global WARNING!!!

Posted: June 22, 2011 in Daily Service

kamusta ka na? ilang linggo na rin ng mawalay tayo sa isa’t isa masyadong nagiging busy ang inyong ka tropa..o siguro aaminin ko na, walang akong maisip na maisusulat bukod sa ‘routine” ko patungo sa aking trabaho…pero gayunpaman ay magsusulat parin ako..bahala na kayo kung papatol kayo o babasahin nyo ito…

isang malamig na umaga ang bumulaga sa akin sa aking pag gising..masarap ang tulog at masrap din ang gising..agad akong bumaba para makapag hilamos at makapag sipilyo (alam kong bisyo lang paghihilamos at pagsisipilyo kaya ang sama sama ko, ang dami kong bisyo)…naghanap ako ng makakain at pandesal lang ang nakita ko sa aming hapag kainan pero ng dahil sa “diet” ako ay hindi nalang ako kumain at uminum nalang ng maligamgam na tubig pagkatapos kong mag ehersisyo (seryoso ginagawa ko ito)…isa ring dahilan kung bakit wala akong gana kumain kasi masakit ang aking lalamunan, sa hindi malaman na dahilan, hindi ko alam kung sipon nga ba ang dahilan o namamaga talaga ang aking “tonsil” sa lalamunan..ang sakit sobra lalo na kapag lumulunok ako ( alam kong walang naniniwala sa akin kasi ang iniisip nila ay pepetiks lang ako sa aming trabaho pero seryoso po ako kahit hindi halata sa mukha )..agad akong naligo, nagbihis at umalis…nakarating sa opis ng eksakto sa oras na itinakda.

para akong lalaganatin, ang sama ng pakiramdam ko, para gusto ko lang humilata sa baha mag damag pero kelangan magtrabaho para sa mga anak ko…parang lalagnatin kasi hindi pa naman sigurado kung may lagnat talaga ako..so kung parang lalagnatin ako dapat bakong uminum ng parang gamot na mabibili sa parang botika para parang gumaling na ako? ang gulo..wala akong magagawa hindi talaga kaya ng katawan ko sabi ng utak ko..kelangan kong magpahinga at magliban muna sa trabaho..siguro kasi sobrang pagod kami ng mga ka-grupo ko sa aming trabaho..napaka “workaholic” kasi e..lalong lalo na si VANESSA LAWAS (aking ka-grupo) na pati daw sa pagtulog ay napapanaginipan nya ang kanyang trabaho..kahit daw sa kanyang bakasyon o “day-off” ay hindi mawaglit sa kanyang isipan ang pag ta-trabaho..huwaran ka talga vanessa..saludo ako sa’yo!

isa rin sigurong dahilan kung bakit uso ang sakit ngayon lalo na ang sipon at ubo ay dahil na din sa pabago bagong panahon..minsan sobrang init na parang nililitson ka kapag nagbilad ka o kaya naman malamig na sobrang lamig o kaya naman maulan, na sobrang lakas naman kaya ang pagbaha sa maynila ay hindi na maiwasan, ang dami daming problema ng mundo, parusa na kaya ito ng DIYOS sa mga tao?
(ayaw kong bigyan tuon ang bagay na yan kasi sobrang hahaba ang aking kwento kung ikkwento ko ang mga iyan kasi pilipinas palang ay mapupuno na ang “page” ko kung ililista ko ang mga problema ng mga pilipino sa pulitiko)..tulad ng sabi ko..ang bilis magbago ng panahon..pwede pang gawin combo ito kasi kahapon lang ay sobrang init sa tanghali sa pagpasok ko at pagbaba ko sa sinasakyan ko ay bigla naman umulan ng malakas kaya nabasa po ako at ang dahilan ng sakit ko siguro..

“The global warming potential (GWP) depends on both the efficiency of the molecule as a greenhouse gas and its atmospheric lifetime. GWP is measured relative to the same mass of CO2 and evaluated for a specific timescale. Thus, if a gas has a high radiative forcing but also a short lifetime, it will have a large GWP on a 20 year scale but a small one on a 100 year scale. Conversely, if a molecule has a longer atmospheric lifetime than CO2 its GWP will increase with the timescale considered.”

sa tingin mo naintindihan ko? at kahit kung anu pa man ang dahilan niyan ay bahala na kayo at kung gusto nyo magkadagdag kaalaman ay magbasa nalang kayo sa wikipedia..sa tingin ko gumagawa naman tayo ng paraan para maiwasan ang global warming dito sa mundo..katulad ng “earth hour” diba na kung saan ay kelangan natin magpatay ng mga ilaw ng isang oras o mahigit pa para makatipid sa kuryente at makatipid sa pagbuga ng mga usok ng planta na gumagawa ng enerhiya..at kung merong “earth hour” bakit hindi tayo magkaroon ng “wind hour”? wind hour na kung saan kelangan nating magtipid ng hangin sa pamamagitan ng pagpigil ng hininga ng isang oras o mahigit pa para maiba naman tayo sa ibang bansa..isulong natin ito sa senado..kaya kung ako sayo titipidin ko na ang pag konsumo ng “oxygen” at tipidin mo na rin ang pagbuga ng “carbon dioxide”..

mabalik tayo sa aking pang arawan na kwento..andito parin ako sa opis at masama pa rin ang pakiramdam ko..tahimik habang pinakikinggan ang aking mga ka grupo na nag kkwentuhan at siyempre si van ay nag tatrabaho nanaman..kelangan ko ng magpaalam at kelangan ko na rin magpahinga sa clinic ng aming opisina kasama yung nars na maganda..

lagi lang pakakatandaan na walang gamot sa katangahan..magdala ng payong kahit umaraw man o umulan..

paalam langgam!

Advertisements
Comments
  1. Pretty! This has been an extremely wonderful post. Thanks for supplying this
    info.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s