panibagong yugto…

Posted: August 23, 2011 in Work Related

“You are a changed man!”

ganyan nalang ang lagi kong naririnig sa aking dating team leader at sa mga kakilala ko sa opisinang pinapasukan ko, bakit? o bakit hindi? napakasama ko ba dati? mabait naman ako sa trabaho at masipag pa, hindi lang siguro nila nahahalata..hayaan nyo akong ikwento kung bakit ganun nalang ang tingin nila sa akin ngayon..nagbago na daw ako, Mentor nako at siyempre malapit nakong maging pinaka-magaling na “visor” sa opisinang pinapasukan ko..pag-nagkataon siguro pwede ko nang angkinin ang pagiging – “SUPER-VISOR!”

Nagsimula lahat dito:
masayang masaya akong umuwi sa aming bahay ng huwebes ng gabi..walang masyadong iniisip at wala nanaman akong pasok kinabukasan..parang tuwing linggo ay nagbabakasyon ako, sa tatlong araw ba naman na magkakasunod ang pahinga ko sa trabaho,sinu kaya ang hindi matutuwa sa ganitong oras at araw ng trabaho…
kalagitnaan ng aking tulog ng ako ay magising dahil sa isang text galing sa aking magaling na “team leader” dati – ang aking natanggap…mag “mementor” daw ako sa wave 94 sa aking pinapasukan na kumpanya. kelangan ko daw silang gabayan sa kanilang “Academy Bay’ papuntang “Production Floor” para naman humusay sila(yabang!)…hindi ko pinansin at natulog nalang ako ulit kasi ang pag mementor ay wala sa aking “vocabulary”…
nagising ako ng mga bandang alas otso ng umaga..inalala ko ang mga napanaginipan ko at bigla kong naalala na kelangan ko tingnan ang telepono ko kasi meron isang istorbo kagabi na nagtxt sakin-si Shyn TABAcio..agad ko itong ni-replyan at agad akong nag reclaim (reklamo)..nag protesta ako kasi parang sa tingin ko ay hindi pa ako karapat dapat sumabak sa mga ganyan at tulad nga ng sinabi ko kanina ay wala pa ang pag-mementor sa aking bokubolaryo..isa pang dahilan kung bakit ayokong tanggapin ang inaalok niya ay dahil wala akong tiwala sa sarili ko, hindi ko alam kung bakit pero parang wala naman sa akin matutunan ang mga baguhan..
matagal tagal akong nagreklamo kay TABAcio na alisin ako sa mga listahan niya kasi hindi ako “qualified” sa mga ganyan, wala akong alam! Hindi ko alam ang gagawin ko, kulang nalang dalhin namin sa husgado ang aming pagtatalo pero sa bandang hulihan, wala na akong nagawa kundi tanggapin nalang ang inaalok sa akin ni shyn tabacio, kasi naman matagal nya na rin akong inaawitan na gawin ito..
“You will be helping them..” wika ni shyn.
“You will have a lot of friends” sabi ni allen (ang dami ko ng friends sa facebook)
“Masarap sa pakiramdam kapag may natutulungan kang iba..” sabi naman ni ryan
“It’s time for you to shine!” wika naman ni TL crissy
“Time for you to level up to become a TL” wika ni TL josette na dating kong ka grupo sa IAGO
Ilan lang ang mga iyan sa pang gagantso nila sa akin para pumayag ako pero dahil sa mga matatamis na salita na kanilang binitawan ay pumayag narin ako at medyo tumaas ang “confidence level” ko..
Masaya kapag mentor ka –sabi nila
at siyempre dahil MASAYA..SIGE na nga!

Unang araw ko, lunes, maaga akong pumasok para paghandaan ang bago kong responsibilidad sa trabaho pero kinakabahan parin ako, hindi ko alam ang gagawin pero andito na’to kaya’t sinabi ko sa sarili ko “ALL is WELL”..
Habang papalapit ng papalapit ang oras mas lalong kinakabahan ako, parang nakainum ako ng sampung tasang kape sa kabang nararamdaman ko, dumating na sila at pinapasok na rin ako sa kwartong kinakaupuan nila..wala nakong magawa!
“can i QUIT?” sabi ko sa trainer nila na si kyle..
“puta ka!” sagot sakin ni kyle..
Wala nakong nagawa, tahimik ako sa loob ng kwarto, nahihiya, natatakot at kinakabahan pero mabilis lumipas ang oras, nagpakilala sila at nagpakilala rin ako..
“My name is Jay, J-A-Y!”
“I’ve been here for 2 and a half years…”
at tinawag na ang mga malas na ahenteng mapupunta sa “cluster” ko…
Jhed, G and Lorraine! (Not in order)
“Clustering!”..sabi ni kyle
Agad na nagsilabasan sila sa kwarto at sumunod sa kani-kanilang mga mentor, hindi ko alam kung may sumunod ba sa akin o wala pero wala ako sa sarili ko, nanlalamig at hindi malaman ang gagawin pero may sumunod naman pala sa akin na tatlo (tig-aapat dapat ang kada mentor but since I’m a newbie, I just have three)..
Umpisa na, at hindi ko sila matingnan sa mata, habang nakaharap ako sa aking computer eh nag iisip ako kung anu ang mga susunod na mangyayari o kung anu ang sasabihin sa kanila.

Wag basahin.. hindi pa tapos!
nawalan ng gana mag ehersisyo dahil sa pagod..
iniisip kung anu ang gameplan sa araw araw…na disappoint..natuwa.
Dapat nakinig sa teacher dati kasi ang hirap pala magturo..
Kung anu ang tl mo dati ganun ka din sa mga ahente mo ngayon.
Underdog pero nasa top ang mga mentee ko…hindi sa ngyayabang pero ipagmamayabang ko na rin.
Yung mga nalalate at nag oober break nakaka inis..nakakainis pala ako dati…
Klasipikasyon ng mga bata ayun sa akin:
Mheng: maingay pero laging aktibo sa lahat ng diskusyon..
Raj: palatanong ng mga kakaibang sitwasyon.
Jomer at Aldrin: tahimik lagi kaya’t kahit wala man sila o anjan eh parang wala lang..
Jhed: payatot na supermodel.
G: Bobby Andrews pati boses.
Aga and Mirs: Lovers in Convergys
Jerome:
Elaine: Sayang!
Lorraine:
Cha:
Angel: laging bukang bibig ay ang boyprend.
Doms:
Anne:

Nakakatuwa pala, Masaya ng meron kang natutulungan at higit sa lahat meron kang mga bagong kaibigan.
Done with my task..Back being workaholic.

This slideshow requires JavaScript.

Advertisements
Comments
  1. jishifruit says:

    Ngayon ko lang nadiskubre to! Funny mo, dude! 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s