa..para bang kami ay galing sa ibang bansa na animo’y ilang taong nawala..

simula ng gabing iyon ay wala na akong oras, minuto at segundong pinalipas na hindi ko kayakap ang mga anak ko…naglaro, nagtawanan at naglaro ulit..walang katapusan na paglalaro ang aming ginawa na parang wala ng bukas na sisikat..sobrang na “miss” ko ang mga anak ko..wala sa akin nang gigising..walang nang-sasapak at walang magulo sa kwarto..ilang oras din kami bumawi sa isa’t isa hanggang sa matulog at nagpahinga na sa aming kama..

tuk turaok…tuk turaok…tuk turaok…tuk turaok…tuk turaok…tuk turaok…tuk turaok…sigaw ng mga manok..maaga pa kung tutuusin..hindi normal sa gising ko..alas singko y media ng umaga ng ako’y gisingin ng mga anak ko..gusto ng maglaro at bawiin ang mga sandaling hindi kami nagkita sa isang buong linggo..buong araw kaming naglaro kahit sa napakatinding init ng araw..hindi ko na ininda ang aking kulay..kahit mangitim ako ok lang kasi alam ko naman sa sarili ko na wala na akong pwedeng iitim pa..umupo muna ako ng saglit para mag pahinga ng biglang umiyak ang napakaganda kong panganay na anak..(kanino pa ba mag mamana yan kung hindi sa ina..hahaha..kala mo sakin? hindi ko na inilagay na nagmana sa kagwapuhan ko kasi alam kong maraming mag re-react dito)…bigla akong napatakbo..nakita ko ang anak ko na nakadapa  sa lupa..sugat ang magkabilang tuhod..malaki ang sugat ng dahil ata sa pag takbo nya..sa sobrang inis ay muntik ko ng hamunin ang lupa..tinadyakan ko ang lupa para tumigil sa pag iyak ang anak ko na para bang masasaktan din ang lupa kapag tinadyakan o sinuntok ko ito..pero siyempre ang bata, agad din naman maniniwala.. dumiretso kami sa kwarto para gamutin ang sugat nito..pero hindi napigilan ng sugat at ng iyak ang pag haharutan namin..sa kama ay nag laro ulit kami..suntuk suntukan, kiliti kilitian at ng ako ay mapagod ay nag aya na akong mag laro ng tulog-tulugan..paunahan kung sinu ang unang makatulog..

MECHANICS ng laro:

1. simpleng simple lang..ang unang makatulog ng mahimbing.

2. kung sinu ang huling magising ay siya ang tatanghaling panalo..

at siyempre hindi rin naman ako nag pahuli t agad ding sinimulan ang pagtulog at ang anak ko ay hindi rin naman nag paloko kaya ng ako ay makatulog ay naglaro nalang daw mag isa sabi ng kanyang ina..(joke lang..)

mag gagabi na at parating na ang oras na kinatatakutan ko..ang pumasok sa trabaho kinabukasan at ang mawalay nanaman sa mga anak ko… kelangan ko ng lumuwas sa maynila kasi umaga ang pasok ko.. kasi kung lunes pako ako luluwas ay kakapusin na ako sa oras.. wala akong magawa, kelangan ko talgang mag trabaho para s mga anak ko..kahit umiiyak at ngumangawa ang anak ko ay hindi ko nalang pinansin at unti unti ko ng tinalikuran at patuloy nako sa paglalakad papalayo sa kanila…napakasakit kuya eddie…nakasakay na kami ng bus pero isa lang ang iniisip ko..parang gusto kong bumaba at yakapin ulit ang mga anak ko..(parang teleserye..).. sinabi ko nalang sa sarili..makakasama ko rin kayo ng matagal…makakapaglaro ng walang iniisip na oras..ganyan po ang naging buhay ko ate charo..maraming salamat po sa pagbasa ng aking kwento..makakaasa po kayo ng pagbubutihin ko lalo ang pagtatrabaho para sa kinabukasan ng mga anak ko..

nagmamahal na iyong tagasubaybay,

jay tecson

Advertisements
Comments
  1. thengobeng says:

    kakaiyak nmn..bago to ndi ako ntawa pwera dun s hamunin mo ng suntunkan ang lupa haha!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s