PAALAM na…

Posted: June 10, 2011 in Daily Service

isang napakalaking pagbabago ang magaganap..
ako ay magpapaalam na..
maraming salamat sa lahat..
hinding hindi ko kayo makakalimutan..

lunes ng umaga ng maganap ang napakalaking pagbabago sa utak ko..hindi ko ba alam kung bakit ko naisipan ang mga bagay bagay na iyan..basta desidido ako na gawin ang nais ko..ala-una y medya ng ako ay pumasok sa opis..tahimik..isa lang ang nasa isip..naglalaway..tinitiis..nauulol..waaaaaaaah!.parang hindi ko kaya!..hindi ko kayang hindi mag yosi..pero sabi naman ng magaling kong asawang rehistradong nars eh hindi naman daw pabigla bigla dapat..dapat paunti unti..mula sa isang kaha dapat maging kalahating kaha nalang ng sigarilyo ang maubos ko at mula sa kalahati ay limang stick nalang at mula sa limang stick ay dalawa’t kalahati nalang..hanggang sa mawala na ang aking pagkasabik sa paninigarilyo..
mag iisang linggo na rin o sabihin na naten limang araw na rin, na hindi ko pa nauubos ang isang kahang sigarilyo na nabili ko noong lunes ng hapon..parang matagumpay naman..hindi ko naman masyadong hinhanap at hindi naman ako masyadong nauulol para makapag sigarilyo lamang..siguro nagtataka ang ilan sainyo kung bakit ko biglang ititigil ang paninigarilyo..pasensya na po kayo kasi maging ako ay naguguluhan din kung bakit ako hihinto sa paninigarilyo..basta lang ba naisipan kong itigil ito..saka medyo napapadalas din kasi ang pagsakit ng tiyan ko dahil sa STRESS ULCER ko at sa pagdami masyado ng ACID sa katawan ko..ang payo ng doktor dati ay itigil ko ang paninigarilyo para mawala ito siguro mag dadalawang taon na rin ng sabihin ng doktor ito pero ngayon ko lang naisip na tama pala siya..atleast hindi pa huli ang lahat…may kasabihan nga tayong..

“it’s better LATE than PREGNANT” o di kaya naman “it’s BETTER late than LATER” diba!?

siguro yan nalang ang dahilan ko kung bakit ako titigil sa paninigarilyo kasi sumasakit na ang tiyan ko dahil sa mga asido na gawa ng paninigarilyo..gusto ko na rin sigurong mamuhay ng tahimik..yun bang
“healthy living and dirty lifestyle”
Isa rin sa mga ititgil ko ay ang ALAK..isa pa ito..isa ring sanhi kung bakit ganito ang tiyan ko..puro nalang asido..sa alak naman ay wala ako masyadong problema..kayang kayang hindi umiinum ng alak para naging totoo ang mga sabi ko sa doktor na occasionally lang ako umiinum ng alak pero dati ay puro kasinungalingan lang ang pagsabing occasionally lang ako lumalaklak kasi maniwala ka sa hindi e ayaw ko na yatang walang alkohol sa katawan ko eh..pero ang importante ay nagbago na ako..hindi na ako alcoholic pero naging sobrang acidic naman ang tiyan ko..kaya mas mapapadali ata ang pagbabago ko nito kung isasabay ko na rin ibaon sa limot ang pag yoyosi pero alam ko naman sa sarili ko na pwedeng pwede ko itong balikan kung gugustuhin ko lang..
naalala ko ang sabi sakin ng asawa ko dati..
Asawa ko: ”itigil mo na ang mga bisyo mo,yung paninigarilyo at pag iinum mo!”
Ako: “bakit!?”..
Asawa ko: “kasi ang daddy ko nga walang ka bisyo bisyo..”
Ako: “eh nasaan ba ang daddy mo..?”
Asawa ko: “namatay na..”
Ako: “huh!?..eh gusto mo rin ba akong mamatay na?”…
Nakakatakot naman pala kung mawala na lahat ng bisyo ko..parang ako ay susunod na..parang gusto ko yata magbago ng kwento dito..parang ayoko nalang itigil ang mga bisyo ko..

Sa kabila ng mga naiisip kong kakila-kilabot, kagila-gilalas ay meron pang isang sobrang nakakamangha na gagawin ko sa sarili ko…naisip ko lang din kasi na kung hindi na ako maninigarilyo at hindi na ako iinum ng alkohol ay meron na akong oras para magpapalaki ng mga muscle at magkaroon ng abs sa katawan ko..tama po ang nabasa niyo..seryoso nga ako..bakit at bakit hindi!?..
Nais ko lang pong linawin na gusto kong magpaganda ng katawan kasi gusto ko ito para sa sarili ko at wala po akong babae o kung sinu man na gusto ko lang pormahan(sana mabasa ito ng asawa ko)..pinag awayan pa namin yan, eh gusto ko lang naman magpaganda ng katawan…gusto ko lang magpaganda ng katawan para sa sarili ko lamang at hinding hindi kung sinu pa man o anu pa man na kadahilan..peksman..suman..batman..spiderman..tayuman..kailanman ( sa show ni papa jack yan )

Magpapaganda ako ng katawan para sarili ko..ayoko naman ng sobrang macho..ang gusto ko lang naman ay mag ka-hubog ang katawan ko..ayoko lang naman na may nakikitang akong sobrang taba at laman sa panglabas na anyo ng tiyan ko..ako din naman kasi ang nahihirapan..desidido na ako..ayoko ng mahirapan yumuko para mag medyas at magsapatos kasi naiipit ang aking tiyan..ayoko ng himasin ang aking tiyan pagkatapos kumain..ayoko ng magkaroon ng parang table kapag nagkakape ako sa umaga..ayoko ng mahirapan gumalaw..ayoko ng mahirapan umakyat sa hagdan..kung tutuusin ay hindi naman kalakihan ang aking tiyan at ito diba ang basehan ng pagiging tunay na lalake katulad nila fernando poe jr, daboy, at jinggoy..pero ayoko naman kasing dumating sa puntong hindi ko na kayang alagaan ang aking katawan..ayoko ng lumaki pa ang aking tiyan, yung tipong hindi mo na makikita ang iyong pag aARI sa sobrang kalakihan ng tiyan mo..paanu ko na makikita ang “tooooot” ko kung napakalaki na ng aking tiyan?..kaya naman ngayon palang ay sisimulan ko ng alisin ang sobrang balat sa aking tiyan at ipakita sa lahat na may anim na pandesal rin ako sa katawan.
Seryoso po ako..pustahan tayo..?
Tumingin tingin na ako ng mga gym sa makati na pwedeng enrollan para naman masimulan ko na ang aking pag eehersisyo. Nanjan ang gold’s gym, fitness first at kung anu anu pa pero parang gusto ko yata haluan ito ng konting martial arts katulad ng boxing, muay thai o kaya naman ay jiu jitsu kaya isa lang ang napili ko..sa punch out ako..mag boboxing ako habang nagpapaliit ng tiyan..seryoso na ako dito..bigyan mo ako ng tatlong buwan..laban!

(..gusto ko lang isingit na sa pagpapaganda ng aking katawan ay meron mga parang demonyo na parang sinsadya ang mga ito
nanjan ang MAX’s chicken all you can at gig ng FRANCO band na idol ko…tsk tsk sayang parang gusto ko ng talikuran ang pagpapaganda ng katawan..waaah!)

Kaya eto lang ang masasabi ko..paalam na sigarilyo.. paalam na alkohol.. paalam na carbohydrates.. paalam na EXTRA RICE!..paalam na sainyo..paalam na bantay..paalam na aling tekya..paalam na softdrinks.. paalam na sa mga pagkaing nakakataba…paalam na sainyong lahat….paalam na rin sa pusang laging kaaway ko(laging nagkakalat sa kusina namein ito)..paalam na sa lahat at higit sa lahat paaalam na sa sobrang taba at balat sa tiyan ko!!!

At kung ayaw mong maniwala at para narin ipakita ko sainyo kung gaanu ako ka-seryoso sa pagpapaganda ng katawan ko ay mabuti pang panuurin nyo ito…

eto pa….bicycle abs exercise…

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s