wag basahin…walang masyadong mababasa dito…

Posted: May 31, 2011 in Work Related

Huling tulog na at bibiyahe na kami sa pangalawang taon ng pagiging “best of the best” sa nasugbu, batangas.hindi naman ako masyadong natuwa kasi para saling pusa lang ang aming grupo hindi kumpara noong nakaraang taon na lahat kami sa grupo ay sumama pero sa taong ito hindi kami ang pinalad na manalong grupo..nakasama lang yata ako kasi may hindi sasama sa grupo ng “team euro” ganun din ang kwento ng aking mga ka-grupo pero dahil nasa bilang kami ng mga magagaling e pinasama na rin kami…napagod ako sa buong maghapon ng biyernes..nakakapagod gumawa ng wala…kesa naman sa walang ginagawa..(pag isipan ang kaibahan)..sa totoo lang..nag ehersisyo ako maghapon, nagpapawis, at mas lalo pang pinapaganda ang aking mga pandesal sa katawan..alas siyete ng gabi ng ako ay makatulog at dahil medyo maulan ay masarap matulog pero sa di inaasahan na pang yayari..nagising ako biglang may kumakaluskos sa aming kwarto..kinabahan ako,,pinag pawisan..hindi ko alam kung anu ang bagay na ito..laking gulat ko ng lumabas ang asawa ko..nag aasikaso na pala siya para pumasok sa trabaho..ala una y medya ng umaga ng umalis siya at simula ng oras na yon umikot ikot na lang ako sa aming higaan..pinipilit makatulog..pinepeke na tulog..pero ang hirap..bumangon ako..nahiga..tumayo..humiga ulit at pinikit ang mga mata..ilang minuto ang lumipas at sa kasamaang palad ay hindi pa rin ako nakakatulog at hindi ko pa rin mabalikan kung anu man ang aking napapanaginipan..isang oras ang makalipas ng ako ay mag desisyon na wag nalang matulog..binuksan ko ang kompyuter ko..tumingin tingin..binuksan ang mukhang libro (facebook)..naki tsismis sa iba..tumingin ng mga larawan..may kinausap na kaibigan..nakinig ng musika..at higit sa lahat nagsawa..wala na naman akong magawa..isang bagay ang nakapag pa interesado sa akin.. may nakalagay sa “ads” sa “yahoo mail” ko..”online dating”..wala naman akong balak seryosuhin kasi nga wala lang naman talaga akong magawa at gusto ko lang naman tlagang makipag kaibigan kasi kung hindi, ako ang malilintikan nito sa asawa ko..marami akong sinubukan pero mas nag “enjoy” ako sa isang website na kung tawagin ay “chatroulette.com”..subukan niyo kasi iba iba ang mga lahing makikita mo..
Ito ay isang parang laro na kung ayaw mo sa kausap mo ay pwede mong palitan ako ito sa pamamagitan ng pag pindot ng “next” para makakuha ka ng ibang lahi o ng ibang tao..maraming nakakatawang kwento at marami rin nakakatawang mukha sa paningin ko kasi malay mo nakakatawa rin ang mukha ko sa paningin mo..maraming may maskara ba parang mga tanga..may batman,,may multo..at siyempre hindi naman ako nagpahuli sa mga kagaguhan ng mga tao dito..kinuha ko ang unan ni marley na parang manika na may mukhang dora..hindi si dora sa kimmydora ha..si dora the explorer po ang tinutukoy ko..maraming natuwa..tumawa..humagakhak..pero sa bandang huli parang nagsasawa na sila sa gimik ko kaya sarili kong ukha naman ang pinakita ko..marami naman palang mababait na amerikano..italyano at kung anu anong lahi dito sa mundo..meron din naman mga kupal na kahit hindi mo naman inaano ay laging naka pakyu…siyempre hindi rin ako papatalo..dalawang kamay na pakyu ang isinukli ko..maraming nakakatuwang komento ang mga natanggap ko pero sa lahat ng komento nila ay isa lang ang pinaka pinagtataka ko..ang tawagin ba naman nila akong “negro!”..mga lima rin yata ang tumawag sakin na “niggah!” kaya ang ginawa ko ay pinatay ko na ang kompyuter ko..hindi naman sa naasar ako pero sobrang asar ko talaga na matawag na negro…ganun ba ako kaitim para tawagin na negro? Mabalik naman tayo sa totoong kwento..ipaubaya nyo nalang sa akin ang aking pag ssimyento..hindi ko namalayan na alas sais na pala ng umaga at agad agad naman ako ay nagmadali para mag impake ng mga gamit na gagamitin ko..kelangan ko ng magmadali kasi alas siyete ang alis namin patungo sa batangas para ipagdiwang ang pagiging kabilang sa pinaka magagaling sa aming kumpanya..
Naligo, nagbihis, nagpabango kahit hindi naman ako mabaho.. at umalis,,nakarating naman ako sa itinakdang oras..maaga pako ng kinse minuto para sa pag alis ng bus..pumunta muna ako sa aking asawa para pormal na magpaalam (meron bang impormal na pagpapaalam?)..eksaktong alas siyete na..isa pala ang aking ka grupo na nakikita..si allen..pero ang iba ay wala pa..pilipino taym nga naman..
Marami pa kaming hinihintay at ako at si allen ay sumakay na ng bus..naghihintay parin..pilipino time nga naman talaga..hindi mo malaman kung saan ba nanggaling ang ganitong mga trato ng mga pilipino..namana ba naten ito sa mga bansa na sumakop sa atin? Sa mga kastila kaya?..

Karagdagang impormasyon:

*alam mo ba ang buwan ng nobyembre ay itinakda ni dating pangulong Gloria macapagal arroyo sa ilalaim ng proklamasyon 1638: “NATIONAL CONCIOUSNESS FOR PUNCTUALITY AND CIVILITY”
-bakit kaya hindi nalang sa buong taon itakda ang ganito para maging mulat naman tayo sa pagiging maagap sa ORAS.

-bakit hindi kaya nating sabihin “dadating ako ng alas otso” hindi yung “dadating ako ng mga
Alas otso”..anu kaya ang ibig sabihin nito alas otso y medya? O kelangan naming manghula?

*alam mo rin ban a merong organisyon na tinatawag na Organized Response for the Advancement of Society o ang grupong O.R.A.S.
-Seryoso ito..tingnan mo..

Mabalik tayo sa aking kwento, alas otso na ng umaga at isang oras na ang nakakalipas at hindi pa rin kami umaalis patungo sa nasugbu, walang katapusan litrato ang mga naganap.. saloob ng bus.. sa labas ng bus. At kung saan saan pa..meron pa kaming isang hinihintay na isa..si missy (messy) hindi naman importante kung dumating sa oras diba basta yung “fact” na dadating ka okay na diba? Kahit ilang oras kang huli sa itinakdang oras eh ayus lang yun..wala naman talga sa bokubalaryo ng mga Pilipino ang dumating sa itinakdang oras..totoo itoo..totoo na Pilipino ako…
pumasok na ako ng bus pagkatapos mag yosi..naupo at gustong magpahinga at umidlip muna pero malas naman ako sa katabi ko..kahit nakapikit kana eh kinakausap kapa..hindi ko na papangalan pa ito pero nagsisimula ang pangalan niya sa gerardo..hahaha. dumating din si missy bago umalis ang bus..sa wakas umalis din ang sinsakyan naming bus pagkatapos ng dalawang oras..ayus lang naman kasi Pilipino taym..basta umalis naman diba?..nagkagulo na ang bus na sinasakyan ko..kwentuhan dun at kwentuhan dyan…at higit sa lahat walang katapusang lit-ra-to…pitchur pitchur!
Wala pang isang oras ng may narinig akong mag bibidyooke daw sa loob ng bus at ang maka isang daan na score ay papalitan ng pera o cash ng isa sa mga operations manager namen..nag ingayan sila..pumalakpak pagkatapos kumanta nung isa…meron pang isang kumanta..pinalakpakan ulit..sa aking pananahimik ay bigla ko nalang narinig ang pangalan ko na pinipilit na kumanta..si kate at si van..ang ka grupo ko na nangungulit..namimilit..ayoko naman talagang kumanta pero ng dahil sa mapilit sila..kakantahan ko na sila..pero mukhang umaayon yata sa akin ang panahon..hindi umabot ang mikropono sa kinauupuan ko at ayoko naman tumayo kaya nakaligtas ako sa kahihiyan sana na gagawin ko..sayang lang ang pinraktis ko na piyesa..

“♪♫we built this city..we built this city with rock and roll♪♫…….” Kinanta ko nalang sa isipan ko..

Lumipas na ang oras, minuto, Segundo at mili-segundo..lumalamig na ang simoy ng hangin..parang malapit na kami o nasa tagaytay na kami basta malamig na pero yun pala itinutok sa akin ni allen ang aircon kaya lumamig sa kinauupuan ko…langhiya..pero seryoso..palapit kami ng palapit sa aming patutunguhan..marami akong nakita..mga kalabaw..kabayo at baka..bigla kong naalala ang aking panganay na si malrey kasi kapag kasama ko siya sa biyahe ay lagi ko siyang tinuturuan ng mga tunog ng bawat hayop..katulad ng pusa..alam na alam niya yun kasi yun din ang tawagan namin ng aking magaling na asawa..”meow..meow” ang sagot niya sa tunog ng pusa..agad ko rin tinanong kung anu ang tunog ng aso..”arf arf” ang sagot niya..pero nung tinanong ko siya kung anu ang tunog ng kabayo…“horse horse” ang sinagot niya..bigla akong nagulat sa sagot niya..hindi ko malaman kung saan nanggaling ang sagot niya pero saan pa ba naman magmamana ng kalokohan ang anak ko? alam mo na ang sagot dito..

Una at huling hinto namin sa may gasolinahan sa tagaytay..medyo malamig na nga ang simoy ng hangin..may mga umiihi, bumaba para mag unat at meron din naman nag yosi..kasama na ako at ang aking grupo sa pag yoyosi at sa hindi mapipigilang phenomenon, inilabas na ni kate ang kamera para sa litrato ulit..para bang dokumentaryo kung saan saan at kung anu ano an gaming ginawa bago makapunta sa aming patutunguhan.

Humigit kumulang isang oras din ang lumipas ng makarating kami sa aming patutunguhan..sa bandang alas onse na ng umaga ng makababa kami at maaninag ang “canyon cove” na aming tutuluyan sa ilang sandal lamang…pinapunta kami sa tintawag nilang “lobby” maganda ang lugar..wala akong masabi..nagkagulo sila..hindi magkanda umayaw sa pagkuha ng iba’t ibang litrato…meron din maiinum na inihanda para sa aming pagdating..isang baso ng tsaang may yelo (iced tea)..pero hindi naman naalis ang kagutuman ko sa isang basong tsaa na inihanda nila..nagugutom nako at ang mga bayawak sa tiyan ko ay nagrereklamo na at kinakagat na ang aking bituka sa pagrereklamo nila..kelangan ko ng kumain.!.
Mga ilang minuto rin ang lumipas ng tumambay pa kami sa labas para magyosi..hindi parin handa ang pagkain naming..bigla lang nawala ang aking gutom ng kami ay magpakuha ng litrato doon sa “foto brew”
Marami raming litrato rin an gaming ginawa..kung anu ano parang mga naloloko loko na sa litrato..pagkatapos nun ay bumalik ulit ang aking gutom…marami na akong nararamdaman sa katawan..mga nararamdaman na hindi ko gusto,,bukod sa nagugutom ay najejebs din ako..pumasok ako sa isang pribadong banyo ng mga lalake para mabawasan ang tension sa katawan ko sa pag babawas ng tubig sa katawan..pag pasok ko ng banyo ay laking gulat ko ng meron sofa sa loob nito..dalang upuan na kutson na parang komportable at isang lamesa na merong bulaklak sa gitna…iniisip ko kung bakit meron ganon sa loob ng banyo..

Para ba ito sa mga naghihintay sa banyo?

Para ba ito sa pagkakape habang hinihintay mo ang iyong pag tae?

Para ba ito sa mga baklang gustong tumambay sa banyo ng lalake?

Hindi ko talga malaman kung anu ang tunay na dahilan pero kung anu man ang dahilan niyan ay wala na akong pakialam basta isa lang ang aking nararamdaman..ito ay ang aking pag kagutom..makalipas ang ilang sandal ay pinapasok na kami sa isang malaking kwarto na kung tawagin yata ay “recreational room”
Dito ginanap ang pagbati sa aming pagdating..pero kahit anu pa man ang kanilang sabihin ay hindi ko na naiintindihan..
Bigla nalang akong tumawa sa mga naririnig ko..isang bading na makulit din..inisa isa niya ang mga dapat at hindi dapat na gawin habang nandun kami..isinalaysay din niya kung anu ano ang mga actibidad na aming gagawin..isa na rito ang “amazing race” ayun sa aking pagkakarinig..iniisa isa niya rin ang mga mga mekaniks ng laro at nagtanong kung gusto ba daw naming na himayin niya pa kung paanu ito gawin..

Bading na host: would you like me to explain to you what is amazing race?
*No response from the crowd

Bading na host: it is a RACE! And it is so AMAZING that’s why its called AMAZING RACE!
*make sense..?

matagal tagal din ang aming hinintay bago kami nakapasok sa aming kwarto, halos maubos ko yata ang isang pakete ng sigarilyo kakahintay sa mga susi namin sa kwarto..humigit kumulang isang oras ang aming pinalipas bago makapasok sa kwarto at halos isang naman ang paghihintay namin bago namin nakuha ang aming mga gamit..nakaka inis talaga kung tutuusin pero wala ka naman magawa kasai libre lang naman din..tiningnan ko ang relo at eksaktong alas kwatro..alas kwatro na ng hapon ng kami ay matapos mag asikaso ng aming mga gamit sa kwarto at agad naman lumabas para matignan ang kabuuan ng lugar na pinasukan namin..ang hindi namin alam..hindi pa pala nag uumpisa ang palaro ng aming kumpanya…wala na sana kaming balak sumali pa kasi sa pagod at sa sobrang inis namin kakahintay ng mga bagahe at susi ng kwarto namin pero yamn din lamang na naandun na kami ay sumali na rin kami..nagbilang ng isa hanggang sampu..sampu kaming miyembro ng isang koponan para sa isang amazing na race o ang tinatawag nilang “the amazing race”..hindi ko na iisa isahin pa kung sinu ang mga kasali kasi halos lahat naman ay hindi ko kilala..maliban kay messy lang at kate (hindi naman talaga tunay na kasali-official photographer lang)..nagsimula ng at takbuhan naman sila..takbo doon at takbo riyan..hindi malaman kung saan papunta ang mga kalahok..nagkagulo na parang animo’y nagkapalit palit na ng ka grupo..pero ako..hinay hinay lang..naglalakad lang na parang ang yabang..nagsimula ang unang challenge sa amin..ang maghukay sa buhangin at hanapin ang isang kwintas..napaka dali ng ipinagawa nila..agad din naman kaming natapos sa unang “task” na pinagawa nila..mabuti pa sana kung karayum ang ipinahanap nila sa ilalim ng mga buhangin mas nahirapan pa kami sana..pangalawang task na..pangatlo…pang apat..pang lima-dito na yata ako nahirapan ng todo..kasi biruin mo halos ako lang ang nagtakip ng buhangin sa mga katawan ng aking ka grupo..walo silang lahat at ang katawan nila ay medyo malalaki rin kaya parang hingal kalabaw ako ng matapos ko ang task na ito..pang anim..pang pitong task ay natapos ng lahat at ang huli ay tumanganga sa isang hagdan na hindi namin akalain na kami pala ang unang koponan na nakatapos ng lahat ng mga ipinagawa nila..ayus..masaya panalo kami..lahat kami tuwang tuwa..masaya palang tunay ang amazing race at tunay ring may drama habang nilalaro ito..(sayang wala akong kopya ng winning moment ko at ang drama ng emosyon na ipinakita ko sa litrato..sayang talaga wala akong kopya)..pagkatapos ay walang humpay nanaman na kuhanan ng larawan..

sa WAKAS..natapos na ang mga aktibidad ng kumpanya..oras na para sa sarili namin kaligayahan..ang lumangoy ng lumangoy at magbabad sa tubig…parang wala na kaming pakialam sa mga nangyayari sa iba..basta masaya kami sa pagbababad sa “swimming pool”
mag gagabi na ng kami ay umahon sa tubig..naligo lang sandali at nagbihis saka lumabas ulit para mag hapunan..ito rin ang gabi na bibigyan kami ng mga prangal “recognition event”..isang pasasalamat sa amin ng aming kumpanya kasi ng hindi dahil sa amin ay hindi sila kikita..naghapunan na at ganun pa din..mahaba haba na ang pila…pagkatapos namin kumain ay agad din naman nilang sinimulan ang programa..aba..aba..aba..ang mga managers namin ay sumasayaw sa aming harapan..isang walang kwentang sayawan..kung baga sa palabas na showtime ay “waley” ang mga nag perform dito..parang nag praktis lang sila ng sayaw sa aming harapan..napaka “waley” talaga..halos nagkwentuhan lang nga kami ng aking mga ka grupo at doon na nga nabuo ang konsepto na gumawa nalang kami ng isang musik bidyo..natural mente si van nanaman ang kapareha ko kasi siya lang yata ang kayang sumabay sa mga trip ko..natuwa ang lahat..nasabik sa aming gagawin..kaya agad din kaming nagmadali papunta sa kanya kanyang kwarto pero dahil hindi mo mapaghihiwalay ang mga de kolor sa puti..nagpasya kaming dalawa ni allen na makitulog na lang sa kwartong tinutuluyan ng mga babae naming ka-grupo..para rin maisakatuparan ang gagawin naming bidyo..hindi ito porno kundi isang musik bidyo..

isang musik bidyo ang aming sinimulan..katulad nito

palpak ang una kaya gumawa ulit kami ng panibagong bidyo katulad nito..

hindi kami kuntento kaya gumawa pa ng isa pang bidyo tulad nito..

sa wakas nakatapos rin kami ng isang music bidyo tulad nito..

ang akala mo ba ay natapos na ang aming mga kakulitan sa nakaraang bidyo..

hinding hindi pa sumuko kaya gumawa ulit ng bidyo tulad nito…

pumalpak nanaman kaya ito ay pinagbutihan na namin kaya nakagawa kami ng isang obrang musik bidyo katulad nito…

maraming maraming bidyo pa ang aming gustong gawin pero dahil sumuko na ang mga kamera namin ay sumuko na rin kami at nagpahinga na..inayus na ang higaan..inilagay ang kiskisan..(kiskisan ng paa..usually ito ay isang piraso ng fishnet o ang pinaka maganda ay ang mosquito net o kulambo) pero walang kulambo sa kwarto namin kaya nag kasya nalang kami ni allen sa dalawang piraso tela na medyo magaspang at sa tingin ko ito talaga ay ginawa at inilagay sa kama para gawing kiskisan..
nakatulog na ang iba..si ish (irish hibionada) ay humihilik na..pero ako nang dahil sa mga adrenaline na kumakalat pa sa katawan ko ay hindi pa rin ako makatulog..sakto naman na nanonood pa si messy ng karton network kaya agad akong nakinood..hindi ko maintindihan ang pinapanood niya kaya agad ko itong pinalipat sa diskoberi channel..maganda ang kwento..pero ang huling naaalala ko ay nakita ko si messy na humhilik na rin at iyon din siguro ang dahilan kung kaya nakatulog na rin ako..

alas kwatro y medya ng may naririnig akong mga pag galaw sa aming kwarto..may mga boses na nag sasalita..akala ko nananaginip pako pako pero biglang nag kring kring kring ang telepono.bigla kong namulat ang mga mata ko..gising na pala ang ilan sa aking mga ka grupo..pilit kong ipinikit ang mga mata ko at umaasa pang muling makakabalik sa napanaginipan ko..pero wala na..tuluyan na akong nagising..nagka yayaan na na lumabas para makita anng pag sinag ng araw..agad din naman akong umuwi saglit sa aming kwarto para magbihis at maghilamos..nahiga ulit ako..pero ayaw na talagang matulog ng utak ko..parang meron nanamang adrenaline na bumubuhos sa katawan ko..gusto kong mangulit..ng mangulit..ng mangulit at ng mangulit..

halos alas sais na ng tumambay muna kami sa tabing dalampasigan (lalim ng tagalog ko) at siyempre mawawala pa ba naman at mga litratuhan?..kumakalam na ang aking sikmura..iniwan ko muna sila..nanghiram muna ako ng pera kay kate..(naku..hindi ko pa pala nababayaran..nakalimutan ko..buti nalang at nag blog ako kaya naalala ko) sesenta pesos ang hiniram ko kasi napakamahal ng isang tasang kape para bang meron espesyal na inihahalo sa kape pero ng ako ay bumili ay ikaw din naman ang mag titimpla ng sarili mong kape…nagka yayaan na para kumain..pero lakin gulat ko ng makapunta kami sa lugar na aming pag aallmusalan..parang blockbuster ng pelikula..ang haba ng pila at ang tagal pang gumalaw pero wala kaming magagawa kundi ang pumila para magkaroon ng enerhiya para sa huling paglangoy namin sa tubig…sabik na sabik na ako..pero pagdating ng pagkakataon ko ay kulang kulang na ang pagkain..wala ng bacon, itlog na may kamatis, at ham..parang ang natira nalang yata ay bukod sa prutas ay ang sinangag na kanin at tinapay..gusto ko na sanang patulan ang sinangag at ang ulam ay pandesal pero naiingit ako sa iba na kumakain kaya hinintay kong maluto ulit ang mga sumunod na ulam..isang bacon ulit pero yung itlog na amy kamatis ay wala na talaga..hindi na yata daw nagitlog yung mga manok nila kaya kami kinapos ng pagkaing itlog..
alas otso ng umaga na at medyo amy kainitan na ng matapos kaming mag almusal halos dalawang oras nalang ang aming natitira kasi pagsapit ng alas diyes ay kelangan na namin mag asikaso para tapusin na ang mga maliligayang araw namin sa pagbabakasyon sa canyon cove..nag aya ng lumangoy ulit..sa dagat nila unang napusuan at dahil sa alam ko na makati ang dagat nila ay hindi na ako naligo sa dagat at hinintay ko nalang mapansin nila na makati ang dagat (nasubukan kong makati ang dagat dahil sa isang challenge sa amazing race na kelangan mong lumangoy sa dagat)..hindi pa limang minuto at napansin na nila..nangangati na sila at agad ding umahon..nagka yayaan na na lumangoy nalang sa swimming pool at siyempre hindi na ako mag papahuli..sobrang saya kahit iniisip namin na pauwi na kami sa ilang sandali nalang pero siyempre gusto naming may alaala kami sa aming karanasan kaya kami gumawa ulit ng isang obra..

sobrang pinag isipan namin ito kaya kami nakagawa ng ganito..

napakasaya namin sa mga sandaling iyon..parang ayaw na namin tumakbo ang oras pero sa dahil nga masaya kami ay mabilis din tumakbo ang oras..alas diyes na at kelangan na naming umalis..kelangan na namin tapusin ang mga maliligayang araw namin sa pagbabakasyon..naligo..nagbihis..nagpahinga ako sandali..ninanamnam pa ang masrap na higaan na meron kiskisan..nanood ng telebisyon sandali habang hinihintay ang iba ko pang ka grupo..maya maya lang ay umalis na rin kami..sumakay sa bus..naghanap ng upuan at mawawala ba naman ang litratuhan?..ayan na naman..picture ng picture..parang isang dokumentaryo ang aming tinatapos sa pagsasara ng araw naming iyon..sa ilang sandali lang…nanahimik na ang kapaligiran sa loob ng bus na aming sinasakyan..tahimik na at nagpahinga na silang lahat..siyempre ako hindi rin magpapahuli sa pagpapahinga at sa tulugan..habang ang iba ay nagkkwentuhan..ako naman ay wala ng namalayan…zzzzZZzzZZzz

kung mapapansin mo..wala titulo ang kwentong ito..ang nakalagay sa itaas ay isa lamang babala at hindi ito titulo..
nais kong pahulaan ang ilalagay kong titulo dito..i txt lang ang..

kwentongbarbero ang sagot mo pangalan suking tindahan edad bakit? at bakit hindi?

i send lamang sa 222 para sa mga globe subscriber at
1515 sa mga smart subscribers…txt na!

o kung gusto mong gumulo ang buhay mo.. i txt lamang ang jaytecson ON
i-send lamang sa 2366 o 4827..txt na!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s